"Kilala ko ang kapatid mo,kaibigan ko siya.."pagsisimula ko ng usapan namin.

ngumiti siya kahit na nandoon pa'rin ang seryosong presensiya niya.

"magaan pala sa pakiramdam na may kumikilala pa'rin sa kanya bilang kaibigan sa kabila ng ginawa niya"

"isa siya sa mga taong mabait na nakilala ko"

"pwede mong sabihin yan pero hindi ko alam kung ganun pa'rin siya"

"Gavin,may gusto lang ako malaman tungkol sa kapatid mo at sayo..pasensiya ka na kung masiyadong personal ito"

"Ano yun?"

ilang sandali ako tumahimik bago nagpatuloy.

"bago mangyari ang ganito sa kanya,maayos ba ang relasiyon niyong dalawa?"

nakita ko siyang yumuko,hinawakan ang magkabilang kamay nito at pinatong sa lamesa.

sa kilos niya parang alam ko na ang sagot.

"Hindi..."

"maari bang malaman kung bakit?"

"Simula nang mamatay ang Dad ko at magkaroon ng ibang pamilya si Mom,we moved out sa ikalawang pamilya niya,nakilala ko si Nilo at ang bagong asawa ni Mom pero di kalaunan namatay rin ito,Mom did everything para mapag-aral kaming dalawa ni Nilo pero iniisip ko na hangga't hindi kami umaalis sa bahay na yun,bumabalik sa isip ko ang pagtataksil ni Mom kay Dad kaya nilalabas ko ang ko galit kay Nilo,tinuring ko siya na ibang tao pero ang lalaking yun....."

tumigil siya at nakita ko sa mga mata nito ang paglabas ng luha niya,mabilis niya itong pinahiran.

"si Nilo,hindi siya nagbago sa'kin,mabait at minsan hindi ko nakita sa kanya ang galit o sama ng loob,ngayon ko lang naisip na...wala siya ng mga oras na sinaktan ni Dad si Mom,hindi rin siya ang dahilan kung bakit naghiwalay sila,nadamay lang siya katulad ko,isang pagkakamali ang ginawa ko at pinagsisihan ko na lahat ng yun"

nanatili lang ako nakatingin sa kanya habang nagsasalita siya,naisip ko na may dahilan pala ang lahat kung bakit nakikita ko sa mga mukha ni Nilo ang lungkot at sakit,sa tuwing nagtatama ang tingin namin,nandun ang pakiramdam na kailangan niya ng taong aagapay sa kanya pero parang mailap ang sitwasyon dahil walang pagkakaiba ang nararanasan niya sa labas at loob ng bahay niya.naroon ang mga tao na kapareho ng kapatid niya na sinasaktan siya.

Pero baliktad na ngayon ang sitwasiyon.

"Gavin..."tawag ko sa kanya."may oras pa para ituwid ang kasalanan mo,kailangan ko lang ng kooperasiyon mo para maibalik na'tin ulit si Nilo"

may parte ng ekspreisyon niya ang nakita ko na lumiwanag,para bang nakarinig siya ng pag-asa.

"Anong gagawin ko?"

"kailangan mo sumama sa amin at pagkatiwalaan kami"

seryoso siyang tumango na ikinatuwa ko.

"pangako babalik si Nilo.."

ang huling sinabi ko sa kanya.

*************

Narration

sa kabilang dako naman ng lumang gusali at oras ng gabi,sumisigaw sa hapdi at sakit si Nilo habang kinukuha ng kasama nito ang bala na nakapasok sa loob ng binti niya.madiin na hinawakan ng lalaki ang binti niya at maingat na kinuha ang bala gamit ang isang aparato.

tumigil ang maalingangaw na boses ni Nilo nang humupa ang sakit at hapdi matapos magtagumpay ang lalaki na makuha ang bala.

"sa susunod na gumawa ka ng plano,siguraduhin mo na hindi ka papalya"

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now