Chapter 15: Booth's

Magsimula sa umpisa
                                    

" haha .!! XD narinig niyo yon?! " siya sabay tawa ng malakas

" OHEMGEE!!  di ba kakapasok pa lang nila? ang lakas ng tili ahh haha..." Renie sabay tawa ng mahina

" wala pa nga sila sa kalagitnaan pero natakot na sila haha... " Mac isa sa kasama nila sa pagbabantay sa entrance.

Narinig naman ng mga dumadaan ang tili ng tatlo kaya nagkaroon ang iba ng interest dito. Merong isang babaeng ka school mate nila ang lumapit sa kanila at kasama nito ang kanyang boyfriend. Halata naman sa suot ng dalawa na mga third year college na sila.

" pabili ng ticket " sabi nong babae habang hawak ang kamay ng bf niya

" here" sabi ni Renie sabay bigay ng ticket

" Enjoy! " sabay na sabi ni Mac at Emicka sa kanila kaya pumasok na ang mga ito. Naka costume din naman si Emicka kasama ang mga kasama niya na nagbabantay sa entrance. Naka costume din naman yung dalawa pa nilang kaklase na nasa exit para mafeel din nila ang haunted house booth nila.

Samantalang sa tatlong magkakaibigan....

Sina Carrie... Rick... Gray....

Nagkahiwa hiwalay sila dahil sa sobrang takot at hindi namalayan na hindi na sila magkakasama sa sobrang gulat nila doon.

Carrie POV

Hello!  kailangan ko pa bang magpakilala?  Extra lang naman ako dito basta Carrie yung name ko kaya yon na yon. Napatakbo ako dahil sa sobrang gulat don. I didn't expect na ganito pala dito. Nabalitaan kasi namin na magkakaibigan na may gaganapin na big event dito sa prestigious ( tama ba? ) school na ito at nagkataon na wala naman kaming gagawin kaya nagkayayaan kami na pumunta dito dahil sa tingin namin ay maganda ang event. Hindi naman kami dito nag- aaral so obviously taga labas kami. Hindi naman kasi kami mayaman saka may scholarship nga pero di naman ako ganon katalino.

I didn't expect na ganitong sobrang nakakatakot na dumating sa point na baka magkaroon ka ng heart attack sa sobrang gulat mo. Well, ito yung first booth na pinasukan namin sa lahat ng mga booth kasi trip lang namin. Ang akala ko or should I say namin, na common haunted house lang ito katulad ng ibang mga haunted house pa na napasukan namin pero I was wrong! Saan ka nakakita ng mukhang bangkay na tao na biglay babagsak mula sa taas ng nakabaliktad tapos biglang didilat ito at ngingiti ng nakakaloko.

Teka lang!

Huminto muna ako saka tiningnan ang paligid ko na sobrang dilim.

" Rick!?!  "

" Gray!?! "

pagtawag ko sa pangalan nila pero walang sumagot sakin kundi ang katahimikan. OH GREAT! nagkahiwalay kami, kanina lang magkakahawak kamay kami habang pumapasok ngayon wala na.

" kkkyyyyaaahhh!!!!! " out of my lungs na tili ko ng may gumulong sa paanan ko na isang tao at puro dugo ito na animoy kinain ng halimaw ang loob ng tiyan nito.

" haha .. grabe miss makatili " salita nitong lalaking gumulong sa may paanan ko at tumayo saka bumalik sa pwesto. Nakakainis! pinagtawanan pa ako! hmp! kung sila din kaya gulatin ko dyan ng ganon. Humarap ako para ipagpatuloy yung paglalakad ko pero

" ahhh!!!  p*t**g **a!!!  Shomba!!!  " malakas na sigaw ko at napamura pa talaga ako dahil hindi pa nga ako nakaka get over don sa gumulong na bangkay na parang kinain ang tiyan ng halimaw ay may mananakot ulit sakin at pagkaharap ko pa! Take note yung mukha niya ang lapit sakin! Kaya kitang kita ko yung make up niya na parang totoo at katulad na katulad ng kay shomba!

" ouch! my ears! " sabi niya naman kainis na babaeng ito!

" Gusto mo ba akong atakihin sa puso?!! " bulyaw ko don sa babaeng kamukha ni shomba ang make up niya

" hihi... sorry! haunted naman ito so legal at prohibited ang manggulat or manakot .." sabi niya saka ngumiti ng alanganin ... geez katakot!

" fine! paano pala ako makaka daan diyan eh dead end na yan? " tanong ko na lang kasi naman dapat may madaanan ako kung hindi kailangan ko pang bumalik para humanap ng tamang daan na walang dead end

" Simple lang! you need to answer my question para makadaan ka " sagot niya naman kaya napaarko pataas ang kilay ko

" what do you mean na I need to answer your question para makadaan? " tanong ko uli argg... ang daming ek ek akala ko pa naman parang normal haunted house lang din siya na ikaw ang maghahanap ng daan pero may mga manggugulat sayo pero hindi mo dapat ito saktan.

" we added a twist about our booth and kapag nasa dead end ka na daan you need to answer a question or solve a puzzle .. easy right? " sabi niya naman . What?  Cool may twist pa silang dinagdag pero mukhang mahihirapan ako dahil mahina ako sa mga ganyan.

" what it is? " tanong ko

" Choose one, Puzzle or question ? " tanong niya kaya mas pinili ko ang question kesa puzzle na pampahirap.

" listen very carefully and lend me your ears. Here it is, May isang lalaking natagpuan ang kanyang bangkay sa kanyang silid. Hindi pa matukoy ng pulis kung sino ang pumatay pero may nakita silang dalawang ebidensya the first one is  calendarand the second are numbers na sinulat sa pader gamit ang kanyang dugo the numbers 7,8,9,10,11 . Now the question is who is the killer ? " sabi nito

Shet ... hindi naman ako detective ehh.. Obvious naman na crime scene yon. Mahina talaga ako sa pag aanalyse ng mga ganto ..

Give me a minute at magiisip muna ako... kailangan kong magseryoso at paganahin ang utak ko.

calendar...

mga numbers na

7 8 9 10 11

Argghh... sumasakit ulo ko dito ehh! Help me guys!

Darn! @-@

-------------------------------------

Done! 

Chapter 15 : Booth's

madali lang ito at sure ako na masasagutan niyo agad!

^______^

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon