Kabanata I

42 5 0
                                    

Isang malakas na pagbasag ang kumuha ng atensyon ko. Napatingin ako sa pinanggalingan nito.

Nabasag ang isang baso na galing sa side table ni Ate. I sighed and stood up.

Pilit niyang inaabot ang isa pang baso kahit alam niyang hindi niya maabot ito, at maaaring makabasag pa siya ulit. Pinigilan ko ang kamay niya at kusa kong inabot sa kanya ang baso. Ngumiti siya sa akin bago ininom ang laman nito.

Muli akong napatingin sa nabasag. Kailan ba siya matututo na tawagin ako?

"Sorry." she whispered. Tumango lang ako sa kanya at maingat na nilinis ang nabasag na baso. Tahimik kong inayos ang higaan niya tsaka bumalik sa pagkakahiga sa sofa. Marahan akong pumikit.

Naaalala mo pa ba 'yong mga panahon na tayong dalawa ang nag-aalaga sa kanya?

Naaalala mo pa ba 'yong mga araw na nagkakasiyahan tayo sa loob ng kwartong ito?

Naaalala mo pa kaya 'yong oras na umiiyak ako at andito ka sa tabi ko?

Naaalala mo pa ba 'yong panahon na pinapatatag mo ang loob ng Ate ko?

"Dumalaw ba siya?" Napamulat ako nang marinig ang boses niya. I cleared my throat and answer her in normal tone.

"Nope."

"Ayos lang kaya siya?"

"Maybe."

"Bakit kaya hindi na siya nagpaparamdam?"

This time I could not utter any single word. And for the record, I am not the only one who cares for you.

Hindi ko inaasahan na itatanong niya 'yon. Hindi mo ba siya sinabihan o binigyan ng dahilan kung bakit hindi ka na nagpaparamdam?

Ganyan ka ba talaga?

Hindi ka pa ba kuntento na ako 'yong nasasaktan?

Pati si Ate, halos hindi makatulog sa kakaisip kung okay ka ba.

Kung maayos ka ba.

Kung masaya ka ba.

At kung naaalala mo pa kaya kami.

Nakakatawang isipin. Matapos kong magpaubaya mawawala ka na lang ng parang bula. Mag-iisang taon na rin pala no'ng huli kitang nakita.

No'ng huli kitang kinausap.

At no'ng huli kitang hinawakan.

Akala ko sa ginawa kong pagbitaw ay mahahagilap ka pa rin ng paningin ko kaso... nagkamali ata ako.

Ano bang problema mo? Ano ba talaga ang nangyari?

Hinintay kong magsalita ka.

Hinintay kong pigilan mo ako sa magiging desisyon ko... pero wala akong narinig mula sayo.

Tanggap ko. Alam mo iyon diba? Pero bakit ganun? Ayos lang sa akin na nasa tabi ka ng Ate ko.

Ayos lang sa akin kahit hindi mo ako pansinin.

Ayos lang sa akin na wala na akong halaga sayo kasi alam ko naman na ako 'yong bumitaw.

Ako 'yong sumuko.

Ako 'yong hindi lumaban.

Pero teka... ako lang ba ang hindi lumaban?

Ako lang ba talaga? Pero sa ngayon, hindi na importante 'yon.

Ang gusto ko lang hindi nasasaktan si Ate gaya ko.

Ang gusto ko lang lumaban siya para mabuhay kahit wala ka.

Ang gusto ko lang ay maging masaya siya.

At maalis ko ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing hinahanap ka ni Ate sa akin.

"I miss him." Just like that, a lump formed on my throat and a single tear had finally slid down in my cheeks.

See? She missed you.

You know what? It hurts like hell knowing that she misses you more than I do.

If only I can say "I miss you" in front of you without sounding like being pathetic.... I'll surely do.

But then again... you're nowhere to be found.

I Wish It Was Easy  (Dandelion Series #2)Where stories live. Discover now