Kabanata III

23 2 0
                                    

I tried to shake my head if it's really you... but you wasn't even looking at me.

Buntong hiningang tumayo ako at tinungo ang pinto. Hindi ko na kasi kaya pang tumagal dito sa loob. Simula kahapon sinusubukan kong maging okay sa harap niyo pero sa huli... hindi ko pala talaga kaya.

"Saan ka pupunta?" kahit hindi pa ako lumingon, ramdam kong nakangiti pa rin ito. Hindi ko alam kung magiging masaya ako para kay Ate.

Naguguluhan ako.

"Magpapahangin lang." Mabilis kong tinungo ang pinto at lumabas.

Sa wakas, kahit papaano, nakahinga ako ng maayos. Pakiramdam ko nawawalan ako ng hininga pag nandon ako sa loob.

Natural ba talaga na maramdaman ito sa Ex mo?

Nakakatawa! Baka ako lang ata nag-iisang nakakaramdam nito. Ikaw ba? Siguradong nakamove on ka na. Mag-iisang taon na hindi ka nagparamdam e. Mukhang ginugol mo ang panahon na iyon para makamove on.

Kailangan ko pa ba ng closure mula sayo? Hindi ata ako matatahimik at makakamove on gaya mo kung, wala akong naririnig mula sayo.

Pero...

Natatakot ako.

Natatakot ako sa maaaring sabihin mo. Baka mas lalong gumuho pa ang mundo ko.

Sige, titiisin ko na lang. Susubukan ko dahil simula't sapol ako naman talaga ang nagdesisyon.

Hindi na dapat kita aabalahin pa. Hindi na dapat kita idamay sa kung ano man ang nararamdaman ko.

Tutal... wala ng tayo.

Nabaling ang atensyon ko sa couple na andito sa cafeteria. Ang sweet nilang tignan.

Gaya natin noon...

Ginawa nating restaurant ang cafeteria na ito. Kasi hindi natin magawa noon na lumabas, kailangan kasi nating bantayan at alagaan si Ate kaya dito tayo kumakain... na parang nagdidate pa rin.

Ang saya ng alaala na 'yon kahit ang daming bawal, pero nagagawa mo pa ring gawing espesyal ang bawat minuto na andito tayo sa hospital.

Napapaisip tuloy ako kung minsan ba, naaalala mo rin ang mga 'yon?

Napatigil ako nang makita ang isang babaeng tumatakbo palabas ng cafeteria. Just like that, nag flashback sa isip ko kung paano tayo nagkakilala.

Mabilis kong tinapos no'n ang pagkain ng tanghalian dahil kailangan ko pang painumin si Ate ng gamot. Patakbo akong lumabas ng cafeteria at sa hindi inaasahan... nabangga kita.

Siguro no'ng mga oras na iyon, malalim ang iniisip mo. Hindi mo kasi ako napansin kung kaya't medyo malakas ang impact ng pagkabangga ko sayo. Sinisi pa kita no'n kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo... pero ang totoo ay ako talaga ang may kasalanan. Tinanggap mo ang pagkakamali at nag sorry ka sa akin. Panay pa ang yuko mo. Natatawang tumayo ako ng maayos at hinawakan ng mahigpit ang plastic bag.

Ilang segundo ba bago ko iniwas ang tingin ko sayo? Hindi ko alam... pero mukhang natamaan ako ng lintik este pag-ibig.

Ngumiti ka sa akin nang mapansin mong hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Nakakahiya pero nagmagandang loob ka na ihatid ako, kasi nag-aalala ka na baka malaki pa lalo ang magagastos mo.

Gastos. Oo, gastusin pala ang iniisip mo no'n. Nakakatuwa diba? Ang practical mo masyado. Lakas loob mong sinabi sa akin na wala kang maipapagamot sa akin kung sakali napano ako sa pagkabangga sayo.

Napangiti ako sa inasta mo.

Hindi lang iyon... nakangiti akong pumasok sa kwarto ng Ate ko.

I Wish It Was Easy  (Dandelion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon