Chapter 62: Epilogue

141K 2.1K 254
                                    

Chapter 62

After 7 Years:

Pitong taon simula nang ikinasal sina Tyron at Amara. Naging masaya ang mga ito kapiling ang kanilang dalawang anak na sina Tyreese at ang bunsong si Tyler, na sobrang ikinatuwa naman ni Reese dahil natupad ang kanyang hiling na magkaroon ng baby brother.

"N-naynay!" umiiyak sigaw ng batang si Tyler sa kanyang Ina.

Nagmamadaling tumakbo naman si Amara para puntahan ang kanyang anak sa living room.

"Oh baby why are you crying?" alo niya rito saka lumuhod para aluin ang kanya g bunsong anak.

"E..eh Naynay, A-ate Reese, ayaw po a-ako pahiram ng ipad." ngumangawang anas nito habang naglulupasay sa sahig.

"Reese ano na naman 'to?" iritableng saad ni Amara nang balingan n'ya ang anak na babaeng si Reese.

"Naynay, kanina pa po siya nag-iipad eh." nakasimagot na apila naman nito sa kanyang Ina.

"Haaayyy... Anak you're still young, you're not allowed to use the ipad for a long time remember?" pangaral ni amara sa batang si Tyler bago inayos ang gulo-gulo nitong buhok.

"But Naynay?" maktol nito.

"No buts little guy... That's final!" maawtoridad na wika ni Amara rito.

Nakangusong tumayo naman si Tyler bago kinuhan ang kanyang laruan na action figure.

Mabilis namang tumayo si Amara at pinamewanangan ang kanyang anak na si Reese sabay sabing, "And for you young lady, are you done with your homeworks?" sita niya sa nag-a-ipad na anak.

"Ay..." nakangising sambit ni Reese bago binitawan ang kanyang ginagawa.

"Anong ayy? 'Di ba I told you to do your homeworks first before using the ipad?" pangaral niya rito habang seryoso ang mukha.

"Haaayyy... Okay po Naynay." tamad na sambit ni Reese saka tumayo at naglakad ng pasadsad ang mga paa.

*****

Gabi na at abala si Amara sa pagluluto ng kanilang hapunan. Mayroon silang dalawang katulong sa bahay, ngunit mas gusto niya na s'ya ang gagawa ng gawain para sa kanyang mag-aama lalo pa't may free time s'ya.

Kahit busy sa kanyang bakeshop sinisigurado ni Amara na hindi siya magkukulang para sa kanyang pamilya.

Abala si Amara sa paghahanda ng pagkain ng biglang mag salita si Tyron.

"Hmmm... Smells good babe." entra nito pagpasok ng kusina.

"Hello babe." salubong naman n'ya rito at humalik sa labi ni Tyron.

Hindi agad pinakawalan ni Tyron ang labi ng kanyang asawa at sa halip na kumalas, ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa bewang nito.

Pilit inaalis ni Amara ang pagkakalapat ng kanilang mga labi, ngunit talagang mahigpit ang pagkakayapos ni Tyron sa kanha kaya wala s'yang lusot sa mga halik nito.

"B-babe ano ba 'yung mga bata, baka makita tayo." protesta ni Amara between their kisses.

"Don't worry babe, rinig ko naman 'yung yabag ng paa nila kaya alam ko kapag nandyan na sila." bulong ni Tyron habang abala na sa paghalik sa leeg ni Amara.

Hindi na muling nagprotesta ang dalaga kaya naman malaya na si Tyron gawin ang nais nito sa kanyang asawa.

Lumalim pa lalo ang kanilang mga halik at ang kaliwang kamay ni Tyron ay patuloy sa paghaplos sa balat ng kanyang asawa hanggang marating nito ang dibdib ni Amara.

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon