Chapter 2: Mall

212K 6.8K 199
                                    

Chapter 2

AMARA's POV:

Naglalakad na ako ngayon sa mall at naghahanap ng pwedeng mairegalo sa pinakamamahal kong palakang kokak este bestfriend pala na si Cindy. Hahaha! (Pssss.. H'wag kayong maingay siguradong uusok na naman ang ilong ng bestfriend kong 'yun hahaha!)

Naka-White sun dress ako na 2 inches above the knee, tinernohan ko ito ng brown na boots half lang ng binti ko.

Photo CTTO

Nilugay ko lang ang aking alon-alon na buhok at nag-lagay ng makeup

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Nilugay ko lang ang aking alon-alon na buhok at nag-lagay ng makeup.

Yes you've heard it right, I love makeups hindi nawawala 'yan sa everyday routine ko. Girls alam n'yo 'yan.

Masaya naman akong nag-iikot-ikot dito sa mall, pero wala talaga akong maisip na pu-pwede kong mairegalo kay Cindy.

Iyon naman kasing babaeng 'yun, masyadong demanding. Ako nga walang hininging regalo sa kanya noong nag-birthday ako. Tapos siya? Gano'n-gano'n na lang?! Joke!

Biro lang, alam ko namang naglalambing lang sa akin si bes kaya pagbibigyan ko na lang.

Hmmm.. Makabili na nga lang muna ng paborito kong Frappe sa SB, para hindi na rin ako mainip kakahanap ng maireregalo ko kay Cindy.

Haaaaaayyy... Salamat! Makalipas ang hundred forty six hours nakabili na rin ako ng regalo. Siguro naman ayos na kay bes itong nabili ko para sa kanya, makapunta na nga sa bahay ng bruhang 'yun.

Habang naglalakad ako papuntang parking lot. Nahagip ng aking mga mata ang isang Souvenir Shop na bagong bukas doon. Napagpas'yahan kong puntahan ito. Sa ilang minutong pagtingin-tingin ko sa store, aliw na aliw ako sa aking mga nakikita.

"Wow! Ang gaganda naman ng mga ito." magiliw na wika ko sa hangin.

Aliw na aliw ako sa aking mga nakikita. Iba't ibang klaseng souvenir ang pumupukaw sa aking atensyon. Mahilig kasing akong mangolekta ng maliliit na key chain. Kahit saan ako magpunta basta makakita ng mga ganito ay talagang hindi ko mapigilang hindi bilihin, kahit na 'di ko naman kailangan.

Habang palinga-linga ako at busy sa pag-inom ng aking frappe, hindi ko namalayan na may makaka-bangga na pala akong isang lalaki.

"Ay palaka!" gulat na sambit ko rito.

Gano'n na lang ang kaba ko ng makitang natapon ang aking inumin sa damit ng lalaki. Nang mapadako ang akong paningin sa mukha nito, nanlaki ang aking mga mata dahil matalim na pala itong nakatingin sa akin.

"Sh*t! are you blind?!" singhal nito sa'kin, ngunit parang wala akong narinig dahil nakatulala lang ako sa angking kagwapuhan nito.

Parang bumagal ang takbo ng oras pagkakita ko sa mukha ng lalaking nakabangga ko. Mahilig akong managinip ng gising, kaya naman para sa'kin ang buong paligid ay nagkikislapan, na kung tawagin ko ay "Spark". Nakatulala lang ako rito at tanging sa mukha lang ng binata nakatuon ang aking buong atensyon.

"Waaaahhh... May spark mga momshie at syete! Ang gwapo ni kuya." kinikilig na sambit ko sa aking sarili.

Sa sobrang pagpapantas'ya ko sa kagwapuhan nito, hindi ko na namalayan na naisatinig ko ang mga katagang,

"Ang yummy." napakagat labi kong bulalas sa hangin, sapat na para umabot sa pandinig ng taong kaharap ko ngayon.

"W-what?" gulat na usal nito "Hey miss, are you okay?" tanong ulit nito sa'kin. Napabalik na lang ako sa aking katinuan, nang marinig ang boses nito sabay sabi nang,

"Ha? I'm sorry?" nauutal kong sambit sa kanya.

"I said are you okay?" mabilis na wika nito sabay snap ng kanyang daliri para pukawin ang atens'yon ko.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng magbalik sa realidad. Ngayon ko lang napagtanto na tumapon pala ang aking inumin at nagkalat na ito sa puting long sleeves ng lalaking kaharap ko.

Abot-abot langit ang aking kaba ngayon kaya naman nagsalita na ako nang, "Omg! I'm so sorry Kuya, hindi ko po sinasadya. Bibilan ko na lang po kayo ng bagong damit pamalit, sorry talaga." taos pusong paghingi ko ng pasens'ya habang nakayuko.

"Forget it... Maybe next time don't be too clumsy, kasi hindi lahat ng tao kaya kang pagpasens'yahan." medyo may inis na pahayag nito sa'kin.

Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa mga sinabi nito sa'kin, totoo naman kasi na kung ibang tao ang natapunan ko ng ganoon, baka hindi lang singhal ang matanggap ko at mas worst pa.

"S-sorry talaga." nakayukong saad ko rito.

"Tssss..." tumaas lang ang gilid ng labi nito saka tumalikod na para umalis.

Bago pa man tuluyang makaalis ang lalaking natapunan ko ng kape, muli itong nagsalita nang,

"And one more thing miss, ikaw ang dapat magpalit ng damit dahil kita na ang kaluluwa mo." sarkastikong usal nito sabay alis sa aking harapan.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito, kaya't napatingin ako sa aking suot ng puting sun dress. Laking gulat ko dahil tama nga ang sinabi ng lalaking iyon, bakat na nga ang aking dibdib dahil sa manipis ang tela nito. Malaki ang hinaharap ko kaya naman lantad na ang aking dibdib kahit na anong pagtatakip ang gawin ko.

"Yikes! Natapunan din pala ako ng iniinom ko, paano to?" nag-aalalang sambit ko sa aking sarili.

"Makauwi na nga lang muna at makapagpalit ng damit, Itetext ko nalang si bes." ani ko at saka napagpas'yahan na umalis na sa lugar na ito.

Nagmamadali kong tinungo ang parking lot para mabilis makarating sa aking sasakyan. Kailangan ko munang pumunta sa condo para magpalit ng damit bago pumunta sa bahay nila Cindy.

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon