Chapter 22: Amara's Secret

115K 2.3K 12
                                    

Chapter 22

Kinabukasan, nagising si Amara sa tunog ng kanyang cellphone. Hindi n'ya naman ito pinansin dahil sobrang inaantok pa talaga siya. Alas tres ng madaling araw na kasi ito nakatulog kakaisip tungkol sa kanila ng binatang si Tyron.

"Muntikan na kaming maghalikan kagabi." kinikilig na bulong n'ya sabay mahigpit na niyakap ang unan sa sobrang kakiligan.

Nasa ganoong eksena si Amara nang muling tumunog ang kanyang telepono, pero sa pagkakataong iyon ay isang mensahe naman ang kanyang natanggap.

Mabilis niyang kinuha ang kanyang telepono sa side table at nakita na kay Cindy galing ang mensaheng iyon.

From: besCindy

Hoy bes, bakit hindi ka pumasok aber?

To: besCindy

Kwento ko sa'yo pag-uwi ko next week.

From: besCindy

Next week? Bakit may sakit ka bes?

To: besCindy

Wala akong sakit, sakit sa lovelife meron!

From: besCindy

Ilusyunadang palaka! Bakit may lovelife ka ba?

To: besCindy

Malapit na, actually kasama ko s'ya ngayon dito sa rest house namin.

From: besCindy

Sino 'yan?! Madami kang kwento sa 'kin pagbalik mo Amara Grace!

To: besCindy

Sino pa edi si BABE...

From: besCindy

Babae sinasabi ko sa'yo, nakakagigil ka! Hindi ka na nagkkwento, bestfriend mo pa ba ako?! Para kasing hindi na eh, wala na ko alam sa'yo. At bakit kayo magkasama d'yan? Sumagot ka bruha! Hoy sumagot ka!

To: besCindy

Galit na galit te? Saka ko na iku-kwento sa'yo pagbalik ko. Labyah!

Nakahiga pa rin ang dalaga habang nakatingin sa kisame. Inaalala ang ginawa n'yang kalokohan kahapon bago pa man sila mapunta sa rest house.

Flashback

Habang kumakain, galit na galit si Amara sa binata dahil sa pagtanggi nito sa alok niyang sumama sa kanya.

"Akala ko ba gusto n'yang mapatawad ko siya? Bakit ayaw niyang mageffort?" inis na sambit nito sa kanyang sarili.

Sa kabilang banda naman ng isip n'ya, "Grabe ka naman 'te, may importanteng lakad nga 'di ba? Intindihin mo na lang, buti nga nag-effort pang daanan ka oh."

"Kahit na! Dapat sinusuyo niya ako, pacheke-cheke pa siya. Ano tingin niya sa akin, walang pera?" kausap niya sa kabilang isip.

Ilang sandali pang nag-isip si Amara nang may kalokohang pumasok sa kanyang isip, "Alam ko na! Humanda ka sa 'kin Tyron, kikidnapin kita!" kinikilig niyang sambit sa kanyang sarili.

"Excuse me, ladies room lang ako." pamamaalam niya kay Tyron sabay alis sa table.

Pumunta si Amara sa kitchen ng Restaurant at hinanap ang may-ari nito na close friend n'yang si Nathan.

"Hi Nate!" bati niya sa manager/owner ng restaurant.

"Hey Amara girl, what brings you here?" anito saka bumeso sa dalaga.

"I'm just having lunch with my boyfriend!" sabay turo sa table nila ni Tyron.

"Gwapo ahh, bagong papa Ate girl?" maarteng usal ni Nate habang sinisipat ang kinauupuan ni Tyron.

Tama kayo nang narinig, bakla si Nate, pero hindi ito mahahalatang bading dahil sa angking kagwapuhan ng binata este pusong dalaga pala.

"Shhhh... Secret lang natin 'to bakla, hindi n'ya alam na boyfriend ko siya. Pero you know me girl, what Amara wants Amara gets, right?" natatawang sambit ni Amara saka humalakhak kasama ang kanyang kaibigan.

"Lokaret ka talaga, anyways ano ba sadya mo? Mukang importante ahh."

"Hihiram lang sana ako ng ice pick bakla, please?" malambing na sambit ng dalaga at nagbeautiful eyes kay Nate.

"Hay nako girl, baka trouble 'yan ahh. Ayoko masangkot, cannot be." malanding wika nito saka umiling-iling pa ang ulo.

"Sige na Nate-Nate pretty, please?" pangungumbinsi ni Amara sa kanyang kaibigan.

"Oh siya bakla eto ang icepick, kung hindi lang kita suki dito sa restaurant ko hindi kita pagbibigyan sa kalokohan mo 'te." saka inabot ang ice pick sa dalaga.

"Thank you bakla!" at umalis na si Amara para pumunta sa parking lot.

"Lagot ka sakin Mr. Tyron James Anderson." nakangising sambit ni Amara sa kanyang sarili habang nakatanaw sa kinauupuan ng binatang si Tyron.

Nakita niya na busy ang binata sa cellphone nito, kaya naman maingat s'yang lumabas ng restaurant para hindi makita nito.

Dumeretso siya sa parking lot at pinuntahan ang kotse ni Tyron. Sumilip pa ito sa kanyang paligid para masiguradong walang makakakita sa kanyang gagawing kalokohan.

Nang makitang walang tao, isinagawa ni Amara ang kanyang plano at binutas ang gulong ng kotse ni Tyron, gamit ang ice pick. Ngiting tagumpay si Amara sa kanyang ginawa, kaya naman bumalik na siya sa loob at hinarap ng muli si Tyron.

End of Flasback

Bumangon na ang dalaga at dumeretso sa kanyang banyo, naisipan n'yang magswimming kaya't kumuha siya ng swimsuit at lumabas na ng kanyang silid.


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon