Kabanata XIV

9 1 0
                                    

Ilang minuto pa ang nakalipas bago ko narinig ang mahinang paghikbi ni Ate. Hindi ko alam kung may nakakaiyak ba akong sinabi. Dapat nga ako ang maiyak e. Kaso, kahit ‘yon pinagdadamot sa’kin.

“Ate...” halos pabulong na tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa’kin kahit na tuloy tuloy pa rin ang pagdaloy ng luha niya.

“I’m sorry, Grace. Napakasarili ko. Nahihiya ako sa’yo.” sabi niya at tumungo. Humugot ako ng malalim na hininga.

Kung alam niya lang kung gaano siya kaswerte. Ito ang ayaw ko makita sa kanya. Ang side niyang ganito.

Isa sa pinagbabawal sa kanya ay ang paiba-iba ng emosyon niya. Masyadong komplikado ang puso niya para maglabas ng emosyon ng sobra.

Alam mo ba sa ganitong sitwasyon ko rin siya inaalo? Kahit nga no’ng araw na tinanong ko siya kung mahal ka niya, e nagawa ko pa siyang pakalmahin kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Wala e, mas importante siya. Ayaw kong nahihirapan siya kaya kahit labag sa loob ko at kahit sobrang sakit, nagawa kong palayain ang nararamdaman ko sayo. Nagawa kong makapaglabas ng mga magagandang salita para lang kumalma ang nararamdaman niya.

Natatakot ako e. Sobra!

Ayos lang na ako ang nasasaktan, kasi gaya ng sabi ko sa’yo...kayang kaya ko! Malakas ‘tong puso ko kompara sa kanya.

“Alam mo bang naiingit ako sa’yo Ate?” bigla niyang inangat ang kanyang tingin samantalang ako, hindi makagawa ng kahit anong kilos. Nakatayo pa rin ako sa paahan ng kama niya. Pigil emosyong pinapakawalan lahat ng bagay na pwede kong sabihin para lang kumalma siya...

Ito ata kasi ang purpose ko e.

“Kasi, nasa sa’yo na ang lahat. Ganda, kabaitan at katalinohan. Hindi lang ‘yon, idol pa kita.” halos mapapikit ako habang sinasabi ang mga ‘yon.

“Ang tapang tapang mo rin. Kahit sino maaastigan sa’yo. Paborito ka nga lahat, lalong lalo na ang magulang natin.” gumagaralgal na ang boses ko. Kumunot ang noo niya. Hindi inasahan ang mga binibitawan kong mga salita. Tahimik lang siya pero alam kong ina-absorb niya mga sinasabi ko.

“Sobrang proud ako sa’yo. Sobrang thankful kasi ikaw ang Ate ko. ‘Yong Ate ko na lagi akong pinagtatanggol. ‘Yong Ate kong pinapagtakpan ang mga mali ko. ‘Yong Ate kong laging nandyan para pakinggan lahat ng mga sinasabi ko.”

“Grace...” tipid akong ngumiti nang banggitin niya ang pangalan ko.

“Natutuwa ako makita ang mala-anghel mong mukha at naririnig ang boses mong hinahangaan ng lahat. At bagay na bagay sa’yo ang pangalan mong Divine.” umiling ako nang makitang aakma siyang tatayo.

“Bakit kaya hindi Angel ang pinangalan sa’yo?” natatawa ko pang tanong.

“H-hindi mo kailangan pagaanin pa ang loob ko. Nahihirapan din ako, Grace.” tumango tango ako, kunwari naiintindihan ang sinabi niya. Kaso, hindi ko ma-digest e.

“Ano ka ba Ate?! Parang hindi ka sanay ah!”

“Please...s-stop!” marahas akong umiling. ‘Yong tipong pati ang dulo ng buhok ko gumagalaw.

“Ssshh! I’m fine. Just listen to me okay? It’s also my duty to take care of your heart.” napasinghap siya, samantalang marahas kong pinunasan ang pisngi ko. Nakakainis!

Inaalagaan ko ang puso niya pero... ‘tong puso ko, hindi ko man lang maasikaso.

Kung pwede nga lang, ibigay na lang pati sa kanya ‘tong puso ko...ginawa ko na.

Mas deserve niya lahat ng bagay sa mundong ‘to, kasama ka na.

Natigilan ako nang tumayo siya at lumapit sa’kin. Do’n ko lang nagawang maigalaw ang mga paa ko. Napaatras na ako at itinaas ang dalawa kong kamay na parang ‘yon na ang senyales na suko na ‘ko.

“Hayaan mo na ako, okay?! Alam mong, ito lang ang kaya kong gawin para sa’yo.” umiling siya, hindi sang-ayon. Naiinis ako sa sarili ko kasi...hindi ko siya magawang pakalmahin.

Pakiramdam ko, wala na talaga akong silbi. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hindi ko magawang lumapit sa kanya kasi pakiramdam ko, isa siyang babasagin na gamit. Mababasag siya pag hinawakan ko. At sa huli...ako ang mas masasaktan.

“Ate, I’ll be fine. Please, calm down! Alam mo namang ayaw ko sa lahat, ay nakikita kang nasasaktan diba? Alam kong naiintindihan mo ‘ko, simula umpisa.” nagawa niyang huminto. Tama lang ang distansya namin para hindi ko siya maabot.

“I really want to see you smile. I want to see an angel smiling at me.” pero hindi ‘yon nagawang magpatigil ng iyak niya.

“H-hindi ako nakatiis...tinawagan ko siya.” nagtatakang tinaponan ko siya ng tingin.

“Kaya siya bumalik kasi kinulit ko siya. H-hindi siya bumalik dahil lang gusto niya.” naitikom ko ang bibig ko sa narinig.

Hindi ko maintindihan. May ibig bang sabihin ‘yon? Kahit gusto kong ulitin ang linyang sinabi mo sa’kin, hindi ko masabi kasi parang wala akong lakas.

“Balewala sa’kin ang lahat ng ‘yon, Grace. G-gusto ko kayong bumalik sa dati. Gusto kong makita ang ngiti ng kapatid ko. Kahit pa kapalit din no’n...ay siya.” hinigit ko ang hininga ko sa sinabi niya.

“Pasensya ka na ha?! Kung hiniram ko siya sandali. Sa ngayon, gusto kong mag-usap kayo. Don’t mind me. Hmm?” muli ko siyang tinignan. Nakita ko ang ngiting gusto kong makita araw araw.

Hindi ko inalis ang tingin sa kanya kaya nagawa niyang lumapit sa’kin at niyakap ako.

“Alam mo bang naiinggit ako sa’yo?” tumayo ang balahibo ko sa batok sa tanong niya.

Ayan na naman siya. Linya ko ‘yon e.

“Naiingggit ako kasi...malakas ang puso mo.” hindi ko maiwasan hindi mapahikbi sa sinabi niya.

Kung alam niya lang na gustong gusto kong ibigay sa kanya ora mismo ‘tong puso ko, ginawa ko na.

Kaya nga, hindi ako magdadalawang isip na gumawa ng paraan para maging malakas din ang puso niya kahit kapalit pa nito ay ang pagiging mahina ng puso ko.

I Wish It Was Easy  (Dandelion Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz