Kabanata VIII

7 1 0
                                    

Lumipas ang ilang oras, napagdesisyonan kong umalis muna. Pakiramdam ko, kanina pa ako nagpipigil ng hininga. Ngayon lang naging normal ang paghinga ko, pagkalabas ko.



Nakakatawa! Hindi ko pa alam kanina kung paano ako makakaalis sa kwarto na hindi gumagawa ng ingay.



Nakakahiya naman kasi sa inyo. Pero, okay na rin. Ngayon, malaya na kayo ni Ate makapag-usap...na wala ako.



Siguro, pareho tayo ng nararamdaman ngayon. 'yong nakahinga ng maluwag.



Ang sarap magpasampal ulit. Baka sa ikalawang pagkakataon, magising na talaga ako.



Wala sa sariling umupo ako sa sementong upuan sa labas ng hospital. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang mga oras na magkasama tayo. 'Yong mga oras na sabay tayong pumapasok sa loob. 'Yong mga oras na hatid sundo ako sa school.



Pero...lahat ng 'yon unti unting lumalabo sa isip ko. Parang walang nangyari. Parang hindi ko magawang matuwa sa mga memories natin. Hindi gaya no'n, na kahit naiwan akong mag-isa, maalala lang kita napapangiti na 'ko.



Siguro dahil, napapagod na ako isipin pa ang mga 'yon. Pagod na rin siguro ang utak ko, kaya unti unti niyang inaalis ang mga alaala natin.



Sumusuko na ang sistema ko sayo. Matutuwa na ba ako? Matutuwa na ba ako dahil malapit na kitang makalimutan?



Mapait akong ngumiti at tumingala sa langit. Pero baka imposible rin na makalimutan kita agad. Nandito pa ako e.



Hanggat hindi ako umaalis sa hospital na 'to, maaalala ko pa rin ang lahat tungkol sa'tin. Kahit na ayaw ng utak ko, kahit gawin niya pang malabo lahat, hanggat pareho tayo ng lupang tinatapakan, pareho tayo ng sinisilongan at hanggat pareho tayong konektado kay Ate... mahihirapan pa akong tuluyan kalimutan ka. Kasi, kahit ultimong sakit na nararamdaman ko, ikaw ang dahilan.



Tangina!



Matutuwa lang ako 'pag nawala na 'tong sakit na nararamdaman ko.



Marahas kong pinunasan ang luhang dumadaloy sa mga mata ko. Kita mo na? Ang lakas pa rin ng epekto mo.



Ano kaya ang pwede kong gawin para mawala ang sakit? Sana tulungan mo ako. Sana kahit kunting explanation lang kung bakit nandito ka ng walang pasabi. Kahit ilang sagot lang sa mga tanong ko, mapanatag lang ng kunti ang loob ko.



Ilang malalim na paghinga pa ang ginawa ko bago tumayo.



"Masaya ka na ba?" napasinghap ako nang makita kang nakatayo sa harap ko. Naninikip ang dibdib ko sa paraan ng pagtitig mo at sa paraan ng pagsasalita mo. Hindi ko man ramdam ang cold treatment mo pero pakiramdam ko mas masakit 'tong pinaparamdam mo.



"Andito na ako. Bumalik na ako. Masaya ka na ba?" bakas sa mukha mo ang pagkainis. Bakit gano'n? Hindi kita maintindihan.



"Wala ka bang sasabihin? Ah! Hindi na pala kita dapat tinatanong. Ito naman ang gusto mo e...at ginusto ko na rin." pigil ang hininga ko nang marinig ang huling mga salitang sinabi mo.



I stared blankly at you even though your presence sent shivers down my spine. Fuck!



"Baka hinahanap ka ni Ate." sabi ko pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha mo. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin sayo at kung paano kita pakikiramdaman.



Nagugulohan ako... at nasasaktan.



"Pinapahanap ka niya sa'kin. Bakit ka ganyan? Pinag-aalala mo ang Ate mo." napangiwi ako sa sinabi mo. Dapat matuwa at maging masaya talaga ako kasi...ito nga ang ginusto ko.



"Papasok na ako." mabilis kitang tinalikuran dahil hindi ko na kayang tignan ka.


Fuck! Fuck! Fuck! The way you look at me, and your damn presence still comforts me.


"Bumalik ako para sa Ate mo."



Tama! Ganyan nga Oliver. Ipaalala mo pa sa'kin kung bakit ka talaga nandito.

I Wish It Was Easy  (Dandelion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon