~My Girl, My Love - 13~

2.2K 26 3
                                    

Ilang Months na rin pala ang lumipas simula nung pumasok ako sa school nato.. At lalo akong nahuhulog kay Ella. Pero kelangan ko pa ring makasiguro baka kasi Infatuation lang to. Ayaw ko ng mangyari ung katulad nung nangyari samin ni Zharm na bigla na lang nawala ung feelings ko sa kanya... Gusto ko kung sasagutin ako ni Ella pang habangbuhay na ung pagmamahal ko sa kanya...

Kasalukuyang nag didiscuss si Ma'am sa Physics... At gusto ko ng matulog.. nakakaantok naman kasi ung tinuturo niya ehh buti na lang pala katabi ko ung Top 1 namin.. Kay Ella nalang ako magpapaturo sa kanya... Mas naiintindihan ko pa siya kesa kay Ma'am..

After many many years natpos na ring mag discuss si Ma'am at dahil Last Subject namin siya Uwian na.... Inaayos ko na ung gamit ko at ganun din si Ella ng biglang nahulog niya ung Libro niya.. Kukunin ko na sana ung Libro niya kaso parehas kaming nauntog... Parehas kasi naming kukunin ung Libro ehh..

"S-sorry E-ella..." sabi ko...

"Sorry din Pat... Nadamay ka pa sa pagiging Clumsy ko..."

"Ano ka ba hindi ka Clumsy.... Accident ung nangyari..." sabi ko at kinuha ko na ung Libro niya at ibinigay sa kanya..

"Thank You :)" sabi ni Ella at binigyan niya ako ng kanyang Sweet Smile..

"Wala yun... Ella hatid na kita..." sabi ko sa kanya..

"Ahh Pat.. wag na lang mag istay pa ko dito ehh"

"Huh? Bakit anong gagawin mo..??"

"Pupunta muna ako sa Library.. mag aadvance.." sabi ni Ella sakin..

"Ang sipag mo talagang mag aral Ella bilib nako sayo!!"

"Syempre.. kelangan ehh and I want to make may Parents proud.." pagkasabi nun ni Ella... gusto kong umiyak.... Isa talaga siyang mapag mahal na anak..

"Ang bait mo talaga.... Ella, available ka ba tomorrow??" tanong ko..

"Yes. After ng Practice sa Choir.. Bakit??" Member kasi si Ella sa Choir at Friday ngayon.. Tuwing sabado kasi ung Practice nila ehh..

"Labas naman tayo ohh.. Diba hanggang 4 lang naman ung Practice niyo..?? Punta naman tayo sa Mall ohh.." sabi ko sa kanya..

"Ahh ehh wala kasi akong pera ehhh..." Ay oo nga pla..

"Sige treat na lang kita basta pumayag ka lang please...."

"Sure :)" sabi ni Ella.. Yes pumayag siya..

"Okay. I'll just pick you up ahh..." sabi ko at umalis nako... Ang saya... makakasaman ko si Ella bukas...

"Pare okay ka lang??" tanong sakin ni Diego... Grabe sa sobrang saya ko hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Diego..

"Huh?? Nandyan ka pala Bro..!!" sabi ko at nakipag apir sa kanya..

"Ayyy wala pa ako dito.. Picture ko lang toh.. Ba't ba ang saya saya mo.. kanina pa kaya namin ikaw kinakausap...." sabi ni Diego..

"Oo nga Pat.. mag kwento ka nga?? Love life yan no.. Bilis kwento na..." sabi ni Julia... pagdating talaga sa Love...

"Ahh wala...." 

"Anong wala... abot hanggang tenga nga yang ngiti mo ohh.." sabi naman ni Julia sakin..

"Sige na bro mag kwento ka na..." sabi naman ni Diego..

My Girl, My Love <3 - Fin. [Kathniel Short Story]Where stories live. Discover now