Chapter 9: Finally <3

133K 3.4K 61
                                    

Chapter 9

CINDY's POV:

Si Kuya Tyron, blockmate ko? Exciting to! Hahaha! Hindi ko pa nasasabi kay bes, na si Kuya Tyron at ang crush n'ya ay iisa. Ito naman kasi si bes masyadong atat kuhanan ng picture si Kuya Tyron. Ayan tuloy nahuli siya ng tao.

Anyways, nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa cafeteria. May sarili kaming tambayan dito, hindi naman sa inaangkin namin ang pwestong ito. Pero ewan ko ba, wala talagang naghahangad na umupo rito lalo na kapag oras na ng breaktime namin.

As usual, walang humpay na kwentuhan ang aming ginagawa rito habang kumakain. And take note! Si Jefrang-D-kagandahan ang pasimuno ng ingay. Tsk!

Habang busy kami sa pagku-kwentuhan. bigla kong nakita si Kuya Tyron na palinga-linga rito sa cafeteria. At ako ang dakilang bugaw, lagot ka sa akin ngayon bes. Iinit na naman ang pwet nito sa kakiligan.

Lalayo na sana si Kuya Tyron sa pwesto namin, nang biglang tawagin ko ang kanyang pangalan para makasama namin kumain.

"Kuya Tyron!" sigaw ko rito, saka kumaway para mabilis niya akong makita.

Nakita naman niya agad ako at ngumiti ito saka kumaway sa akin pabalik, bago lumapit sa aming lamesa. Its Showtime!

"Hello Cindy," bati nito nang makalapit siya sa aming kinauupuan. "Hi guys, dito pala kayo kumakain." nakangiting sambit nito sa aking mga kaibigan.

"Yes Kuya, dito ka na rin maupo, para naman may kasabay kang kumain." ngiting saad ko sa kanya saka ko binalingan ang aking bestfriend. Take note mga beshie, ang ate kong si Amara, tulaley kay Kuya Tyron. Grabe!

"Thanks!" rinig kong tugon ni Kuya Tyron habang nakatuon ang mga mata sa katapat n'yang upuan, walang iba kundi si bes Amara Tulaley La Tulo de Saliva. Tulalang Tulo Laway in Short.

Napansin ko naman na parang hindi na makapaghintay na ipakilala ko si Kuya Tyron kay bes, kaya naman agad kong ipinakilala ito sa aking mga kaibigan,

"By the way, Kuya Tyron, these are my friends. Si Jefra kilala mo na, si Bianca and my bestfriend Amara." pakilala ko sa aking mga kaibigan.

"Bes s'ya 'yung kaibigan ni Kuya, na sinukahan mo no'ng birthday ko." natatawa kong saad dito. "At s'ya din 'yung crus..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, dahil bwisit itong si bes. Binusalan ba naman ng tinapay ang bibig ko.

Isa-isang nakipag-shake hands si Kuya Tyron sa mga kaibigan ko. Nang saktong kay bes Amara na s'ya magpapakilala, bigla namang nginitian ng napakatamis ni bes si Kuya Tyron ng hindi binibitawan ang kamay nito. Si bes pa ba? Alam na!

*****

AMARA's POV:

Nang ipapakilala na ni bes Cindy si Crush sa akin, agad kong inihanda ang sarili ko. Aba mahirap na noh! Just relax Amara, compose yourself dear. Si crush lang 'yan.

Nakita ko na isa-isa na niyang kinakamayan ang mga friends ko, ito na talaga 'yon. Makikilala ko na si crush. Nang aktong iaabot na niya sa akin ang kamay n'ya, mabilis pa sa alas kwatro na hinablot ko ito sabay sabi nang,

"Hi babe! I'm Amara Grace Gomez, single and ready to mingle." agresibo kong saad sa kanya with matching kindat pa. Grabe ang lambot ng kamay niya. Kilig!

Hindi na ako nagpakeme pa nang makikipag-shake hands na siya sa akin. Kinuha ko agad ang kamay niya at nginitian ko s'ya ng napakatamis. Aba mga momshie inismiran ako! Pero okay lang mapapasakin ka rin balang araw. BABE.

*****

TYRON's POV:

So Amara pala name niya. Maganda sana itong babaeng ito. Kaya lang, grabe ang kapal ng makeup at ang damit parang kinulang sa tela.

Kaibigan ba talaga ni Cindy ito? No offense pero magkaibang-magkaiba sila ng kapatid ni Mark. Simple lang ito kung manamit kumpara kay Amara.

Anyways, I smirked when she grin widely. She hurriedly took my hand and call me babe, is she hitting on me?

Binawi ko kaagad ang kamay ko sa kanya, because I really can't stand the way she glaring at me like an idiot. plus add the wink part. D*MN !


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon