Chapter 44: The Warning Signs

115K 1.9K 96
                                    

Chapter 44

Naging maayos ang takbo ng relasyon nina Tyron at Amara, minsan may mga bagay na hindi sila napagkakasunduan pero mas nananaig pa rin sa dalawa ang pagmamahal kaysa sa ego nila.

Gaya na lang nang nangyari noong nakaraan...


Flashback

"Bes ano sabay ka na sa'kin, Tignan mo ang dami mong dala oh! Daan muna kita sa condo mo." pagpiprisinta ni Cindy.

"Ano ka ba bes ayos lang ako, kayang kaya ko 'to, sige na baka malate ka pa sa lakad mo. Don't worry magtataxi na lang ako."

"Sureness ka? Hindi na magbabago ang isip mo?" paninigurado pa nito.

"I'm pretty sure bes, kasing pretty ng mukha ko!" natatawang turan pa ng dalaga.

"Gaga okay ka nga talaga nakuha mo pang magbiro, oh s'ya gora na ko! Bye bes ingat ka okay?" paalam ni cindy sabay beso.

"Sila mag-ingat sa 'kin, sige na babush!" beso ni Amara at kumaway sa kanyang kaibigan.

Habang nag-aabang ng taxi ay tinext niya si Tyron na pauwi na s'ya, nang biglang may humintong sasakyan sa harapan ng dalaga.

Ngunot noo n'ya itong tinignan dahil tinted ang salamin ng kotse, laking gulat n'ya ng ibinaba ng may-ari ang bintana ng sasakyan nito.

"Jake... New Car?" kunot noong sambit ni Amara rito.

"Yup... Hop in sweetie, hatid na kita."

"Ahhh... JJ." alanganing saad niya rito.

Bumaba naman si Jake ng sasakyan at kinuha ang mga bitbit ni Amara.

"Ahh JJ wag na, magtataxi na lang ako." pag-tanggi ni Amara sa alok nito.

Sa puntong iyon ay tinignan naman agad s'ya ni Jake sabay sabing, "Nakakahalata na'ko sweetie, umiiwas ka ba sa 'kin?" pag-uusisa nito.

"H-hindi naman sa gano'n..." naputol ang sasabihin ni Amara nang biglang hilain s'ya ni Jake papasok sa kotse nito.

Wala nang nagawa ang dalaga kundi ang sumunod dito, inisip n'ya na wala naman sigurong masama kung sasabay s'ya sa binata.

Pero sa kabilang bahagi ng utak niya ay kinukutiltil s'ya nito, "Ano ka ba Amara, pagnalaman ni Tyron 'yan gulo 'yan!"

Napahugot ng malalim na hininga na lang siya kakaisip sa sitwasyon. "Haaayyy..."

"That was deep." ngiting usal ni Jake saka siya mabilis na nilingon.

"Wala sumakit lang bigla 'yung ulo ko." palusot niya rito.

"We can eat first if you want, baka gutom lang 'yan."

"Wag na!" mabilis na sagot ni Amara rito.

"Sweetie, dati kapag inaya kita ayos lang sa'yo pero noong nagkabalikan kayo ng boyfriend mo. Todo iwas ka na sa'kin." may himig ng pagtatampo sa boses nito.

"Hindi naman sa gano'n Jake, ayaw ko lang na magkairingan pa kayo, kaya ako na 'yung umiiwas." pagpapaliwanag ng dalaga.

Hindi na nagsalita pa si Jake ngunit alam ni Amara na nagtampo ito sa kanya. Hanggang sa nakarating sila sa building ay hindi na sila nagkibuan pa.

"Sige Jake, thank you sa ride, ingat ka." sabay labas ng sasakyan.

Tumango lang ito at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Tinanaw na lang ni Amara ito habang papalayo, aktong hahakbang na siya nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran.

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon