Chapter 26: first month ! <3

116K 2.6K 81
                                    

Chapter 26

Isang buwan na ang lumipas simula nang maging magkarelasyon sina Tyron at Amara. Kahit busy sa klase hindi pa rin sila nawawalan ng time para sa isa't-isa, alagang-alaga ni Tyron si Amata kaya't masasabi nito na talagang swerte siya sa kanyang nobyo.

Nagising si Amara ng may sinag ng araw na tumama sa kanyang mukha. Agad naman s'yang ngumiti dahil ito ang unang buwan nila ni Tyron bilang magkasintahan.

Excited siyang bumangon at nag-inat ng katawan, "Good morning, sunshine!" ngiting bati ni Amara sa haring araw.

"This is it, first monthsary namin ngayon ni Babe, excited na ako!" kinikilig na wika ni ng dalaga bago tinungo ang banyo.

Ginawa ng dalaga ang kanyang morning routine para sa paghahanda sa araw na iyon. Excited ito sa kanyang pagpunta sa Ford University, ngunit hindi sa pagpasok sa eskwelahan ang kanyang kinasasabikan. Excited siyang malaman kung anong pakulo ang gagawin ni Tyron para sorpresahin siya ngayong unang buwan nila bilang magkasintahan.

Handa na si Amara habang naghihintay sa pagdating ni Tyron, ilang minuto lang ang lumipas nang makarinig siya ng pagkatok sa kanyang unit.

"Yey! Nand'yan na si Babe." sabik na saad ng dalaga at inayos pa ang sarili.

Mabilis niyang binuksan ang pintuan at bumungad sa kanyang harapan si Tyron. Nawala naman ang mga ngiti ng dalaga, nang makitang walang flowers o chocolate man lang na dala ang kanyang nobyo.

"Hey babe, what's wrong?" wika ni Tyron nang mapansing biglang nagbago ang mood ng dalaga.

"Nothing babe, let's go baka malate pa tayo" matamlay na wika ni Amara bago naglakad papalabas ng kanyang unit.

Nang papalabas na sila ng building, nakita ng dalaga na may lalaking papalapit sa kanila. May dala itong flowers, balloons at chocolate. Kaya't napangiti ng sobrang tamis si Amara. Ngunit ang inakalang sorpresa ni Tyron sa kanya ay mabilis siyang nilagpasan at dumiretso sa receptionist.

"Ay akala ko para sa akin na. Wala ba talaga s'yang balak na isurprise ako, wala lang ba sa kanya 'tong araw na 'to?" inis na sambit ni Amara sa kanyang sarili.

Sumakay na ang magkasintahan sa kotse ni Tyron at tinungo ang Ford University. Habang nasa loob ng sasakayan ay tahimik lang si Amara habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakangusong tinatanaw ang kanilang dinadaanan dahil sa pagkadismaya.

Nasa ganoong posisyon ang dalaga nang biglang nagsalita si Tyron, "Ah babe baka 'di muna kita mahatid mamaya." saad nito habang nakatuon ang mga mata diretso sa kalsada.

"Why?" nagtatakang tanong ni Amara bago niya ito nilingon.

"Nagpapasama sa akin si Mark mamaya."

"Nakakainis! Wala na nga siyang surprise, hindi pa niya ako susunduin. First time niya akong hindi susunduin which is nakakapagtaka, kasi simula nang maging kame ayaw na niya ako magdrive for myself. Mukang may tinatago na 'to sa akin ahh." diskumpyadong saad nito bago umiwas muli ng tingin sa binata.

"Okey, I understand." walang ganang sagot pero sa loob-loob niya ay sobrang gigil na siya sa binata.

Nakarating na ang magkasintahan sa University at naunang maglakad si Amara, dahil nagtatampo talaga s'ya kay Tyron.

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon