Chapter 51: Reunion

101K 2K 92
                                    

Chapter 51

Dumating na ang araw ng Reunion ng Ford University. Napagpasyahan ni Amara na pumunta sa nasabing okasyon, kaya maaga s'yang umalis sa kanyang shop.

"Jackie pa'no ikaw na muna bahala dito sa shop, call me if anything happens okay?" bilin ni Amara sa kanyang katiwala.

"Yes po Ate, ako na po bahala. Enjoy po kayo sa reunion." nakangiting bati ni Jackie.

Hindi nagpapatawag ng maam o boss si Amara sa kanyang mga empleyado, dahil nanininwala siyang mas gagaan ang kanilang trabaho kung malapit siya sa kanyang mga trabahador.

"Thanks Jackie, sige na I have to go." aniya bago sumakay ng kanyang sasakyan.

Nang makarating si Amara sa kanyang condo ay masigla siyang sinalubong ng kanyang anak na si Reese.

"Hello Naynay!" bati nito sabay halik sa pisngi ng kanyang Ina. "Bakit po maaga kayo umuwi ngayon? Are you sick po Naynay?" nag-aalalang sambit nito saka hinipo ang noo ni Amara.

"I'm fine Anak, magkikita kasi kami ng mga batchmate ko no'ng college. Kasama na rin mga tres ninang's mo." lambing niya rito saka binuhat ang batang si Reese.

"Talaga po? Say hi to my tres ninang's po." magiliw na sambit nito. Tres Ninang's ang tawag ni Reese sa kanyang mga kaibigan na sina Cindy, Bianca at Jefra.

"Don't worry Nak, I will tell them later. Sige na I have to freshenup na, mag-aayos na si Naynay dahil 7pm ang reunion namin." pamamaalam ni Amara bago pumasok sa loob ng kanyang kwarto.

*****

Nag-ayos si Amara ng sarili at pumili ng damit na kanyang gagamitin para sa reunion. Nagsuot s'ya ng isang two piece bodycon white dress, saka naglagay ng light makeup bago inilugay ang kanyang alon-alon na buhok.

Photo CTTO

Nang makitang ayos na ang kanyang sarili, ay mabilis na lumabas ng kwarto ang dalaga at pinuntahan ang kanyang anak sa sariling silid nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Nang makitang ayos na ang kanyang sarili, ay mabilis na lumabas ng kwarto ang dalaga at pinuntahan ang kanyang anak sa sariling silid nito.

tok! tok! tok!

Matapos kumatok ay binuksan naman agad ni Amara ang pintuan at nginitian ang kanyang anak na ngayo'y binibihisan ni Mia ng pantulog.

"Wow! Ang ganda naman ng Naynay ko." nakangiting bungad ni Reese nang masilayan nito ang kanyang Ina.

"Thank you Anak, I just wanted check on you and say my goodnight. Wag mo na ko hintayin mamaya okay? Listen to what Mia's told you, alright?" bilin ni Amara bago hinagkan ang kanyang anak.

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon