Kabanata IV

19 2 0
                                    

Gusto kong tumakas sa sitwasyon ko ngayon.

Gusto kong tumakbo nang tumakbo kahit umabot pa ako sa pinakadulo ng ospital na ito... basta ba, makalayo lang ako sa inyong dalawa, lalong lalo na sayo.

I can't bare the sweetness, the laughter and your eyes staring at her.

"Kumain ka ng marami. Ito, masarap 'to! Paborito mo 'to diba?" muntik na akong mabilaukan sa sinabi mo. Napangiwi ako nang makita ang paboritong pagkain ni Ate.

Chicken curry. Paborito ko... at paborito rin pala ni Ate. Parang kailan lang, ako 'yong sinasabihan mo ng ganyan.

Titig na titig ako kay Ate habang kumakain, at ikaw naman panay ang lagay mo ng ulam sa kanyang plato. Biglang napansin ni Ate na nakatitig ako sa kanya...

"Sis, paborito mo rin ito diba? Nakakamiss rin palang kumain nito. H'wag mo akong isusumbong kay Mama ha?" natatawang tugon nito at kusa na lamang akong tumango.

"Kaya damihan mo ang kain habang wala pa sila ni Tita." umiwas ako ng tingin nang aakmang susubuan mo na siya.

Sana pala nabilaukan na lang ako. Baka sakali mapansin mong andito ako.

Baka mapansin mong nasasaktan ako.

Tell me... how can I be okay in this kind of situation? I heaved out a deep breath and continue eating my dinner.

Ilang beses ko pa ba dapat makita ang mga gano'ng eksena? Nakakapagod kaya magpanggap na hindi ako naaapektohan.

Nakakapagod maging masaya para kay Ate.

Nakakapagod talaga, pero wala akong magagawa e.

"Kahit andito si Oliver, H'wag mong pababayaan ang Ate mo. Naiintindihan mo naman diba? Wag mong pairalin ang katamaran mo at kung ano mang nararamdaman mo. 'Yon na lang maitutulong mo, tutal, hindi ka naman makakaambag sa gastosin. Tandaan mo lahat ng paalala ko ha? Yung pag-inom ng gamot ng Ate mo, bantayan mo. H'wag na h'wag mong kalimutan 'yon. Ano pa ba? Pakainin mo siya sa oras. Malalagot ka talaga sa akin! O siya, aalis na ako. Tatawag ako mamaya kaya sagotin mo." tahimik lamang akong nakatayo sa harap ni Mama hanggang sa umalis siya. Hindi na ako nag-abala pang lumingon pag-alis niya.

Sa totoo lang, naririndi na ako sa mga bilin niya. Kung hinayaan niya na lang sana ako magtrabaho kaysa magbantay kay Ate, e di sana may maitutulong ako sa gastosin.

Edi sana, hindi ko maririnig ng paulit-ulit ang mga bilin niya.

Pakiramdam ko... kahit nagbabantay ako kay Ate, wala pa rin akong nagawang tama. Sinisigurado ko na maayos siya, to the point na hindi ko maayos ayos ang sarili ko.

Sanay na ba talaga ako?

O baka binabalewala ko na lang, tutal, paulit ulit na lang?

"Kagaya ng bilin ng Mama mo, h'wag mong kalimutan painomin ang Ate mo nito..." kunot noong napatingin ako sa janitor nitong ospital. Sa tingin ko, kaedad niya lang si Mama, nasa bandang 40 ang edad nito. Nagulat ako nang bigla niyang hinablot ang kanang kamay ko...

"Ang bata bata mo pa para panghinaan ng loob! Nabitawan mo ito kanina kaya mabuti na lang nadampot ko." Pinapanghinaan na ba talaga ako ng loob? Agad kong tinago sa bulsa ko ang gamot na pinatong niya sa palad ko.

"Salamat po." magalang na sabi ko at mapait na ngumiti.

"Sa katunayan, hindi lang naman ako ang dadampot niyan. Sadyang naunahan ko lang siya... sa ngayon." pagkasabi niya no'n ay agad din siyang tumalikod paalis. Gusto ko pa sanang itanong kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi niya. I sighed.

Kung alam lang ng janitor na sa loob ng ilang taon, paulit ulit akong nakakarinig ng habilin ni Mama. Hindi para sa akin kundi para lang kay Ate.

LUMIPAS ang tatlong araw. Sa loob ng tatlong araw na 'yon, nakaya kong tumagal pa sa loob ng kwarto ni Ate... kasama ka.

Sa tuwing pakiramdam ko kailangan niyo ng privacy... agad akong nag-iisip ng pwedeng gawing dahilan para umalis. Naubos na ata lahat ng dahilan na pwede kong gamitin para sa panandaliang pagpapahinga.

I closed my eyes and let the soft wind touch my face. Wala man lang bang magco-congratulate sa akin na nakalabas ako ng buhay ngayon sa kwarto ni Ate?

Hay! Kahit papaano ang sarap sa feeling.

Bigla akong napaupo ng maayos nang mahagip kang dumaan dito. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi mo ako napansin. Baka kasi isipin mo na mahalaga pa rin ang lugar na ito kahit... creepy pakinggan.

Graveyard.

Naaalala mo pa kaya ang mga moments natin dito? Naiinis ako sa sarili ko, kasi sa tuwing tumatakas ako sa inyo ni Ate dito pa rin ang bagsak ko.

Wala akong paki kung puro lapida ang nakikita ko.

Dito lang ang lugar na sa tingin ko makakahinga ako ng maayos... at ang lugar kung saan patago tayong nagkikita noon.

Leche! Ang korni pakinggan... mali! Ang pangit pakinggan, kasi sa dami ng lugar na pwede natin gawing meet up place ay dito pa.

Sabi mo pa noon... saksi ang mga lapida sa pagmamahalan natin.

Bwesit!

Kinikilig ako sa hindi malamang dahilan.

Bwesit talaga. Hindi ko pa rin talaga kaya magmove on. Samantalang ikaw, dinadaanan mo na lang ang lugar na 'to.

Sabagay, wala na lang talaga sayo.

Inaamin kong namimiss ko ang mga oras na patago tayong nagkikita rito. Mala korean drama ano? Hindi pa kasi ako pwede magboyfriend no'n pero go pa rin ako.

Tapos si Ate... si Ate na naging kaibigan mo at naging daan para maitago natin sa parents namin ang relasyon natin.

Si Ate na pinaniniwalaan nila, at ako na laging kulang pa rin ang nagagawa.

Bwesit na yan! Imbes na makalanghap ako ng sariwang hangin dito, bitter memories ang pumapasok sa isip ko.

What am I gonna do?

You're still the first person I want to tell everything to...

Everything.

Even if it's all about you. I groaned. I really hate missing you because it frustrates the hell out of me.

I Wish It Was Easy  (Dandelion Series #2)Where stories live. Discover now