Chapter 1: Morning

319K 10.4K 189
                                    

CRUSH AT FIRST SIGHT
(TYMARA's Duology: Book 1)
(COMPLETED)

Started: MAY 28, 2017
Ended: JULY 3, 2017

*****

Chapter 1


Alas onse ng umaga naalimpungatan si Amara sa tunog ng kanyang cellphone. Dala ng sobrang antok, hindi niya ito binigyang pansin at bumalik nang muli sa kanyang pagtulog.

Ilang beses pa niya itong sinubukang balewalain, ngunit talagang makulit ang taong tumatawag sa kanya. Mukang wala itong balak na tigilan siya hangga't hindi nito nakukuha ang pakay. Kaya naman napag-pas'yahan na lang n'yang sagutin ito.

"Argh!" bulalas ng dalaga "Kainis! Hindi ba talaga titigil 'tong istorbong ito?!" inis na sambit ni Amara habang inaabot ang kanyang telepono sa side table.

Nang makuha ang kanyang cellphone, tiningnan niya agad kung sino ang tumatawag sa kabilang linya. Nangunot ang kanyang noo nang makitang si Cindy ito. Nagtataka s'ya kung bakit ito tumatawag, gayong wala naman silang pasok ngayon sa eskwela. Dala ng kanyang kuryusidad nagpas'ya si Amara na sagutin na lang ang tawag.

"Hello!" iritableng sagot ni Amara, na may halong pamamaos ng boses.

"Hoy bruha nasa'n ka na?" pasigaw na bungad ni Cindy sa kabilang linya.

"May hoy na bruha pa. Ang aga aga nambubulabog ka, bakit ba?!" iritableng sagot n'ya pa rito.

"Aba bes, 'wag mong sabihing nakalimutan mo na?" balik na sagot ni Cindy, na may himig ng pagtatampo.

"H-huh, ang alin?" naguguluhang tanong ni Amara rito.

"Waaaaahhhh... Talagang kinalimutan mo na bruha ka! Nakakatampo ka na ha! Birthday ko kaya." nagtatampong pahayag ni Cindy sa kabilang linya.

Sa puntong iyon ay tuluyan nang nagising ang diwa ni Amara dahil sa pagsigaw ng kanyang kaibigan.

"Sh*t! Nakalimutan ko." tanging naibulalas ng dalaga sa kanyang isipan.

Kilala n'ya si Cindy, madaling magtampo ang dalaga lalo na pagdating sa mga ganap nila sa buhay. Kaya naman mukang haharap ngayon si Amara sa matinding suyuan.

"Ano ka ba bes, pwede ba namang makalimutan ko ang pinaka importanteng araw na 'to?" palusot n'ya rito, ngunit sa kabilang banda ng kanyang isipan ay hinihiling ng dalaga na kagatin ni Cindy ang palusot n'ya.

"Hmpf! If i know nakalimutan mo naman talaga, kasi kung alam mo edi sana nandito ka na ngayon. Sabi mo po kasi maaga ka pupunta rito para tulungan ako sa party ko." dire-diretsong usal ni Cindy at mahihimigan mo na may halong pagtatampo na ang dalaga dahil sa boses nitong nagmamaktol.

Napa-hilamos nalang ng mukha si amara gamit ang kanyang palad. Totoo naman talaga ang sinasabi ng kanyang kaibigan. Nawala talaga sa kanyang isip na ngayon ang kaarawan nito dahil sa nalasing s'ya kagabi sa pag-inom ng alak mag-isa sa kanyang condo.

"Wuy bes 'wag ka na magtampo," alo n'ya sa nagtatampong kaibigan "Alam ko lumalaki na naman 'yang butas ng ilong mo d'yan, sige ka papangit ka n'yan! Mas lalo tuloy lalayo ang ganda ko sa'yo sige ka!" panunuyo at tukso ni Amara kay Cindy para aluin ang kanyang kaibigan.

"Gaga! nagmana ka lang sa 'kin noh. O s'ya s'ya punta ka na lang dito ha? dadating din 'yung mga kaibigan ng kuya ko. kaya magpaganda ka. Malay mo isa na pala sa kanila ang prince charming mo. ayyyiieee." buska ni Cindy.

Nakahinga naman ng maluwag si Amara dahil nabosesan n'yang ayos na ang kanyang kaibigan.

"Hahahaha!" halakhak ng dalaga "Lokaret ka talaga! Sa fairytale lang may prince charming noh! Pahinga muna ako sa lovelife bes.. 'Di pa ako handang mag-mahal ulit." Mapaklang saad ni Amara.

"Bruha! 'wag ka magsalita ng tapos, baka kainin mo 'yang mga sinabi mo sa 'kin mabundat ka agad." makahulugang pagbabanta nito kay Amara.

"Hmmmm... Si tadhana na ang bahala sa 'kin bes, kapag nakita ko na ulit 'yung lalaking mamahalin ko magkakaroon ng spark promise! Itaga mo pa sa bilbil mo! Hahahaha!" humahalakhak na usal ni Amara.

"Bastos ka talagang bruha ka ! Ang sama mo, wala kaya akong bilbil noh!" singhal ni Cindy.

"I'm sure umuusok na naman 'yang ilong mo," Hahaha ! halakhak ng dalaga "O s'ya Sige na bes babye na po at mag-aayos na ako." akmang papatayin na ni Amara ang linya ng biglang nagsalitang muli si Cindy.

"Teka teka babaita!" pahabol ng kanyang kaibigan sa kabilang linya.

"Bakit na naman?" kunot-noong saad ni Amara.

"Iyong regalo ko wag mo kalimutan ha?" Cindy

"Hala s'ya! Demanding te, hindi ba presensya ko na lang ayos na regalo na 'yun?" natatawang sambit ni Amara.

"Hindi sapat 'yun babae, basta 'yung gift ko magtatampo ako kapag wala kang dala. Sinasabi ko sa 'yo Amara Grace!" Cindy

"Ay may pagbabanta te? O s'ya, demanding na palaka, sige na maliligo na'ko at makadaan na rin sa mall para sa regalo mo po." Amara

"Yan kung ganyan ba naman eh, haha! Labyah bes. Babush!" Cindy

"Letsugas! Sige na bye bes, Labyah." sabay patay ni Amara ng kanyang cellphone.

Bumangon na ang dalaga sa kanyang kama habang naghihikab. Napag-pasyahan ni Amara na pumunta sa kanyang balkunahe para doon mag-inat ng buong katawan.

Binuksan n'ya ang balkunahe ng kanyang condo at dinama ang sinag ng araw na tumatama sa kanyang makinis na balat. Ilang minuto rin ang kanyang tinagal doon saka napagpasyahang maligo na.

"Hmmm.. Makaligo na nga, para makadaan na rin sa mall mamaya, nang mabilan na ng regalo ang mahal kong bestfriend." wika ni Amara sa kanyang sarili saka pumasok nang muli sa kanyang condo.

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon