Kabanata II

29 2 0
                                    

Napabangon ako nang marinig ang boses mo. Nanaginip pa rin ba ako o talagang naririnig ko ang boses mo?

Buntong hiningang umayos ako ng upo. Siguro nga panaginip lang 'yon. Nakaidlip pala ako rito sa sofa habang nagpapalipas ng oras. Napatingin ako sa higaan ni Ate pero wala siya. Saan naman kaya siya pumunta?

"Namiss kita... sobra."

"Namiss din kita. Hindi mo naman pinapabayaan sarili mo ano? Nangangayayat ka na." biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang isang pamilyar na boses.
Nabitawan ko ang hawak kong libro.

Tama ba ang narinig ko?

Hindi ba ako nananaginip?

Talaga bang naririnig ko ang boses mo?

I sighed standing up and headed to the door. My hands are trembling. Trembling with excitement and... fear.

Dahan-dahan kong hinawakan at pinihit ang door knob. Hindi ko alam kung ano ang makikita ko pagbukas ko nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo.

Kakamustahin ba kita? O yayakapin na lamang para mas maramdaman mo kung gaano kita kamiss?

Bahala na!

Ilang ulit kong kinalma ang sarili ko bago napagdesisyonan na agad buksan ang pinto.

Pinagsisihan ko na...

Pinagsisihan kong binuksan ko ang pinto.

Ngayon, pinagsisihan ko rin na binitawan kita... e di sana ako 'yong niyayakap mo ngayon.

At ako sana ang unang taong nakikita mo ngayon.

I... can't breathe.

Tinaponan mo ako ng tingin habang yakap mo ang Ate ko. Nakikilala mo pa kaya ako?

Magpapanggap ka kayang hindi mo ako nakikita?

O ipaparamdam mo na sa akin na, hindi ako kawalan? Kahit alin man do'n... siguradong ikakamatay ng puso ko.

Nakakatanga diba?

Agad kang umiwas ng tingin at kumalas sa pagkakayakap kay Ate.

"Halos mag-iisang taon din na hindi ka nagpakita. Nakakatampo alam mo yun?" How I wish ako magsabi no'n.

Nakakatampo ka.

Nakakatampo ka kasi hindi ka man lang nag-abala na kamustahin ako.

Nakakatampo ka kasi hindi mo man lang inisip na nag-aalala ako.

Nakakatampo ka kasi... wala kang ginawa para magamot ang puso ko.

Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Kasalanan ko naman e. Pero ba't ako nag-iinarte?

Napatingin si Ate sa akin at ngumiti.

Pasensya na kung hindi ko masusuklian ang ngiti niya.

Madalas akong naiinggit sa kanya pero ngayon sa kinatatayuan ko... pakiramdam ko napatunayan niya na, na nasa kanya na ang lahat.

Alam mo kung bakit? Kasi nasa tabi ka na niya at inaalalayan mo pa siya.

Ako ba? Hindi ka ba mag-aabala na kumustahin ako?

Pwede naman yun diba? Pwede naman kamustahin ang Ex mo diba?

Nakangiwing sinara ko ang pinto at sumunod sa inyo papasok.
Napatingin ako sa nilapag mong bulaklak. Napapikit ako dahil sa nakikita ko. Hindi ko alam kung sinasadya mo pero... ang sakit ha!

'Yong paborito kong bulaklak... ngayon ay kinagigiliwan na ng Ate ko.

"Do you like it?" tanong mo.

Gusto kong sigawan ka...

Gusto kong itulak ka na lang palayo.

Pero kahit gustohin ko, hindi pwede dahil sa sitwasyon ni Ate.

Ngayon ko lang siya ulit nakitang ngumiti ng ganyan. Ilang bulaklak na rin ang binigay ko sa kanya at ng iba pang bumibisita sa kanya ngunit... walang pa ring katumbas ang bulaklak na binigay mo para sa kanya.

Mukhang sasanayin ko na ang sarili ko na andito ka. Sasanayin ko na ang sarili ko na damahin pa lalo ang sakit. Sasanayin ko na rin ang sarili ko na magpanggap na lang, at makisabay na parang hangin sa kwartong ito... tutal 'yon naman ang pinaparamdam mo ngayon.

I Wish It Was Easy  (Dandelion Series #2)Where stories live. Discover now