Kabanata XI

6 1 0
                                    

Malamig na hangin ang sumalubong sa’kin dito sa graveyard. Parang nakahinga ulit ako ng maayos makalipas ng ilang oras.

Sabagay...

Kailan ba naging maayos ang paghinga ko sa t’wing kasama ko kayo ni Ate sa iisang kwarto?

Nakakasawa na nga e. Nakakasawa nang mag reklamo. Nakakasawa nang magpanggap na walang pakialam.

Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng graveyard. Ano ba pa makikita ko rito bukod sa lapida ano? Nakakatawa! Ito pa rin ang lugar na pwede kong matambayan at lugar na kahit papaano malayo sa presensya mo.

Buntong hiningang umupo ako sa damohan hindi kalayuan sa iilang lapida sa harap ko.

Siguro magtataka ka kung bakit dito pa rin ang bagsak ko. Kahit ilatag ko sa’yo lahat ng dahilan sa harapan mo, siguradong wala lang sa’yo. Isa pa, hindi ko lang talaga maiwasan, kahit pa ang huling alaalang meron tayo rito ay hindi talaga maganda.

Isang gabi kung saan, napagdesisyonan kong bitawan ka.

Desisyon kung saan pakiramdam ko, mas ako ‘yong sobrang nasaktan.

Sobrang sariwa pa sa isip ko yong gabing ‘yon. Yong gabing nakatayo ka sa harap ko at pilit na nilalabanan ang emosyon mo.
“Ayaw ko na. Taposin na natin ‘to.” mga salitang sinabi ko sa’yo, pilit na nilalabanan ang kabang dinulot no’n.

“Ano?” hindi man kita tinaponan ng tingin pero naiimagine ko ang pagkunot ng noo mo.

“I’m breaking up with you.” walang alinlangan sabi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ilang segundo pa ang lumipas bago ko nagawang iangat ang tingin ko sa’yo. Gusto kong magmura ngunit hindi ko magawa.

Bakit gano’n? Bakit wala akong nakikitang kahit anong emosyon mula sa’yo?

“Why?” hindi ako makapaniwala sa tono ng boses mo. Mas malamig pa kaysa sa hangin dito sa graveyard.

“W-why? Tinatanong ba talaga ‘yon kung bakit? Hindi pa ba halata?” halos mapipikit na ako nang maramdaman ang kirot sa dibdib ko.

Bigla kong naikuyom ang kamay ko nang marinig ang sarkastikong tawa mo. “So, gano’n na lang ‘yon? Hindi naman ako tanga at manhid e. Pero...gusto ko mismo magmula sa’yo ang dahilan.” iniwas ko ang paningin ko tsaka ilang beses huminga ng malalim.

“H-hindi na kita m-mahal.” napapiyok na ako at hindi ko talaga kayang pakalmahin ang nararamdaman ko.

“Hindi mo na ba talaga ako mahal o mas mahalaga sa’yo ang nararamdaman ng Ate mo?” para akong naestatwa sa narinig. Kahit na may ideya na ako na alam mo ang dahilan, binalewala ko. Iba pa rin pala kung narinig ko na.

Gusto kong matawa! Pakiramdam ko mali ang tanong mo e. O baka ako talaga dapat ang magtanong sa’yo no’n.

“I hope you understand. Sa lahat ng taong gusto kong makaintindi sa sitwasyon ko ngayon ay alam mong ikaw ‘yon. Mahalaga sa’kin si Ate, alam mo ‘yan. Nasasaktan ako sa twing...” mariin akong pumikit at tinitigan ka.

“nakikita ko at nararamdaman ko kung gaano ka niya ka-mahal. Ang sakit sakit...kasi wala akong magawa. Mahina ang puso niya, Oliver. At ako? Kaya ko. Kayang kaya ko.” umigting ang panga mo at halos himatayin na ako sa paraan ng titig mo.

“Paano ako? Paano tayo? Gano’n na lang ba kadali sa’yo yon? Hindi mo alam kung gaano ako nahihirapan. Naiipit ako sa sitwasyon pero iniintindi kita. Nagugulohan ako...sobra.” tipid akong ngumiti. Wala na kasi akong lakas para magsalita pa.

“Pero...sige. Kung ‘yan ang gusto mo. Okay. Nagugulohan din ako kaya siguro mas mabuti nang ganito.” pero bago mo ako talikuran, buong lakas kong nasambit ang mga salitang sa tingin ko naging dahilan para humantong sa ganito ang lahat. At naging dahilan para lakas loob mong tinanggap ang desisyon ko.

“Mahal ka ng Ate ko.”

Napapitlag ako nang maramdaman ang mainit na luha sa pisngi ko. Sariwa pa rin sa’kin ang eksenang yon.

Parang naliwanagan na ako.

Nagugulohan ka? Fuck! Saan naman? Sa feelings mo sa’kin o kay Ate?

Gusto kong sapakin ka ngayon at pipilitin kang ipaintindi sa’kin ang mga sinabi mo no’n.

Umasa ako, Oliver. Umasa ako.

Umasa ako no’n na ipaglalaban mo ang meron tayo. Kahit hindi na ‘yong tayo. Kahit yong feelings mo na lang sana sa’kin.

Kung iisipin ako dapat ang magulohan e. Bakit gano’n na lang ‘yon?

Naiintindihan mo ba talaga ako o naging solusyon pa ‘yong mga sinabi ko para hindi ka na magulohan ngayon?

Pero...

Sa kabila ng lahat ng ‘yon, mas pipiliin kong mas masaktan pa.

Bakit?

Para naman masabi kong tama talaga ang desisyon ko. Kung saan mahal ka ng Ate ko at mahal mo rin siya.

Gusto kong marinig mula sa’yo yon. Tanginang closure na ‘yan!

Wala akong paki...basta ba mahalin mo ng todo si Ate.

I Wish It Was Easy  (Dandelion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon