Chapter 62: Epilogue

Start from the beginning
                                    

"Ooohhhh!" mahinang ungol ang lumabas sa bibig ni Amara, nang maramdaman nito ang palad ni Tyron at laruin ang dulo ng kanyang dibdib.

"Sh*t! Babe don't moan like that, I might bang you here in no time." nakangising usal nito habang patuloy sa pag-angkin ng leeg ng kanyang asawa.

"Loko!" hampas nito sa braso ni Tyron. "Tama na babe, baka makita tayo ng mga bata."

Ngunit parang walang narinig si Tyron at nagpatuloy lang ito sa paglasap ng kanyang labi. Bumaba ang halik nito sa leeg ni Amara at dumausdos papunta sa kanyang diddib nang biglang marinig nilang nagsalita ang kanilang mga anak.

"Daddy... Naynay!" sabay na tawag nila Reese at Tyler sa bukana ng kusina.

Nagulat ang dalawa sa presensya ng mga bata kaya naman napabalikwas ang mga ito at hindi alam ang gagawin.

Naharang agad ni Tyron ang kanyang mga anak saka ito pinaghahalikan sa noo, samantalang si Amara naman ay tumalikod sa lababo para ayusin ang sarili.

"Hello princess," masayang bungad nito kay Reese saka hinalikan ito sa noo, bago binalingan si Tyler "Hello little guy." aniya saka ginulo ang buhok ng bata lalaki.

"Daddy ano po ginagawa n'yo ni Naynay?" biglang tanong ni Tyler dahil sa una itong nakapasok sa kusina kanina.

Napabuga naman si Amara ng tubig dahil sa tanong ni Tyler na nakaagaw atensyon sa mga ito.

"Naynay are you okay po?" nag-aalalang tanong ni Reese.

"Y-yes anak, I'm fine..." namumula ang mga pisnginb sambit ni Amara rito.

"Naynay ano po ginagawa nito kanina ni Daddy before we came here?" pag-uusisa ng batang si Tyler.

"Ahhh... Ano anak, ano kasi anak." hindi alam ni Amara kung paano niya sasagutin ang katanungan ni Tyler kaya naman si Tyron na ang sumalo rito.

"Little guy your Naynay and I are playing... Right we're playing!"

"Ano pong laro Daddy?" pag-uusisa nito habang nakakunot ang noo.

"Ahh... We're just playing IT anak! Taya-tayaan." pinagpapawisang pagpapalusot ni Tyron dito.

"Babe!" biglang sigaw ni Amara. "Tama na nga' yan! Umupo na kayo nang makakain na tayo, may pasok pa kayo bukas." maawtoridad na wika ni Amara bago inihanda ang kanilang hapunan.

*****

"Babe sorry na please." pagsusumamo ni Tyron sa kanyang asawa.

"Hindi! Loko-loko ka kung anu-ano pa ang itututro mo sa anak mo, eh paano na lang kung gawin n'ya 'yon sa mga kaklase n'ya?! Syempre iisipin ng bata ayos lang iyon dahil laro lang naman 'yon sabi mo di ba?!" galit na na sambit ni Amara na halos mag-isang linya na ang kanyang mga kilay sa sobrang kainisan.

"Sorry na nga po babe, hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag kay Tyler lahat, kaya 'yon na lang iyong sinabi ko." paliwanag ni Tyron bago napakamot pa ng kanyang ulo.

"Hayst! Babe naman ang dami mong kalokohan!" hinaing ni Amara habang nagpapahid ng lotion sa kanyang binti.

"Kaya nga sorry na po, please?" lambing nito bago niyakap patalikod ang kanyang asawa.

"Tssss... Oo na! Sige na basta wag mo nang ulitin 'yon ha? Alam mo naman na matalino ang anak mo at higit sa lahat mausisa talaga yan si Tyler, curious pa sa mga bagay-bagay." paliwanag ni Amara bago niyakap na rin ang mga braso ni Tyron sa kanyang bewang.

Crush at First Sight ✔️ (Published) Where stories live. Discover now