Chapter 16: Code Bro

115K 3K 23
                                    

Chapter 16

Two weeks nang hindi nagpapansinan sina Tyron at Amara. Sa loob naman ng klase ay nakipagpalit ng upuan ang dalaga sa kaibigan nitong si Bianca, kaya't malayo na silang dalawa ng binata sa isa't isa.

Nai-kwento na rin ni Amara sa kanyang mga kaibigan ang lahat ng nangyari, simula sa ginawang pagligtas sa kanya ni Tyron laban sa nanghaharas na lalaki hanggang sa humantong na sa kanilang pagtatalo.

TYRON's POV:

Two weeks had passed, Amara never talked to me since that day. I wanted to talk to her but she keeps avoiding me.

"Kasalanan mo 'yan Tyron, you said stupid things about her." I scolded myself for being a jerk.

"Argh! I dont know what to do." I said with a stern voice.

Para na akong mababaliw rito sa pad ko. I need to calm myself, kaya tinawagan ko ang aking kaibigan.

Calling... Bro Mark

After a few rings, Mark answered his phone.

"Hello bro, what's up!" rinig kong bungad nito sa kabilang linya.

"Bro are you at home?" I asked him.

"Yes, why?"

"Great, I'll be there in 20 mins. Please call Migs and Drake also, ako na bahala sa alak." nagmamadali kong usal habang papasok sa aking kotse.

"Okay bro, mukang importante 'yan. Chicks ba?" he said and laughing like an idiot.

"Honestly bro, yes babae nga ang problema ko." I told Mark sluggishly.

"Sige Bro, tatawagan ko na 'yung mga g*go para makompleto tayo."

"Sige Bro, mamaya na lang I'm driving." and after that the line went off.

*****

Nakarating na ako sa bahay ni Mark, nakita ko na nandoon na rin ang dalawa ko pang mga kaibigan na sina Miguel at Drake kaya masaya na rin ako kahit papaano.

Habang abala ako sa aking iniinom bigla namang nagtanong si Drake, "Hey Bro anong problema mo, bakit ka biglaang nag-aya uminom?" pagtatanong nito sa'kin.

"Because of a girl, Bro!" humahalakhak na singit ni Mark.

"Nak-nang sino naman 'yung babae?" pambubuskang tanong ni Miguel bago ako tiningnan.

Nilagok ko muna ang aking alak bago nagsalita nang, "It's amara." seryosong usal ko habnag hawak ang basong walang laman.

"AMARA, WHAT?!" hindi makapaniwalang sigaw nina Migs at Drake.

"Amara, na bestfriend ng kapatid ko?" amazed na tanong ni Mark sa akin.

Tiningnan ko naman agad ang aking mga kaibigan saka ako tumango, tanda ng aking pag-oo sa katanungan nila.

"W-what about her?" biglang seryosong bungad ni Miguel at mataman lang ako nitong tinitingnan.

Napatingin naman ako nang marinig ang sinabi ni Miguel, dahil sa dating ng tono ng boses nito. Binalewala ko na lang 'yun at ikinuwento ang lahat ng pangyayari at nasabi kong masasakit na salita kay Amara.

"Bro mahirap 'yan, dapat hindi mo siya sinabihan ng ganoon. Kilala ko si Amara mabait 'yon. Ganoon lang ang image niya pero pare hindi s'ya kaladkarin." seryosong usal ni Mark na lalong nakapagpaisip at guilty sa akin.

"I know Bro, nasabi ko lang naman ang mga 'yun dahil naiinis ako baka mapahamak siya sa pinag-gagawa niya." frustrated na sambit ko saka isinuklay ang mga kamay pataas sa aking buhok.

"We know that Bro, pero hindi mo ba naisip na over naman 'yung mga sinabi mo sa kanya? I mean you barely know her tapos bigla mo na lang s'yang sasabihan ng ganoon?" mahabang paliwanag ni Miguel na mahihimigan mong may inis sa timbre ng boses nito.

"Do you like her bro?" biglang tanong ni Drake sa akin.

At sa puntong iyon ay natigilan ako at napa-isip sa sinabi ni Drake. "Gusto ko nga ba siya?" naguguluhang saad ko sa aking sarili.

"You don't have to answer, I think we already know the answer." makahulugang sabi ni Drake saka lumagok ng alak.

"Suyuin mo na lang bro, pakita mo sa kanya na sincere ka talaga. Paliwanag mo kung bakit ka nagkaganoon." biglang suhestyon ni Mark.

Nag-iisip kami kung anong effort ang dapat kong gawin, para tuluyan na akong mapatawad ni Amara. Ilang minuto pa ang lumipas, napabaling lahat ang kanilang atensyon kay Drake nang bigla itong magsalita,

"Alam ko na!" masiglang wika nito.

"What is it genius?" sabay na tanong nina Mark at Miguel.

"Mayaman ka naman Bro, bakit hindi mo na lang s'ya i-tour kung saan man niya gusto o 'di kaya bilihan mo ng mga bag at sapatos, gustong-gusto ng mga babae 'yun. Para naman makuha mo na ang kapatawaran ni Amara." masayang usal nito sa akin.

May point si Drake kaya naman nagka-idea ako, kung paano ko susuyuin si Amara, "Sana mapatawad na niya ako." usal ko saka lumagok muli nang alak.


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon