Chapter 33: The Rival

100K 2K 29
                                    

Chapter 33

Kinabukasan, nagising si Amara sa boses ng kanyang mga kaibigan, "Hoy babae gising na!" yugyog ni Cindy aa natutulog na dalaga.

"Ano ba 'yan, inaantok pa 'ko!" sabay talukbong ng kumot.

"Aba ano ka bakla, nagpunta dito para matulog?" sarkastikong buska ni Jefra habang abala sa pagme-make up.

Hindi pa rin sumasagot si Amara nang biglang talunin siya ng kanyang mga kaibigan sa kama.

"Ano ba kayo para kayong mga bata!" singhal ni Amara sa mga ito bago nagmamadaling bumangon sa kanyang pagkakahiga.

"Hay nako bes, bumangon ka na d'yan. Kung ayaw mong masulot 'yung jowa mo." ani Cindy dahilan para mapangunot ang noo ni Amara.

"What do you mean?" biglang tanong niya rito.

"Yung fafa mo bakla, kinakalantari na ng higad sa baba kaya bilisan mo na, talbugan mo 'yung bruha!" maarteng saad ni Jefra bago inilantad ang kanyang higa na bagong shave.

Habang nagbibihis ay naikwento na ni Amara lahat ng nangyari kagabi, ngunit pinakiusapan niya muna ang mga kaibigan na 'wag nang sabihin kay Tyron lahat ng kanyang nalalaman.

Nang matapos magbihis ay mabilis na bumaba ang magkakaibigan at dumiretso sa swimming pool. Nakita niya si Cassie pati na rin ang mga tropa nitong mga higad na nagsu-swimming. Kasama sina Mark, Migs at Drake, samantalang si Tyron naman ay nakahiga sa bench.

Photo CTTO (Cassie)

"Bro bro, nandyan na sila Amara

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Bro bro, nandyan na sila Amara." saad ni Miguel

Bigla namang tumayo sa pagkakahiga si Tyron at nangunot ang kanyang noo nang mapansin na nakabathrobe sa kalagitnaan ng resort si Amara.

"Ano bang gagawin mo babe?!" he scolded Amara in his mind.

Nang makita ng dalaga na nasa kanya na ang atensyon ng lahat. Mabilis na hinubad ni Amara ang kanyang bathrobe at lumantad sa lahat ang sexy nitong pangangatawan, sa kanyang suot na red two piece swimsuit.

Photo CTTO (Amara)

Nagpatuloy sa paglalakad si Amara at hindi pinansin ang presenya nila Tyron sa kabilang pool side

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Nagpatuloy sa paglalakad si Amara at hindi pinansin ang presenya nila Tyron sa kabilang pool side.

Hindi naman magkandamayaw ang mga kalalakihan sa pagtitig sa dalaga, na animo'y isang modelo na kahit hindi nabiyayaan ng taas ay panalo naman sa kurbado nitong pangangatawan.

She smirked and flaunted her flawless sexy body to pissed Cassie and Tyron more, "Akala niyo ah." taas noong saad ni Amara saka umupo sa isang bench doon kasunod ang kanyang mga kaibigan.

Ilang segundo ang lumipas nang may lumapit na lalaki kay Amara sabay sabing, "Hi miss, can I have your number?"

Tinignan ito ni Amara at sinagot nang, "Not gonna happen, dude." supladang anas nito saka tinalikuran ang binata.

"Taray bakla, suplada mo naman." natatawang usal ni Jefra.

"Call me rude but I know his type, kapag nakuha na ng lalaking 'yon ang gusto niya, iiwan ka na lang na parang basura." suklam na sambit ni Amara saka isinuot ang kanyang sun glasses.

Umalis ang lalaki na lulugoy-lugoy at nagtawanan ang magkakaibigan nang biglang binalutan ng tuwalya ni Tyron ang buong katawan ng kanyang kasintahan.

"What the?! What are you doing, Tyron?!" singhal nito sa binata.

"So Tyron na lang ako ngayon sa'yo, ganoon na ba 'yun, babe?" may tampong sambit ni Tyron dito.

Hindi na nakapagsalita si Amara at nagulat nang bigla s'yang buhatin ni Tyron, na parang sako ng bigas, bago tinungo ang dalampasigan.

Dinala ni Tyron ang dalaga sa tabing dagat at hindi naman nagsasalita si Amara, dahil sa nagtatampo pa siya rito.

"So tell me, bakit ganyan ang suot mo?" seryosong ans ni Tyron bago niya ito tiningnan.

Mabilis naman itong tinignan ni Amara habang walang emosyon ang mga mata.

"Babe, do we have a problem? Kasi I can't read your mind to know kung bakit ka nagkakaganyan." frustrated na sambit ni Tyron.

"None!" tanging singhal ni Amara saka humalukipkip ang mga braso.

"Wala, pero bakit I've got this feeling na ang layo-layo mo na sa'kin? Tell me babe, kung anong problema please." pagsusumamo ng binata dala ng kanyang pagkabalisa.

Amara just took a deep breath and looked away.

"Babe please, what's with you? Why are you acting like that?!" at sa puntong iyon ay napataas na ang ti bre ng boses ni Tyron dala ng pagkalito sa ikinikilos ng kanyang kasintahan.

Tinignan naman siya ni Amara ng masama at naniningkit ang mga mata sabay sabing, "You really want to know my problem? It's because of you! You and that stupid b*tch! Kayo ang problema ko!" bulyaw nito saka tumulo ang mga luhanb kanina pa niya pinipigilan.

Nangunot naman ang noo ni Tyron dahil sa sinabi nito at hindi nakapagsalita.

"Bakit, akala mo hindi ko alam na meron kayong something nang babaeng 'yun! Tell me Tyron, ano bang relasyon n'yo! Bakit ganoon s'ya makatingin sa atin no'ng hinalikan mo ko kagabi sa harap nilang lahat?!" sumisigaw na anas ni Amara sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

"Babe I already told you, she's just my friend. How many times do I have to tell you, na kaibigan ko lang si cassie!" may inis na turan ng binata.

"Friend, talaga lang ahh. Tandaan mo Tyron, wag ko lang malalaman na may milagro kayong ginagawa ng babeng 'yun! Ayoko sa lahat 'yung ginagago ako patalikod!" galit na sambit ng dalaga at padarang na iniwan ang tulalang si Tyron sa tabing dagat.

AMARA's POV:

Ginagago, oo 'yan ang pakiramdam ko, call me whatever you want! A sensitive retard or a paranoid, pero alam na alam ko na ang mga bagay na 'to, dahil dalang-dala na 'ko sa panggagago sa 'kin ng mga lalaki!

Once na nalaman kong hindi faithful sa akin hinihiwalayan ko na agad. Ayoko ng heartaches, walang puwang 'yan sa puso ko.

Kaya nga ako naging ganito ka-open at katigas eh, dahil sa mga nangyari sa 'kin sa past. Ako ang hinahabol ng mga lalaki, hindi ako ang maghahabol sa kanila!

Pero bakit ganoon, parang pagdating kay Tyron, konting bagay lang nagiging sensitive na 'ko? Bakit feeling ko takot akong mawala s'ya sa 'kin? hindi kaya mahal ko na talaga siya?

Noong una trip ko lang siya dahil sobrang suplado niya, kaya nachallenge ako na paamuhin siya. Isa pa bored ako walang jowa in short, pero bakit sa ilang buwan naming magkarelasyon parang ayaw ko ng mawala siya sa buhay ko?

"Argh! Nakakainis naman 'tong sarili ko, hindi ko maintindihan." sabay sabunot sa sarili habang papunta sa kwarto nila ng kanyang mga kaibigan.


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon