Chapter 29: Meet the Anderson's

114K 2.4K 43
                                    

Chapter 29

Nasa biyahe na ngayon ang magkasintahan papunta sa bahay ng pamilya ni Tyron. Hindi naman mapakali si Amara, dahil sobra talaga ang kanyang kaba ngayon.

Kung meron man ayaw na ayaw ang dalaga 'yun ay ang rejections. Nasa ganoong isipin si Amara nang maramdaman niya na hinawakan ni Tyron ang kanyang malayang kamay, na kanina pa hindi mapakali.

"Hey Babe are you alright?" anito nang sandali siyang lingunin ng binata.

Binalingan naman agad ito ng dalaga saka nginitian ng alanganin.

"Babe, you don't have to worry. I am sure they will love you." usal ni Tyron habang nakatuon ang atensyon diretso sa kalsada.

Hinawakan na lang ni Amara pabalik ang kamay ng kanyang nobyo at nginitian ito ng pilit, "Alam ko pinapagaan lang ni babe ang loob ko, pero huhubels kinakabahan talaga ako." nasa ganoong pag-iisip ang dalaga nang biglang magsalita si Tyron.

"We're here." masiglang sambit ni Tyron bago bumaba ng kanyang sasakyan.

Nakita naman ni Amara ang isang malaking bahay, na mayroong dalawang palapag sa kanyang harapan. Napaka-inviting ng ambiance nito dahil sa pinaghalong kulay krema at asul na pinturang nakapagpa-eleganteng tingnan.

Photo CTTO

Nasa ganoong isipin si Amara nang marinig niyang magsalitang muli si Tyron, "Come on babe, let's go?" anyaya nito nang makababa siya ng sasakyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Nasa ganoong isipin si Amara nang marinig niyang magsalitang muli si Tyron, "Come on babe, let's go?" anyaya nito nang makababa siya ng sasakyan.

Huminga muna ng isang malalim na hininga si Amara saka humawak sa kamay ni Tyron. Hawak kamay silang naglakad pupunta sa tahanan ng mga Anderson at pagpasok nila ay agad sumalubong ang mabangong amoy ng putaheng niluluto roon.

"Smells good." biglang sambit ni Tyron nang marating nila ang kitchen. Mabilis namang napatingin sa magkasintahah sina Mommy Cris at Becca.

"Oh em Kuya!" masayang turan ng babaeng tisay sabay takbo papalapit sa binata.

"Hello baby girl." yakap na bungad ni Tyron sa kanyang nakababatang kapatid.

"Hello son." wika naman ng Ina ni Tyron bago yumakap dito.

"Hey Mom."

Sandaling natigilan si Amara nang mapansin ng mga ito ang kanyang presensya. Mahigpit namang hinawakan ni Tyron ang kamay ng kanyang nobya sabay sabing,

"Mom, Becca, I would like you to meet, Amara, my girlfriend." pagpapakilala nito sa kanyang kasintahan.

"Good evening po." kinakabahang bati ni Amara sa mga ito. Mas nailang naman siya nang makitang sinipat siya ng Ina ni Tyron mula ulo hanggang paa. 

"Lupa kainin mo na ako please." hindi mapakaling sambit ni Amara sa sarili.

Bigla naman nag-iba ang awra ni Mommy Cris at ngumiti kay Amara ng matamis, nang mapansin nito ang tensyon sa kanyang itsura..

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon