Chapter Forty-Three (Part 2)

Start from the beginning
                                        

Inabot nito ang cellphone sa nanginginig na kamay. Napangiti siya nang magsimula itong mag-dial.

"I-loudspeaker mo," utos niya rito.

Ginawa naman nito. Nang pumuno ang tunog ng ringing tone sa kabuuan ng kinaroroonan nila ay mas lumawak ang pagkakangiti niya.

"HELLO, HYDE."

Iyon ang bungad na salita ni Chloe nang sagutin ni Hyde ang tawag niya. Sobrang pagpipigil ang ginawa niya para huwag mapasigok dala ng pag-iyak. Hindi nito dapat mahalata na umiiyak siya dahil tiyak niya na magagalit si Marty. Demonyo ang lalaki at alam niya na magagawa nito ang banta. Hindi siya papayag na madamay ang mga anak niya sa gulo na kinasadlakan nilang matatanda.

Ayaw niyang gawin ang pinagagawa nito pero wala na siyang magagawa.

"Nasaan ka, Chloe? Nabasa mo ba ang message ko sa 'yo?"

"Oo. Nabasa ko. Patay na si Gardo."

"Chloe, tell me. Ikaw ba ang pumatay sa kanya?"

Napapikit siya ng mariin sa tanong nito. Wala na ring tigil ang pagtulo ng luha niya.

Napatingin siya kay Marty ng sipain siya nito ng mahina sa binti. Nandidilat ang mata nito. Waring nagsasabi na sabihin niya ang mga sinabi nito kanina.

"A-ako nga ang pumatay sa kanya, Hyde," aniya. Napahikbi na siya. Tuluyan nang nagkaroon ng tunog.

"Bakit mo ginawa 'yon, Chloe?" Tanong ni Hyde sa garalgal na tinig. Umiiyak na rin.

"Nagdilim ang paningin ko nang umuwi ako Hyde. Hindi ko kayang makita ang kahayupan ni Gardo. Napuno na ako ng galit kaya ko siya binaril pati ang lalaking kaapid niya."

"Chloe naman! Dapat bago mo ginawa 'yon naisip mo muna ang mga anak mo. Akala ko ba nagbago ka na?"

"Nagbago na ako, Hyde. Nagbago na ako." Pagtatanggol niya sa sarili.

"Kung nagbago ka na bakit mo nagawa 'yon? Bakit mo dinumihan ang kamay mo?"

"Dahil sa galit, Hyde!!" Sigaw niya. She was angry and frustrated at the same time. Angry for the situation and frustrated on the situation where she was. Hindi niya magawang ipagtanggol ang sarili sa sitwasyon niya. Para siyang puppet na pinapagalaw ng amo.

"Kahit na sobrang galit ang nadarama mo dapat hindi..."

"Sorry, Hyde. Sorry kung nasira ko ang pagtitiwala mo."

"Nasaan ka ngayon, Chloe?" Tanong ni Hyde pagkatapos ng malalim na paghinga.

"Ba-bakit?" Gulat niyang tanong. Nilukuban siya ng takot.

"Pupuntahan kita. Gusto kong makatiyak na okay ka lang. Na walang nangyari sa 'yong masama."

Nang mapagawi ang tingin niya kay Marty, mas maluwang ang ngiti nito. Tila sayang-saya sa kaganapan ng pag-uusap nilang dalawa ni Hyde.

"Tell him to go here, Chloe," sabi nito sa may kahinaan na boses.

Umiling siya. Hindi niya magawang magsalita dahil maririnig siya ni Hyde sa kabilang linya.

"Tell him to go here," muling utos nito.

Kahit na ayaw niyang gawin ginawa na niya. Sinabi niya kay Hyde ang kinaroroonan niya sa utos na rin ni Marty.

AFTER THE conversation of Chloe and Hyde, a satisfied smile was in Marty's lips. Talagang umaayon sa kanya ang mga bagay na nangyayari. Si Hyde na rin ang naghuhukay ng libingan nito pagkatapos magtanong kay Chloe kung nasaan ang babae.

Ngayon, ang kailangan niyang gawin ay pagplanuhan ng maigi kung paanong paghihirap ang ibibigay kay Hyde. Hindi siya magiging masaya kung agad itong mamamatay. Gusto niyang pahirapan muna ang lalaki.

SA NARINIG na pag-amin ni Chloe tila nawalan ng lakas si Hyde. Ngunit sa kabila ng pag-amin ng babae hindi siya nakadama ng takot sa isipin na nakapatay ito ng tao. Sa halip may bahagi ng pagkatao niya ang nauunawaan ito.

Love can really made people do crazy things. Its a powerful feeling that can drive a person to do things that every individual can't imagine.

Sa kaso naman ni Chloe, alam niya na walang pagmamahal itong nadarama para sa asawa. Kaya nito nagawa ang bagay na iyon ay dahil sa galit. Ang malakas na emosyon na iyon ang nagtulak para patayin nito si Gardo.

Ngayon na alam niya ang kinaroroonan nito gusto niya itong puntahan. Gusto niyang matiyak ang kaligtasan ni Chloe. Hindi siya makikipag-ugnayan sa alagad ng batas. Gusto niyang makatiyak muna.

Kahit na narinig niya na pinatay nito si Gardo hindi pa rin siya naniniwala. While talking to him over the phone there's a hint of her voice that sounded fear. Parang may kung ano o sino na nananakot dito.

Pumunta siya sa sala. Naabutan niya roon si Jake. Napatingin ito sa kanya.

"Okay ka lang ba, Hyde?" Tanong nito.

Umiling siya. "I'm not. Nag-aalala ako sa mga bata. Alam nila ang mga nangyari. Alam nila na patay na ang papa nila. But what worries me more is the fact that Chloe killed Gardo and Ricci."

"How did you know that?"

"Tinawagan ko si Chloe. She admitted that she killed them. Now that I know it, hindi ko maiwasan ang mahiya sa 'yo, sa inyong dalawa ni Devin. Tama kayo at mali ako. Pero kahit na ganoon, hindi ako takot na makita si Chloe. I wanted to confirm it again and with her infront of me. Gusto kong malaman ang totoo."

"Ano pa ba ang hindi totoo sa mga narinig mo, Hyde? Chloe admitted it. Stop being indenial."

"I'm not being one. Nang makausap ko siya narinig ko ang takot sa boses niya. Parang may nagpapasunod sa kanya."

"Saan kayo magkikita?" Tanong ni Jake.

Sinabi niya rito ang kinaroroonan ni Chloe.

"Ako lang ang ang pupunta ng mag-isa," aniya.

Umiling ito. "I won't let you. Kailangan kitang samahan dahil wala akong tiwala kay Chloe."

"Pero Jake."

"No buts, Hyde. Kailangan kitang samahan para masigurado ang kaligtasan mo. Gagawin ko 'yon hindi lang para sa 'yo kundi para na rin sa akin."

Niyakap ni Hyde si Jake. Being in his comfort was very soothing. He was happy that he is on his side but at the same time fear also enveloped his being.

May tiwala siya kay Chloe. Ang nagpapakaba lang sa kanya ay ang isipin na may taong nag-uutos sa likuran nito.

HINDI MAIWASAN ni Jake ang kabahan sa balak gawin ni Hyde. Hindi niya ito hahayaan na makipagkita kay Chloe ng mag-isa. After hearing to Hyde that Chloe confessed on killing Ricci and Gardo, he was sure that Chloe can do things that he don't want to imagine. Hindi niya hahayaan na mapahamak si Hyde.

Nang yakapin siya nito ay agad niyang niyakap ito pabalik. He wanted to comfort him. Gusto niyang mapanatag ang magulo nitong isip at puso sa mga nangyayari. Alam niyang na-shock ito sa nalaman. Nabalewala ang pagtitiwala na ibinigay kay Chloe.

Nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya, hindi niya maiwasan na pakatitigan ang mukha nito.

Namalayan na lang niya na unti-unting ibinababa ang mukha sa mukha nito at hinalikan ang nakaawang nitong labi.

He smiled between the kisses when Hyde kiss him back. He is one hundred percent sure that after the turmoil that they are into they can go back with each other and continue the love between them.

He just hope so. He is hoping so that it will end as soon as possible. Hindi na siya makapaghinhintay na muling mayakap at mahalikan si Hyde ng walang limitasyon. At ang matawag itong sa kanya ulit.

Nang matigil ang paghalik niya rito niyakap niya itong muli.

Sa ngayon, dapat na niya munang tawagan si Devin kahit ayaw niya. May karapatan naman itong malaman kung ano ang nais gawin ni Hyde.

String from the Heart Book TwoWhere stories live. Discover now