Wakas

31 1 0
                                    

Wakas

Thanks for reading~

Kanina pa kami tahimik ni Ate. Parang walang nangyari at parang walang pinag-usapan. Hindi ko na nga napansin na nakahiga na pala siya sa kama at ako, nakaupo na parang wala pa rin sarili.

Siguro nagawa kong pakalmahin siya. Kaya kahit papaano, nakahinga na ako ng maluwag. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa’yo.

Hindi ko alam kung pa’no sisimulan. Nagdadalawang isip ako dahil sa naging usapan namin ni Ate. Sana nga gano’n kadaling sabihin lahat ng nararamdaman ko.

Nahihirapan ako. Naiipit ako sa gitna. Pero, wala e. Mas lamang pa rin ata si Ate.

“Puntahan mo na siya. Mag-usap kayo.” hindi ko nagawang lingonin si Ate dahil hindi sang-ayon ang utak ko. Hindi ko rin malaman kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Kalmado na kasi ang boses niya. Parang walang iniinda. Panatag na panatag.

Panatag na sa kanya ka pa rin babagsak.

Buntong hiningang tumayo ako. Sandali ko siyang tinignan bago napagdesisyonan lumabas. Hindi ko alam kung nakakuha na ba siya ng sagot sa kinilos ko.

Bagsak ang balikat na tinuon ko ang atensyon sa nilalakaran ko.

Saan pa ba punta ko no?

Kung nando’n ka man o maabutan mo ‘ko do’n, pipilitin kong magsalita. Oo, kahit ano pang lumabas sa bibig ko bahala na.

“Madalas ka rin pala rito, hija?” natigilan ako nang may nagsalita sa gilid ko. Bago ko siya tinaponan ng tingin, bahagya kong sinulyapan kung nasaan na huminto ang mga paa.

Natawa ako nang ma-realize na andito na pala ako sa entrance ng graveyard na hindi ko man lang namamalayan.

Kahit siguro nakapikit, magagawa ko nang makapunta rito. Derecho ang tingin at tuluyang tinungo ang mga lapida na hindi ko naman kilala kong kanino. May sariling isip ata ang mga paa ko.

“Magkasintahan ang dalawang ‘yan.” mabalis akong napatingin sa nagsalita. Sinundan niya pala ako.

“May sakit sa puso ang babae habang may leukemia naman ang lalaki.” sabi niya. Nabaling ang tingin ko sa magkatabing lapida. Hindi ko mapigilan ang kusang pag-angat ng sulok ng labi ko.

Hanggang sa huli, sila pa rin. Magkasama at magkatabi. Tayo kaya?

“Saksi ako sa pagmamahalan ng dalawa. Hindi rin madali ang pinagdaanan nila.” do’n ko lang tuluyan naalala ang babaeng nagsalita. Siya ang janitor na nakapulot ng hawak kong gamot.
“Masarap sa pakiramdam ang magmahal at may nagmamahal. Kaso kakabit din no’n ay ang pagtanggap ng mga bagay-bagay. Kung para sa’yo, para sa’yo talaga. Tama ba ako, hija?” makahulugang aniya. Naiintindihan ko ang sinasabi niya kaso ayaw tanggapin ng ibang parte ng puso ko. Wala sa sariling tumango ako. Binaling niya ang tingin sa’kin at ngumiti.

“Mahina o malakas man ang isang puso, may kakayahan pa rin ito magmahal. Higit sa lahat, hindi pa rin maiiwasan na masaktan. Hindi batayan ang lakas para masabing deserving ka o sino man. Pantay pantay lahat pagdating sa pagtibok nito. Gawin mong sa normal na paraan ang pag-iisip. Hanggat tumitibok ito, hindi mo masasabing mahina na. Nakakatuwa diba?! Nasasabi natin mahina ang isang puso pero, tumitibok pa rin kahit gaano man kasakit ang pinagdaanan, sa physical o emotional man na paraan.” parang lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya. Naibaba ko ang tingin at muli kong nasulyapan ang magkatabing lapida.

“No’ng nalaman ni Hazel na, naunang namatay ang nobyo niya, do’n na naging mahina ang pagtibok ng puso niya. Pero, nagawa niya pa rin humiling. Humiling siya nang humiling, na sana masabi nito ang mga salitang gusto niyang marinig.” napalunok ako nang lumipas ang ilang sandali na hindi na siya nagkwento. Inangat ko ang tingin ko at saka siya tinignan.

I Wish It Was Easy  (Dandelion Series #2)Место, где живут истории. Откройте их для себя