Chapter 13: Girls Night Out

122K 2.7K 48
                                    

Chapter 13

Gabi na nang makapagdesisyon si Amara na mag-ayos ng kanyang sarili. Sa una ay hindi pa niya gustong gumalaw dahil tinatamad talaga siyang umalis. Ngunit kalaunan ay wala na rin siyang nagawa pa dahil makulit ang kanyang mga kaibigan, panay ang tawag at text ng mga ito sa kanya para pilitin na sumama sa bar.

Ngayon ay nag-aayos na ang dalaga ng kanyang sarili, pumili ito ng damit na sopistokadang tingnan at alam niyang babagay sa kanya. Mabilis itong humarap sa kanyang full length mirror sabay sabi nang,

"Perfect! Ganda ko talaga!" kinikilig na sambit ng dalaga sa kanyang repleksyon sa salamin.

Suot niya ngayon ang isang Leopard One Shoulder Ruched Short, Night Out Dress na tinernuhan ng 5 inches Western High Heels. Naglagay na rin s'ya ng makeup which is the fun part for her at hinayaang nakalugay ang kanyang alon alon na buhok.

Photo CTTO

To: besCindy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



To: besCindy

Bes, pasundo ako please, coding po ako ngayon eh. Salamat!

Umupo muna si Amara sa kanyang couch, habang hinihintay ang sagot ng kanyang bestfriend na si Cindy. Nang biglang nakatanggap ito ng mensahe galing kay Jefra.

From: jefra-D-kagandahan

Baklush ditetch na kame ni bianx sa Luxurious Bar. Ispluk n'yo na lang namesung ko sa mga bouncer alam na nila 'yon, sige mga ateng wait na lang namin kayo dito.

To: jefra-D-kagandahan

Okay bakla thanks! We'll be there in about 20 minutes.

Makalipas ang ilang minuto paghihintay, ay nakatanggap na ang dalaga ng text mula kay Cindy na nasa lobby na raw ito. Dali-daling lumabas si Amara ng kanyang unit bago sumakay ng lift.

Nang bumukas ang elevator bumungad agad sa dalaga ang kanyang bestfriend na si Cindy, "Let's go?" wika nito nang makalapit ang kanyang kaibigan sa kanya.

"Yes bes, by the way thanks for fetching me. Labyah!" naka-ngiting sambit ni Amara bago ikinawit ang kanyang braso kay Cindy.

"Arte neto," saka kinirot ng bahagya sa tagiliran si Amara. "Ano ka ba, basta ikaw walang problema."

Nagtatawanan ang dalawang magkaibigan habang nasa kotse ni Cindy, ilang minuto silang bumiyahe bago nakarating sa Luxurious Bar. Bumaba ang dalawa at mabilis na lumapit sa bouncer para itanong ang reservation ni Jefra rito.

Ilang segundo lang ang lumipas nang sabihin ng bouncer na pwede na silang makapasok sa loob. Dahil friday ngayon, ay maraming tao ang naroroon sa nasabing establisyamento. Maraming nagsasayawan sa dancefloor at gumuguhit na rin sa ilong ang iba't ibang amoy ng alak.

Malakas ang tugtugin sa nasabing Bar, tinawagan pa ni Amara si Jefra para tanungin kung nasaan ang kanilang table. Ilang minuto lang ay pinuntahan na sila nito sa entrance para sunduin,

"Baklush nandito na pala kayo! Tara na shot-shots na and let's party!" sigaw ni Jefra habang umiindak ang bewang.

"Grabe bakla, ang daming gwapong boylet oh." turo ni Cindy sa isang grupo ng mga kalalakihan sa 'di kalayuan.

"Oo nga bakla. Hanap ka na ng target mo para naman hindi sayang iyang ayos mo ngayon." natatawang turan ni Bianca saka ikinawit ang braso kay Jefra.

"Sige mga baklush sisisid muna ako sa dagat ng mga adonis." malanding usal ni Jefra nang makarating sila sa kanilang table.

"Kadiri ka bakla, ang bastos mo!" natatawang saad ni Amara at bahagya pang hinampas ang balikat ng bakla.

"Hoy bruha, sanggol na lang ang hindi open minded ngayon noh!" mataray na wika ni Jefra saka inirapan si Amara. Lumagok muna nang dalawang shots ng whiskey si Jefra sabay kembot papuntang dancefloor.

Makalipas ang ilang oras ay may mga tama na nang alak ang magkakaibigan ngayon. Sabay-sabay silang sumayaw sa dancefloor na akala mo'y wala nang bukas.

Madaming nakikipagsayaw sa kanila lalo na kay Amara, dahil sa kaakit-akit na ganda ng dalaga. Matapos sumayaw ay naupo muna ang magkakaibigan at sabay-sabay na lumagok muli ng alak.

Malalim na ang gabi at hindi na namalayan ni Amara na matami na pala s'yang nainom, kaya gano'n na lang ang kanyang naramdaman nang biglang maramdaman niyang bumaligtad ang kanyang sikmura.

Dahil sa pagkahilo ay hindi makalakad ng maayos ang dalaga dahil na rin sa kalasingan. Nagtungo ito sa restroom, para doon ilabas lahat ng kanyang mga nainom at nakain.


*****

Girls Night Out part 2 next chapter po :)

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon