Kabanata VI

23 1 0
                                    

Believe me or not, I'm trying to move on. But still, I can't. I always end up wiping my tears because until now, I can't accept the fact that the reason behind why you are here is my sister.

I felt a terrible sting of envy and I can't help it.

Ilang malalim na paghinga pa ang ginawa ko bago nagdesisyon tumayo na at bumalik sa kwarto ni Ate.

Sinabi niya kaya?

Sana alam mo kung ano ang mga tinanong niya sa akin. At hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang isasagot.

Oo, sinasampal na ako sa katotohanan na isa lang naman ang isasagot ko pero... hindi ko talaga kaya.

Pwede namang umalis ako kung gugustohin ko diba? Pwedeng tumakbo na ako kanina pa, pero lintek lang! Ginabi na ako sa kakatambay sa graveyard dahil sa tanong niya. Pinahinga ko ang utak ko at kinalma ang nararamdaman ko.

Kasi nga... kasalanan ko rin naman.

Kasi nga... pinili ko ang ganitong sitwasyon.

Sana nga may lakas ako ng loob para umalis na lang, tutal, andito ka naman. Nasa tabi ka niya para alagaan siya at bantayan. Tanga ko no? Kahit na wala akong kwentang anak. Kahit ang tingin nila wala akong silbi. Ito pa rin ako. Nasa tabi ng pinakamamahal nilang anak.

Andito pa rin ako at sinusubukan maging mabuting anak.

Andito pa rin ako para iparamdam sa kanila na nag-eexist pa ako.

At higit sa lahat... andito pa ako para panindigan ang desisyon ko na, pakawalan ka para kay ate.

Lakas loob kong pinihit ang door knob. Ilang beses na ba ang ganitong eksena? Pasensya na! Hinahanda ko lang ang sarili ko sa pwede kong maabutang eksena sa loob.

"Saan ka nanggaling ha?" sigaw ni Mama ang bumungad sa akin. Kinakabahang sinara ko ang pinto at lumapit sa kinaroroonan niya.

"Hanggang dito ba naman pinapairal mo ang kagagahan mo?" napalunok ako. Hindi dahil sa sinabi ni Mama kundi dahil naririnig mo ang pinagsasabi niya.

Nahihiya ako. Nahihiya ako sayo. Kahit hindi man ako tumingin sa gawi mo alam kong nasa tabi ka ni Ate.

I sighed. Sana nasa tabi kita ano? Hawak ang kamay ko, habang kaharap si Mama nang ganito.

"Nagpapahangin lang po." mahinang boses ang kumawala sa bibig ko. Akalain mo nga naman, nakayanan ko pang magsalita.

"Ma!" Ramdam ko ang hapdi sa kaliwang pisngi ko, pero mas dinig ko ang boses ni Ate.

Sa ganitong sitwasyon, si Ate ang nagtatanggol sa akin.

"Ano nagising ka na ba sa katangahan mo?" Gusto kong isigaw sa kanya ang sagot kong 'oo'... pero syempre hindi ko magawa. Gaya ng sabi ko, kahit kunti, gusto ko pa rin maging mabuting anak at kapatid.

Kulang pa siguro ang isang sampal para matauhan ako. Katangahan nga naman! Siguro nga kakambal ko na si katangahan.

"Ma, hayaan niyo na muna siya. Please! Kailangan rin naman niya magpahinga."

Nakakaawa na talaga ako tignan. Hindi ko magawang tignan ang kahit sino sa inyo. Nakikipagtitigan lang ako sa sahig at nananalangin na sana lamunin na lang ako nito.

"Magpahinga? Ano ka ba naman Divine?! Masyado mong kinukunsinti 'tong kapatid mo na wala ng magawang mabuti."

So, at the moment... I feel like I cannot breathe. Maybe I just feel numb? I really don't know what to feel right now.

I'm just used to it. Actually, nakakasawa na nga pakinggan. Pagpasensyahan mo na kung naririnig mo lahat ng 'yon.

Hindi ko pa rin magawang sulyapan ka para malaman kung ano ang reaksyon mo.

Nakakatawa!

Deep inside me, gustong isipin na nag-aalala ka kahit kunti. Pero ano bang aasahan ko sayo diba?

"Itong Ate mo, imbes na magpahinga buong araw ay hinanap ka! Ginagamit mo ba utak mo ha? Iniwan mo kapatid mo rito na wala si Oliver! Tapos ano? Hindi magka-ugaga ang kapatid mo na hanapin ka. Naabala pa 'tong si Oliver sa kakahanap sayo."

Napaangat na ako ng tingin sa narinig. Naabala? Nag-abala ka pang hanapin ako. Ay teka... ang tanong, hinanap mo ba talaga ako? Sa tingin ko hindi. Kasi kung oo, kanina pa ako andito. Alam kong alam mo kung saan ako hahanapin.

Siguro ayaw mo nang mapadpad sa lugar na 'yon. Sino ba naman ako ano? Sino ba naman ako para pag aksayahan mo ng oras para hanapin?

"Ma, tama na! Andito na siya, okay? Hindi na niya uulitin 'yon. Diba, Sis?" Napilitan man, tumango na lamang ako. Nahagip ng tingin ko si Ate na nakangiti.

I smiled bitterly. Nagawa niya pang ngumiti sa ganitong sitwasyon. Oo nga pala ano? Si Ate na lagi akong pinagtatanggol, at ikaw na ngayon ay nasa tabi na niya.

The sight of you with her serves as a reminder that I really need to move on.

"Sa susunod na gagawa ka na naman ng katangahan, hindi lang sampal ang maaabot mo sa akin." sabi ni Mama at nagmadaling umalis. Nakahinga naman ako ng maluwag kahit na masakit sa tenga ang pagsara niya ng pinto.

Wanna hear something great, Oliver?

I... feel worthless.

I Wish It Was Easy  (Dandelion Series #2)Where stories live. Discover now