Chapter 32: bonFIRE

106K 2.1K 68
                                    

Chapter 32

Gabi na't nagkayayaan silang mag-inuman sa tabing dagat. Habang nakapalibot ang lahat sa bonfire ay mabilis na nagsalita si Jefra, "Oh kumpleto na ba lahat?"

"Yeah! Cheers!" sabay-sabay nilang sigaw bago pinagdikit ang kanilang mga beer.

Photo CTTO

Puro tawanan at kwentuhan ang nagaganap sa palibot ng bonfire, magkahawak kamay naman sina Tyron at Amara habang nakasandal ang ulo ng dalaga sa balikat ng kanyang nobyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Puro tawanan at kwentuhan ang nagaganap sa palibot ng bonfire, magkahawak kamay naman sina Tyron at Amara habang nakasandal ang ulo ng dalaga sa balikat ng kanyang nobyo.

Nang lumalim na ang gabi ay medyo nakainom na ang lahat, kaya't makukulit at maingay na ang magkakaibigan. Lalo na si Mark at Jefra, na siyang pasimuno ng pambubully.

Masayang nagtatawanan ang lahat nang biglang sumingit si Cassie sa eksena, "Hi guys, mind if we join you?" tanong nito kasama ang dalawa pa niyang mga kaibigan.

Nagkatinginan naman ang mga babae dahil nasesense nila sa isa't-isa, na mga higad ang nasa harapan nila ngayon.

"Sure ladies, have a seat." lango sa alak na sambit ni Mark sa mga ito.

"Thanks! By the way, this is Raven and Jenny, my friends." pakilala ni cassie sa mga girlfriend's niya.

"Hi mga baklush, I'm Jefra, ang pinaka maganda sa balat ng lupa. This is Bianca, Cindy, Mark, Drake and fafa Migs." malanding sambit na pagpapakilala ni Jefra sa kanyang mga kaibigan. "And of course you already knew them Tyty, I mean Tyron and the beautiful ever, Amara." proud na dagdag pa ni Jefra rito.

Nakatingin lang si Amara sa magiging reaksyon ng mukha ni Tyron at nang mapansin siya ng binata ay mabilis siyang hinalikan nito sa labi sabay sabing, "I love you."

"Loko ka talaga." nahihiyang sambit ni Amara saka inihiga ang likod sa dibdib ng kanyang kasintahan.

"Eh sa mahal kita, I can't help myself not to kiss those sweet lips of yours." malambing na turan nito bago hinalikang muli sa labi ang dalaga.

Matapos sa kanilang matamis na ngiti ay bigla namang napatingin si Amara sa kinauupuan ni Cassie, nakita niya sa mukha nito ang hinanakit at selos.

"Nagseselos ba siya, hindi kaya may past sila ni Tyron?" sa isip ni Amara.

*****

Lumalim na ang gabi at lasing na ang lahat dahil sa bumabahang alak. Nakatulog panandalian si Amara, dahil sa hilo at nang magising ay agad niyang hinanap si Tyron.

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon