Chapter Forty-Five

Start from the beginning
                                        

"Your handsome face was also the reason why Devin fell for you. Your kindness and your looks are deadly combination to gather other people attention. Ang mukha mo ang isa sa kinaiinggitan ko sa 'yo, Hyde. I change myself because of Devin but when I think of you and your face, my motivation was doubled. Effective kaya ganito na ako ngayon." Nakangising sabi nito.

Pakiramdam ni Hyde ay namamaga na ang mukha niya sa walang tigil na pagsampal sa kanya ni Marty sa magkabilaang pisngi. Sobrang sakit na ang nararamdaman niya. Iniinda niya iyon ng sobra ngunit hindi ito.

"I wanted to erase your face!" Sigaw nito.

"Tama na, Marty! Tama na!" Sigaw ng babae na pamilyar sa kanya ang boses.

Tumigil si Marty sa ginagawa nang nabaling ang atensyon nito sa babaeng sumigaw.

"Anong tama na, Chloe?" Nangungutyang tanong nito. "I'm just starting to enjoy. Nag-uumpisa pa lang ako kaya hindi pa ito matatapos," anito.

Umalis ito sa harap niya. Ngunit napasigaw si Hyde ng sabunutan siya ni Marty mula sa likuran.

"Please. Stop." Nanghihina niyang sabi.
"Hindi ako titigil. Hanggang hindi ka pumapangit hindi kita titigilan." Anito. Pabalibag na binitawan ang buhok niya.

Napayuko siya. Sa ginawa nitong pagsabunot sa kanya, pakiramdam niya ay maaalis ang anit niya. Sobrang sakit ang ibinibigay sa kanya ni Marty. Emotionally and physically.

Sino ang mag-aakala na ang taong itinuturing niyang kaibigan ay magbabago ng ganito? The Marty behind him was not the Marty he used to know. Maybe he was the same Marty. This Marty was just the true nature of Marty. Nagtatago sa kainosentehan nito ang totoo nitong kulay. Ang inggitero, mapang-imbot at pagka-seloso na ugali.

Napapitlag siya nang marinig ang malakas na pagsigaw ni Chloe. Tiningnan niya ang mga ito kahit na mahirap ang pwesto niya. Nasa likuran niya ang kinaroroonan ng mga ito. At sa nakikita niya, pinapahirapan ni Marty si Chloe sa pamamagitan ng halinhinan na pagsampal at pagsabunot sa babae. Ang mas masakit ay ang sunod-sunod na pagsipa ni Marty sa katawan ni Chloe. Hindi ito makalaban dahil katulad niya ay nakatali rin ang mga kamay at paa nito. Ang pagkakaiba lang nila nakaupo siya samantalang ito sa sahig lang.

"Tama na, Marty! Tama na!" Galit niyang sigaw.

He was frustrated and angry at the same time. Hindi niya magawang tulungan si Chloe sa paghihirap nito. Kahit hindi niya ito masyadong nakikita alam niya na sobra na ang paghihirap nito.

Knowing that Chloe was also under Marty's captivity made sense to him now.

Naaawa siya sa kaibigan. Chloe already suffered under Gardo's custody and she was here now suffering again, under Marty's wrath.

"I won't stop until I get the satisfaction, Hyde! Huwag kang mangialam kung ayaw mong sa 'yo ko ibaling ang galit ko!"

"Tama na, Marty! Tama na!" Sigaw niyang muli. Hindi niya pinansin ang banta nito. Mas okay na sa kanya na siya ang pagbalingan nito ng galit.

"Isa ka rin, eh!" Galit na sabi nito. Tinigilan si Chloe at lumapit sa kanya.

Nang makalapit ito sa kanya agad siya nitong sinampal. Mas malakas iyon kaysa kanina. Sa pagkakataon ding iyon ay may kasama ng suntok sa mukha at katawan ang pananakit nito sa kanya. He received all of it. Sobra ng sakit sa katawan ang ibinibigay nito sa kanya.

Napaubo siya. Napasuka ng dugo. Humalakhak si Marty nang makita iyon.

"That is what I like to see."

Natigil lang ito sa ginagawa ng dumating ang lalaking pumalo at nagpatulog sa kanya.

"Boss, gising na si pretty boy," imporma nito.

String from the Heart Book TwoWhere stories live. Discover now