Kabanata VII

10 1 0
                                    

I hope you see me so fucking happy that I look like I'm about to explode, and I hope you'll be satisfied.



But then again, it's not the time for me to be happy.



"Okay lang naman siguro na mahalin ko siya diba?" Paulit-ulit ko pa rin' naririnig sa isip ko ang mga tanong ni Ate.



Sa totoo lang, naririndi na nga ako e.



Fuck! Sinampal na ako't lahat, hindi pa rin maalis sa isip ko 'yon. Hindi ko pa rin magawang magising. Hindi ko pa rin magawang bigyan pansin ang sarili ko sa mga oras na ito.



Lalo pa ngayon na naging tahimik ang kuwarto. Simula no'ng umalis si Mama, wala ni isa sa'tin ang gumawa ng ingay.



O baka ako lang nakakaramdam no'n? Feeling ko may deperensya ang pandinig ko. Ultimo paggalaw ng Ate ko sa kama ay hindi ko naririnig.



Alam kong kanina mo pa ako sinusulyapan. Gusto ko nga matawa e. Gusto kong matawa sa palihim na sulyap mo sa'kin.



Naaawa ka na ba? Mukha na ba akong tanga sa mga mata mo? Sinampal lang ako, ano ka ba naman?! Walang wala 'to sa sakit na dinulot mo.



"Sis..." Sis? Pang ilan na ba ang pag tawag sa'kin ni Ate? Hindi ko siya magawang tignan. Nagi-guilty din naman ako.



"Pagpasensyahan mo na lang si Mama ha?!" pagpasensyahan? Hanggang kailan ko ba dapat gawin yon? Hanggang kailan ko ba dapat tiisin lahat ng sakit na dulot din ng pamilya ko?



Wala sa sariling tumango ako sa sinabi niya. Hindi ko pa rin magawang iangat ang tingin ko. Hindi ko rin magawang umalis sa kinatatayuan ko. Sa pwesto ko kung saan ako sinampal ni Mama.



Parang nakapako ang mga paa ko rito at hindi na magawang umalis. Ilang minuto na nga ang nakalipas pero ito pa rin ako. Nakayuko at nakikipagtitigan sa sahig.



Ang masakit pa ron parang wala lang sayo.


Ay mali! Wala lang talaga sayo.


Nagawa mo pa nga alalayan ang Ate ko papunta sa kama niya. Kahit nakayuko man ako, ramdam ko at nakikita ng gilid ng mata ko ang paggalaw mo kanina.



Oo, paggalaw mo lang. Hindi ko nga kasi nararamdaman ang bawat paggalaw ng Ate ko e.



Hindi ko alam kung sinasadya niyo o ano. Kanina pa ako rito pero bakit gano'n?



Hindi mo man lang magawang lapitan ako? Hindi mo rin magawang alalayan ako o tanongin kung okay lang ako.



Ganon na ba talaga ako ka-walang kwenta at walang halaga sa'yo?



Ako naman si tanga, umaasa na maaalis mo ako sa kinatatayuan ko. Kahit yon lang ang gawin mo. Tangina naman o!



Kahit si Ate hanggang sa tanong at salita lang ang nagagawa.



Gaano niyo ba talaga ako nakikilala?



Nakakatakot bang lapitan ako? Nakakatakot bang kunin ang atensyon ko?



Sa sitwasyon ko ba ngayon, gusto kong mapag-isa?



"S-sis? Umupo ka na. Sige na, Sis. Kanina ka pa dyan e." I bit my lower lip. Napansin pa pala ni Ate?



Ikaw? Hindi mo ba ako napapansin? Buntong hiningang inangat ko ang tingin...sa'yo. Kahit nahihirapan ako, makita lang kita... ayos na'ko.



Pilit kong inaalis lahat ng emosyon na meron ako sa mga mata ko pero...



Walang silbi.



Umiwas ako ng tingin at mabilis na tinungo ang sofa. Pabagsak akong umupo.



Pustahan tayo! Hindi mo pa rin ako tinataponan ng tingin. Fuck! Lakas loob akong tumingin sa'yo sandali pero... walang silbi pa rin. Hindi mo inaalis ang tingin mo kay Ate.



Nahuli ako ni Ate na nakatingin sa'yo kaya agad akong napayuko. Ayos ah! Maswerte ang sahig. Kanina ko pa tinititigan.



"O-okay ka lang ba?" nagulat ako nang marinig ang boses mo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko muli itong nabuhay.




Hindi ko magawang iangat ang paningin ko. Ayaw kong umasa.



Baka kasi si Ate pala yong kinakamusta mo. Ubos na ang hiya ko sa katawan kanina pa.



"Hey! Are you o-okay?" muli kong narinig ang mahina at medyo nauutal mong boses. Lakas loob akong tinaponan ka ng tingin.


My eyes widened. You...stared at me for a seconds.


K-kinakamusta mo talaga ako? Totoo ba 'to? Hindi agad ako nakasagot dahil mabilis kang umiwas ng tingin at tumabi sa Ate ko sa kama. I forced a smile and answer.



"I'm okay." Tinaponan ko ng tingin si Ate at nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya.



Pilit kong inaalala ang sandaling pagtitig mo sa'kin kanina. At...do'n ko lang na-realize na wala akong nakikitang emosyon sa mga mata mo.


Kahit awa na lang sana, hindi mo pa maibigay.

I Wish It Was Easy  (Dandelion Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن