Chapter 50: Bagong Yugto

94.9K 2K 99
                                    

Chapter 50

Makalipas ang limang taon:

Mall:

"Naynay? Naynay!" umiiyak na sigaw ng bata nang mapansing hindi masilayan ang pigura ng kanyang Ina.

Napalingon naman ang binata nang marinig ang sigaw ng batang paslit. Nakaramdam siya ng awa nang makita itong nakaupo sa sahig habang yakap-yakap ang kanyang mga tuhod, kaya't mabilis niyang nilapitan ang bata para kausapin.

Photo CTTO

"Hey there baby girl,why are you crying?" malambing na tanong ng binata bago iniluhod ang isang tuhod para magpantay sila nito kahit papaano

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Hey there baby girl,why are you crying?" malambing na tanong ng binata bago iniluhod ang isang tuhod para magpantay sila nito kahit papaano.

Sandali siyang tinitigan nito na parang sinusuri bago nagsalita, "K-kasi po I can't find my Naynay." at sa puntong iyon ay lumuha ulit ang magaganda nitong mga mata.

"Uhmmmm... We can find your Naynay, if you want to." nakangitig wika ng binata para pagaanin ang loob ng bata.

Saglit s'yang tinitigan ulit ng bata sabay sabing, "T-thank you po and sorry but my Naynay told me not to come with strangers daw po." diretsong sagot nito na siyang ikinatawa ng binata.

"Hahaha! Okay, I'm glad your Naynay taught you that. Anyway my name is Tyron, you can call me Tito Tyron if you want." lahad kamay na sambit niya rito.

Sandali itong tiningnan ng bata na animo'y matanda na kung mangilala, "My name is Reese po." saka hinawakan ng bata ang kamay ni Tyron pabalik.

Nakaramdam ng ibang saya si Tyron nang hawakan ng batang babae ang kanyang kamay.

"Now we known each other, so ano name ng Naynay mo para mapapage natin s'ya sa customer service?"

"Uhmmm... Her name is..." hindi natapos ni Reese ang kanyang sasabihin nang biglang dumating ang kanyang Yaya Mia.

"Reese!" tawag nito sa bata. "Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap, ikaw talagang bata ka."

"Siya po si Tito Tyron, he help me find..." naputol na naman ang sasabihin ng bata ng magsalitang muli si Mia.

"Hello po sir, salamat po at nakita niyo si Reese malikot po talaga kasi 'tong batang 'to." nahihiyang turan ni Mia sa binata.

"Ay wala pong anuman," ngiti ni Tyron sa babae. "Umiiyak po kasi siya hinahanap po kayo." magalang na sagot nig binata nang biglang marinig nilang tumunog ang telepono ni Mia.

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon