Kabanata XIII

8 1 0
                                    

Kanina pa ako kinakabahan. Kasi ito na ang araw na pinaghandaan ko. Ang araw na nakakausapin ka sa totoong nararamdaman mo.

Umaasa ako. Hindi ko maiwasan talaga e, kaya pasensya na.
Syempre, iniisip ko kung ano ang posibleng mangyari. Kaya nga hindi ako mapakali. Ang daming pumapasok sa isip ko na mas lalong nagpapakabog sa dibdib ko.

“Uy, Sis! Ang lalim ata ng iniisip mo ah?” napatingin ako sa gawi ni Ate. Hindi ko siya mataponan ng tingin. Kinakabahan ako e. Pakiramdam ko, kasalanan ‘tong gagawin ko.

Kasalanan ang kausapin ka.

“Hindi naman. May gagawin kasi ako mamaya. Pwede bang umalis ako kahit sandali lang?” kahit silipin ang mukha niya hindi ko magawa.

Wala pa nga akong ginagawa, nakokonsensya na ako. Kasi pakiramdam ko, may karapatan si Ate. May karapatan si Ate na malaman ang gagawin ko.

Hindi lang ‘yon, may karapatan si Ate sa’yo.

“Oo naman. Okay lang. Okay lang talaga na...kausapin mo siya.” my eyes widened. Mabilis akong napalingon sa kanya.

“O? Ba’t ganyan ka makatingin?”

“A-ate...” hindi ako makapaniwala. Alam niya ba? Paano?

Ngumiti siya bago nagsalita. “Hindi naman siya akin para maging ganyan ka. At kahit pa akin siya...hindi ko siya ipagdadamot lalo na sa’yo.”

Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para magsalita. May kung anong namumuo sa loob ko. Hindi maayos ang takbo ng isip ko.

Mariin akong napapikit.

Sabihin mo nga sa’kin. Bakit si Ate pa? Bakit siya pa Oliver?
Alam mong siya ang kahinaan ko diba?

At bakit...ikaw pa ang minahal niya? Paulit-ulit man ang sinasabi at tinatanong ko, pero ‘yon talaga ang totoo e. At masakit pa rin sa t’wing sumasagi sa isip ko.

Tapos...wala akong laban sa kanya.

“Alam ko na, ako ang dahilan kung bakit ka nakipag-break sa kanya.” dumilat ako at naibaba ang tingin sa sahig. Hindi ko kayang makita ang malungkot niyang mukha.

Hindi lang ako nasasaktan sayo, pati na rin sa nararamdaman ni Ate ngayon.

Napaisip tuloy ako kung tama ba na nagsakripisyo ako. Hindi ko alam kung paano siya pakikitungohan ngayon o kahit kausapin na lang. Hindi ko talaga alam ang sasabihin.

“Bakit? Bakit mo ginawa ‘yon? Alam kong mahal mo ‘ko, pero hindi naman siguro sapat ‘yon para bitawan siya diba?” nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ba sapat ‘yon?

Napailing ako. Parang nadismaya ako sa sinabi niya. Mas nangingibabaw pa ba ‘yon kaysa sa katotohanan na kaya kitang iwan para lang maging masaya siya?

Buti ka pa nga, halata mo na mas mahalaga siya kaysa sa’yo. Baka nga mas naintindihan mo pa kung bakit ginawa ko ‘yon.
E siya ba?

“Gano’n na ba ako kaawa-awa sa paningin mo at nagawa mo ‘yon?” gumagaralgal na ang boses niya. Gusto kong magmura sa sinabi niya. Inangat ko ang tingin ko at mataman siyang tinitigan. Kumikislap ang mga mata niya dahil sa namumuong mga luha.

“Kahit kailan Ate, hindi ko nagawa ‘yan. Hindi pa ba halata?” umiling iling pa siya.

“Yon ang pakiramdam ko e. Pwede ko naman ipaglaban ang nararamdaman ko na hindi ka nagpaubaya basta. Pwede naman maging patas tayo e. Sa atin dalawa, ako dapat ‘yong sumuko sa nararamdaman ko.” tipid akong ngumiti at huminga ng malalim.

“H’wag ka nang mag-isip ng kahit ano Ate. Malaya na siya at... hayaan na natin na siya ang magdesisyon. ‘Yon ang magiging patas.” pilit kong inaalis ang pangamba.

Pangamba na, hindi na kailangan ni Ate lumaban pa...kasi may pag-asang siya ang piliin mo sa’min dalawa.

“Pero hindi pa rin maalis sa’kin na napakahina ko. Alam mo namang wala akong laban sa’yo diba?” mapakla akong tumawa na nagpakunot ng noo niya.

Ako nga dapat ang magsabi ng linyang ‘yon. Bumabangon ang inis sa sistema ko.

Hindi ko lubos maisip na, nasabi niya ‘yon. Wala siyang laban sa’kin?

Si Ate walang laban sa’kin? Hahahaha! Fuck! Pakiramdam ko nainsulto ako sa gano’n lang.

“Bumalik siya para sa’yo.” wala sa sariling sabi ko. Totoo naman kasi, ‘yon naman ang sinabi mo e.

“Naniwala ka naman na, gano’n agad?”

“’Yon kasi ang sinabi niya.” napansin kong umayos siya sa pagkaka-upo sa kama at tinitigan ako.

“Sorry. Ang selfish ko. Sorry kung binabalewala ko ang nararamdaman mo, kahit alam kong matagal ko nang alam ang nangyari sa inyo.” napaatras ako sa sinabi niya. Naikuyom ko ang kamay ko sa narinig ko.

Kahit anong pilit kong magalit sa kanya, hindi ko talaga magawa. Kasi...ayaw ko na ikaw ang maging dahilan para maging hindi kami ayos ni Ate.

Ayaw ko na mas pagsisihan ko pa lalo ang naging desisyon ko.
Sa tingin ko, kailangan ko munang ipagpaliban ang naisip ko na makipag-usap sa’yo.

“Alam mo naman na hindi ko ginusto ‘to diba? Pasensya ka na ha?! Kung nagawa pa ng mahina kong puso na tumibok para kay Oliver.”

Mahina na ba ‘yon? Sa tingin ko hindi. Ang swerte mo pala, napatibok mo pa ang puso ng Ate ko.

“Hindi mo naman kasalanan ‘yon Ate. H’wag ka ngang ganyan. Wala na akong karapatan sa kanya at...” napalunok pa ako bago nagpatuloy magsalita. “wala na rin akong karapatan masaktan pa.”

Sadyang, nakakainis lang nitong puso ko e. Nasasaktan pa rin kahit wala ng karapatan.

I Wish It Was Easy  (Dandelion Series #2)Where stories live. Discover now