Kabanata XII

8 1 0
                                    

Ang bilis ng araw. Isang buwan na pala no’ng bumalik ka. Isang buwan kung saan ang buong atensyon mo ay kay Ate na.

Paano ko kaya kinaya ‘yon?

Mapait akong ngumiti. Ang tanong kasi dapat... paano mo kinaya ang presensya ko?

Ilang beses kong tinatanong ang sarili ko kung... okay lang ba talaga sa’kin ang ganito?

Fuck!

Pero kapag nakikita ko si Ate na masaya, biglang nawawala sa isip kong sagotin ang tanong na ‘yon.

Parang gusto ko pa ngang kausapin ka kung paano mo pa mapapasaya si Ate kahit kapalit nito ay ang puso kong napipilitang tumibok.

Just give her the love that she deserves and I’ll be fine.

I assure you, I’ll be fucking fine.

Kahit nakikita ko pa sa mga ngiti mo ‘yon, hindi ko pa rin magawang mapanatag. Kahit noon pa man siguro, hindi para sa’kin ang mga ngiting ‘yan. Yon ang pinakamasakit e.

Kasi pakiramdam ko, simula no’ng dinala kita sa kwartong ‘to... hindi na ako ang laman ng puso mo.

Gusto mo bang malaman kung bakit hindi ko kayong magawang iwan kahit ang sakit sakit na?

Kasi gusto ko mismong makita at marinig ang mga salitang sasagot sa mga tanong ko.

Inaabangan ko ang palitan niyo ng mga salitang tuluyang dudurog sa puso ko.

Oo, gusto ko. Gustong gusto ko marinig na sabihin mong mahal mo si Ate.

Kasi...mababaliw na ako. Oliver, hindi ko na kayang makita ka kasama si Ate.

Halos sinusumpa ko ang bawat oras, minuto at segundo na nilalagi ko rito. Pinapatay ang bawat parte ng sistema ko.

Mas gugustohin ko pang isang bagsakan ang sakit e, kaysa unti unti.

Sa bawat palitan niyo ng ngiti.

Sa bawat palitan niyo ng makahulugang tingin.

Sa bawat haplos ng kamay mo sa balikat ni Ate.

Sa bawat yakap ng bisig mo sa kanya.

Sa bawat oras ng pagkain na sinusubuan mo siya.

Sa bawat hawak mo ang kamay niya sa twing may tinuturok na gamot sa kanya.

At sa bawat malalambing na salitang lumalabas sa iyong bibig

...ay nagdudulot sa’kin ng walang kamatayang sakit.

Lahat ng ‘yon, hindi ko na kayang tiisan pa. Ang sakit sakit na talaga! Hindi ba pwedeng isang bagsakan na lang?

Hindi ba pwedeng, kaysa ipakita at iparamdam mo sa’kin, sabihin mo na lang ng derechahan?

H’wag naman ganito o! Parang awa mo na! Ubos na ubos na ang lakas ko.

Hindi ko na kasi kaya yon. Natitiis ko pa ang pag-iiwas mo sa’kin e.

Natitiis ko pa ang disappointment sa mukha mo sa twing binubuksan ko ang pinto ng kwarto.

Natitiis ko pa lahat ng sarkastikong mga salitang binibitawan mo sa’kin, h’wag lang ang mga ‘yon.

Okay?! Please... I’m sorry.

Fuck! I am sorry for being like this.

I’m sorry for still showing you how much I care.
I’m sorry for making you uncomfortable.
I’m sorry for trying so hard to get your attention.
I’m sorry for trying to be okay in front of you and to my sister.

It’s fucking funny. Obviously, my presence irritates you but still, I’m sorry. I can’t do anything about it.

Sorry... I can’t last a day without seeing you.

I’m sorry for trying so hard to move on. Deep inside me, I really can’t.

I’m sorry for believing and insisting that you still love me, and that there’s still a chance for us.

Fuck! Most importantly... I’m sorry, I still love you.

I’m really sorry. HINDI KO NA KAYANG I-DENY PA LAHAT.

Alam kong ang tanga ko! Kahit pa isumbat mo sa’kin yan, alam ko.

Sino ba naman hindi no? Nakikita ko na’t lahat. Nagmamanhid-manhidan pa ako. Pilit kong binabalewala lahat ng pinapakita mo at pakikitungo sa’kin kasi... Fuck! Mas lamang ang feelings ko e.

Ang daya! Bakit ayaw makisama kasi ng katawan ko? Gusto kong matawa. Halos ipagtaboyan mo na nga ako e.

Pero...ano ba magagawa ko?

“Tumingin ka nga sa dinadaanan mo.” nanlamig ako ng literal sa boses na narinig ko. Wala sa sariling napatingin ako sa’yo. Nakatayo ka malapit sa pinto ng kwarto ni Ate.

“Sorry.” halos pabulong na sabi ko. Huli ko na ma-realize na nabangga pala kita kanina habang may hawak kang dalawang baso ng inumin. Buntong hiningang sumunod ako papasok at muling tahimik na umupo sa dulo ng kwarto.

Nagugulat pa rin ako at hindi lubos inaasahan ang pakikitungo mo sa’kin.

Okay! Sige! Gets ko naman e. Gets kong nasaktan kita.

Pero bakit kasi gano’n? Fuck! Nakakatawa! Hindi ko kasi hindi maiwasan na, naaapektohan ka sa’kin. H’wag lang ganyan!

Kung ano ano kasi naiisip ko e.

Naisip kong bitter ka! Hahaha! Tangina! Umaasa na naman ako. Kasi syempre diba? Dapat wala na lang sa’yo. ‘yong tipong parang friends tayo. Not being strangers.

Oh come on! Hindi ba pwedeng maging okay tayo? Nakakapanlumo. Hindi ko na maintindihan kahit sarili ko.

Fuck this! Hindi ko na kaya! Buo na ang desisyon. Kakausapin kita tungkol sa nararamadaman ko. Bahala na!

I Wish It Was Easy  (Dandelion Series #2)Where stories live. Discover now