Chapter 7: si Crush <3

142K 3.9K 36
                                    

Chapter 7

Naglalakad na ngayon si Amara sa Hallway ng Ford University. Habang abala sa pagtipa ng kanyang cellphone, narinig ng dalaga na parang may tumatawag ng kanyang pangalan.

Sa una ay hindi niya pa ito pinansin dahil baka nanti-trip lang ang taong iyon, ngunit habang tumatagal ay palakas ng palakas ang pagsambit nito sa kanyang pangalan. Ilang segundo lang ang lumipas ay parang nabosesan na ni Amara ang taong tumatawag sa kanya, walang iba kung hindi si Cindy.

"Bes... Bes!" pasalubong na bungad ni Cindy habang hingal na hingal.

"Oh bes napa'no ka, bakit ka hinihingal?" natatawang saad dito ni Amara.

Hindi muna nagsalita si Cindy dahil hinahabol nito ang kanyang hininga, dala ng pagtakbo nito para lang mahabol si Amara. Ilang segundo ang lumipas bago nakapag-salitang muli ang dalaga,

"Tara, takbo! Dali!" biglang wika nito saka hinablot ang kaliwang kamay ni Amara at kumaripas ang dalawa ng takbo.

"Wuy bes wait lang hinihingal na ako, saan mo ba ako dadalin?" kunot noong tanong ng dalaga sa kanyang kaibigan.

"H'wag ka ng magtanong bes, sumama ka na lang, baka 'di na natin s'ya maabutan." walang prenong sambit nito habang tangay-tangay ang kamay ni Amara.

Naguguluhan pa rin ang dalaga, hindi niya maintindihan kung bakit parang hinahabol si Cindy gayong wala naman s'yang nakitang nakasunod dito, kaya naman napagpasyahan na lang ni Amara na magsalita na lang nang,

"Sino?" kunot noong tanong niya rito.

"Ihhhhh... Basta bilisan na lang natin, para makita mo 'yung sinasabi ko." iritableng bulalas ni Cindy sa dalaga.

Nagpahila na lang si Amara sa kanyang kaibigan, kahit hindi naman n'ya malaman kung ano o kung sino ang tinutukoy nito.

Habol hininga silang tumigil sa labas ng chapel ng Ford University. Palinga-linga naman ang kanyang kaibigan na ani mo'y hindi mapakali dahil may hinahanap ito.

"Ayun!" bilang bulalas ni Cindy.

Hinilang muli ni Cindy ang kanyang kaibigan na si Amara at tumigil sa may bandang likurang bahagi ng chapel.

"May misa pala ngayon." wika ni Amara sa kanyang isip.

Habang nakikinig si Amara sa homily ng pari. Napansin n'ya na parang kinikilig ang mga katabi n'yang kababaihan na ani mo'y naiihi sa kanilang sinisilayan.

Napatingin naman siya sa direksyon ng tinitingnan ng mga babae. Ganoon na lang ang naging gulat ni Amara nang makita kung sino ang kinakikiligan ng kanyang mga katabi.

"Siya 'yung lalaki sa mall." pabulong na sambit ni Amara sa hangin.

Agad namang inabala ng dalaga ang kanyang kaibigan na si Cindy habang nakatuon ang pansin nito sa pakikinig sa sermon ng pari.

"Bes." kalabit nito kay Cindy. "Bes 'yung lalaki sa kabilang lane natin ayon ohh," turo ko niya rito.

"Siya 'yung nakwento ko sa'yo noong birthday mo na nakabangga ko sa mall." pagpapaliwanag niya sa dalaga.

Nang marinig ni Cindy ang mga sinabi ni Amara nakuha agad nito ang atensyon ng dalaga, "Hala ka bes, hindi nga, siya ba talaga?"

"Oo nga bes promise, hindi ako pwede magkamali kabisado ko 'yung mukha n'ya. Makapal kilay medyo maliit ang mga mata na may malalantik na pilik, tapos 'yung ilong bes ang tangos parang loro. At 'yung mga labi bes, ugh! Ang sarap halikan." kinikilig na paglalarawan ni Amara.

"Te-teka bes kila..." hindi na natapos ni Cindy ang kanyang sasabihin ng umentra agad si Amara.

"Wait lang bes labas ko cellphone ko, pipicturan ko lang si crush." humahagikgik na wika ni Amara.

"Bes, sandali." pagpipigil ni Cindy sa kanyang kaibigan.

"Wag ka nga magulo bes, wait!"

*click*

"OhEmGee! May flash bes 'yung phone, hindi ko naoff." natatarantang usal ni Amara saka mabilis na itinago ang kanyang telepono.

Ngunit huli na dahil biglang napatingin na ang binata sa gawi ng magkaibigan dahil sa flash na nakatawag pansin sa kanya. Nangunot naman ang makapal na kilay nito ng mapagtanto kung sino ang kumuha sa kanya ng litrato.

"Syete bes, nakatingin si crush." mahinang bulalas ni Amara saka yumuko dahil sa kahihiyan.

"Yan kasi ang landi mo nahuli ka tuloy." humahalakhak ngunit pabulong na pambubuyo sa kanya ni Cindy.

*****

Natapos na ang misa, ngunit hindi ito alintana ni Amara dahil nakatuon ang kanyang buong atensyon sa kanyang crush. Habang nakatulala biglang naisambit ng dalaga sa hangin ang mga katagang,

"Malalaman ko rin ang pangalan mo crush at sisiguraduhin kong mai-inlove ka sa'kin." buong kumpiyansa niyang sambit habang nakatingin sa binata.

"Bes tara na, tapos na ang misa." hila sa kanya ni Cindy dahilan upang mapatingin siya sa kanyang kaibigan.

"Wait lang bes, may lalapitan lang ako." nagmamadaling saad ni Amara at saktong lingon niya, biglang nawala ang binata sa kinakatayuan nito kanina.

Palinga-linga ang dalaga, sa pagbabaka-sakaling masilayang muli ang kanyang crush. Ngunit nabigo siya dahil nakaalis na ito ng hindi niya namamalayan.

"Wuy bruha, tara na malelate na tayo sa klase natin." tawag sa kanya ni Cindy.

Nang lingunin niya ito, bagsak ang balikat na sumunod na lamang siya kay Cindy papunta sa kanilang klase.

Habang naglalakad patuloy pa rin sa kanyang pagiisip si Amara, pagiisip tungkol sa kanyang crush na nawala ng parang bula. Kaya naman nanlulumong naisambit na lang niya sa kanyang sarili ang katagang,

"Haaaayyy... Sayang talaga hindi ko man lang nalaman 'yung pangalan niya." malungkot na bulalas niya sa hangin habang patuloy sa paglalakad.


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon