About "Crush at First Sight"

70.2K 869 73
                                    

Take time to read this, Lovies! ❤️

Maraming nagtatanong, napapa-isip, napapa-comment, naku-curious, kung bakit ang bilis ko raw natapos ang story kong "Crush at First Sight" noon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Maraming nagtatanong, napapa-isip, napapa-comment, naku-curious, kung bakit ang bilis ko raw natapos ang story kong "Crush at First Sight" noon.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam na gan'yan ko pala kabilis naisulat ang kwento ng TYMARA. 😂 Imagine, 1 month & 5 days ko lang tinapos ang 62 Chapters ng CAFS noon. 😆 Samantalang ngayon ay inaabot na nang kalahating taon o higit pa ang isang story bago ko siya matapos. 😅😅😅

Pero seriously, and to answer all your questions. Nagsimula kasi ako sa drafts nang Wattpad with 10 Chapters na agad. Walang alam sa proper way of writing, walang workshop or guidelines kung paano ang tamang pagsusulat.

~Hindi ko alam kung paano isulat ang mga tamang salita gaya nang, "Tingnan" dahil noon akala ko "Tignan" lang ang tamang spelling no'n.

~Hindi ko alam na sa bawat letrang aalisin ay dapat gagamitan mo ito nang (') kudlit o apostrope.

~Noon... Bukod sa tuldok, question mark, at exclamation point, ay hindi ko na alam ang tamang paggamit ng mga sumusunod:

:Tuldok o period (.)
:Tandang Pananong o question mark (?)
:Tandang Padamdam o exclamation point (!)
:Kuwit o comma (,)
:Kudlit o apostrophe (')
:Gitling o hyphen (-)
:Tutuldok o colon (:)
:Tuldok-kuwit o semicolon (;)
:Panipi o quotation mark ("")
:Panaklong o parenthesis ( )
:Tutuldok-tutuldok o elipsis (...)

~Hindi ko alam ang pagkaka-iba nang (NANG at NG) as in, until now may mga times na nalilito pa rin akong gamitin 'yan.

~Hindi ko rin alam ang tamang paggamit ng mga sumusunod:

:Daw at Raw
:Doon at Roon

-Kapag nagtatapos sa vowels o patinig ang isang salita. Kailangan mo itong gamitan ng "R" gaya nang, Riyan, Roon, at Rito.

-Kapag nagtatapos naman sa consonant o katinig ang isang salita. Kailangan mo naman itong gamitan ng "D" Diyan, Doon at Dito.

Sa sobrang kawalan ko nang kaalaman pagdating sa tamang pagsusulat, hindi ko alam na kailangan pala nang narration kapag nagsusulat ka nang nobela. Iyong tipong ilalarawan mo lahat nang bagay para ma-imagine nang mambabasa ang gusto mong mai-pahiwatig.

Puro ako Dialogue noon, as in usapan lang walang narration.

At kaya ko naman mabilis natapos ang CAFS, dahil bawat chapter ko noon ay hindi umaabot nang 1,000 word counts. Puro 500 and below lang, at kapag umabot ako nang 1k wc naku po! Feeling matalino na ako no'n. 😂😂😂

Kaya naman kahit balikan natin ang kwento ng "CRUSH AT FIRST SIGHT" ngayon, ay sobrang iikli pa rin nang mga naunang chapters doon kaya po siya umabot nang 62 Chapters. (with Epilogue)

Kung nabasa niyo noon ang unedited version ng CAFS, marahil ay sumakit din ang mga mata niyo, dahil napaka-jejemon ko pa noon basta sulat lang ng scenes na hindi pinag-iisipan.

Pero noon pa man ay alam ko na sa sarili ko kung anong patutunguan at magiging takbo ng istorya kong iyon, kaya siguro ganoon kabilis ko siya natapos.

Yung tipong boring ka at kailangan mong maghanap nang gagawin. Dahil feeling inspired ako noon sa lahat ng nababasa kong stories, mapa-textserye man o novels. Viola! Nakabuo ako nang story na clichè pero may puso. 😁😁😁

So, sa mga nagtataka at nagtataas ng kilay d'yan. Heto na po ang side story kung paano nagawa ang "CRUSH AT FIRST SIGHT" balakayodyan! 😂😂😂

PS: Kailan ko lang pinost ang edited/revised version ng CAFS noong nagpasa lang ako nang manuscript, kaya medyo okay-okay na rin siyang basahin kahit papaano. Haha! 😆😆😆


Iyon lamang at Maraming Salamat sa pagbabasa. ❤️


~Everjoy_Condes 💋

Crush at First Sight ✔️ (Published) Where stories live. Discover now