Kabanata V

17 1 0
                                    

Nakatitig lamang ako sa hawak kong cellphone, na hindi ko nagalaw simula kanina. Hanggang ngayon natatakot pa rin ako sa makikita ko.

Nakakatawa! Masyado ko pa rin' pinapahalagahan ang laman ng gallery at inbox ko.

Matutuwa ka kaya pag nalaman mong ikaw ang dahilan? Tanging 'yon na lang ang pwede kong panghawakan kahit hindi na dapat.

Kagabi, akala ko na-delete ko na lahat ng laman nito.

Hindi pa pala. Nakakapanghinayang kasi...

"Matutunaw na 'yang phone mo!" Nabaling ang tingin ko kay Ate. Agad akong umiwas ng tingin nang mapansin nakangiti ito.

"Sana nga!" buntong hiningang sagot ko. Sana nga matunaw na lang 'to at matunaw na rin ang alaalang laman nito.

"Okay ka lang ba?" Napalunok ako sa tanong niya. Muli ko siyang tinignan, seryoso na siyang nakatingin sa akin.

"Ate..." tawag ko sa mahinang boses.

"Okay lang ba na nakikita mo kaming magkasama? Okay lang ba sayo ang ganitong set up?" Hindi ako sumagot. Tumayo ako at mabilis na binulsa ang cellphone.

"Okay lang ba na... sa akin muna siya? Okay lang naman siguro na mahalin ko siya diba?" Lihim kong naikuyom ang kamao ko. Nangangatog ang tuhod ko, pero sinikap ko pa rin maglakad ng maayos.

Hindi ako nagdalawang isip na lumabas kaagad pagkatapos kong marinig ang sinabi niya.

Gusto kong magmura!

Gusto kong sampalin ang Ate ko.

Gusto kong ipamukha sa kanya na nasasaktan ako...

Pero... hindi ko magawa at hindi ko kaya.

Oo, walang tayo. Wala akong karapatan na pagbawalan siya o maging ikaw. Patawarin mo ako pero hindi ko kayang sagotin ang tanong niya.

Masakit! Alam mo ba?

Hindi ko alam kung sinasadya ni Ate o ano... Hindi ko alam kung nagbubulagan ba siya o sinasadya niyang ipamukha na wala na talaga tayo.

Ayaw ko na!

Ayaw ko nang ulitin pa ang mga sinabi ko. Ayaw ko nang lumabas pa ulit sa bibig ko ang mga salitang 'Walang tayo' sa harap niya.

Kahit alam niyang walang tayo matagal na, pinaparamdam niyang nakakaawa ako. Sa bawat tingin niya, pakiramdam ko, nalulunod ako at hindi na makaahon.

Bakit gano'n? Tanggap ko na e. Pero 'yong itatanong niya pa? Ang sakit na! Alam nating, alam niya na wala na akong karapatan.

Pero... leche lang! Sa ginagawa niya hindi lang awa ang nararamdaman ko... pakiramdam ko sasabog na lahat ng emosyon na meron ako.

Pahinga muna pwede ba? Kasi nakakasakit na siya. Nakakasakit na rin pala ang ginagawa ni Ate.

I feel betrayed.

Kahit ayaw kong maramdaman 'yon, hindi ko maiwasan sa simula pa lang.

Bakit kasi si Ate pa?

Bakit kasi... ikaw pa ang minahal niya?

Nakakapagod makipagkompetensya sa kanya kasi wala akong laban. Alam mo naman 'yon diba?

Nakakapagod nang maikompara sa kanya.

At... nakakapagod nang magpaubaya para sa kanya.

Pero anong magagawa ko? Mahina ako diba?

Anong magagawa ko kung... pareho kayong mahalaga sa akin?

Naiintindihan mo na ba?

Naiintindihan mo na ba kung bakit ako sumuko sa ating dalawa?

Naiintindihan mo na ba kung bakit ako nagsakripisyo at nagpaubaya?

Tangna! Wala akong laban. Walang wala ako sa ate ko.

Hindi ko kaya na pareho kayong mawala dahil lang sa nararamdaman ko.

Pasensya ka na. Alam kong mali ako, pero sa ngayon... ayaw ko munang ulitin ang mga sinabi ko sayo.

Gusto ko munang magpahinga kahit sandali lang...

Tanga na kung tanga! Pero... gano'n pa rin ang desisyon ko. Gusto kong maging masaya kayong dalawa.

I Wish It Was Easy  (Dandelion Series #2)Where stories live. Discover now