Chapter 50: Bagong Yugto

Magsimula sa umpisa
                                    

"I'm sorry po Naynay and Yaya Mia." malambing na wika ni Reese bago yumuko.

"Haaayyy... Ito talagang baby ko sobrang kulit! Hmmm..." usal ni Amara sabay yakap ng mahigpit kay Reese.

"Naynay I can't breathe po." maarteng sabi ni Reese saka pinisil ang ilong ng kanyang Ina.

Sa pagpisil ni Reese sa kanyang ilong ay naalala naman ni Amara ang gawain ni Tyron noon. Kuhang-kuha ng kanyang anak ang gesture ni Tyron na mahilig ding mamisil ng ilong.

"Naynay, I'm starving po." maarteng sambit ng batang si Reese.

"Okay, saan niyo gusto?"

"Naynay I want cake, doon na lang po tayo sa shop natin kumain." suhestyon ng batang si Reese.

"Are you sure anak? Cake lang kakainin mo?"

"Yes po Naynay mas masarap po 'yung cakes natin doon saka 'yung milkshake po." nakangiting turan naman ng bata.

"Alright! Mauna na kayo sa parking lot may dadaanan lang ako saglit. Hintayin n'yo na ako sa kotse, ohh Mia ito ang susi," saka inabot ito kay Mia. "Maglock kayo sa loob ng sasakyan okay?" mahabang litanya ni Amara rito.

"Sige po ate una na po kami, tara Reese punta na tayo sa sasakyan." anyaya ni Mia sa kanyang alagang si Reese.

Kumaway na lang si Amara sa kanyang anak habang nakangiti. Tinungo niya naman agad ang restaurant at umorder ng dalawang beef wellington at isang chicken pesto pasta na siyang paborito ni Reese.

Habang naghihintay ng kanyang order ay umupo muna si Amara sa isang gilid sa restaurant at busy sa pagkalikot ng kanyang cellphone.

"Amara is that you?" bati ng babae kaya't mabilis napaangat ng ulo rito si Amara.

"Yuna... Hi!" sabay beso sa dating kaklase. "Please, have a seat."

"Grabe hindi kita nakilala, gumanda ka lalo girl" masayang usal ni Yuna.

"Thank you, you looked good too."

"Are you married?" mapang-usisa g turan nito kay Amara.

"No! No, I'm not but I have a daughter." mabilis na sagot ni Amara rito saka ngumiti.

"Nice, well Amara may reunion tayo next week baka gusto mong pumunta. Nakausap ko na sila Jefra pupunta raw sila, you should come too."

"I'm not sure Yuna, medyo busy din kasi ako Bake Shop ko, but I will let you know if makakapunta ako sa reunion, okay?" tanging sagot niya rito.

"Wow! Anong name ng Shop mo?"

"Reese's Pastelerya, located at BGC."

"Ikaw ang owner no'n? Wow, that's wow Amara." hindi makapaniwalang saas ni Yuna.

"Love ko kasi ang baking, kaya ako nagpatayo ng Bake Shop."

"That's good to hear, so pa'no asahan kita sa reunion girl ha? Sige na I have to go na rin, I will message you sa facegram for the info ng reunion, bye girl." sabay beso nito sa dalaga.

"Okay Yuna, thanks!" pamamaalam ni Amara habang tinatanaw ang papalabas na si Yuna.

Naghintay pa ng konti ang dalaga bago naready ang kanyang take out.

Lumabas nang restaurant si Amara at lumiko sa kanan paparking lot. Na s'ya namang dating ni Tyron galing kaliwa.

Napatingin ang binata sa babaeng papalayo at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"A-amara..." kinakabahang usal ni Tyron.

Akmang hahabulin n'ya ito nang tawagin siya ng kanyang kapatid na si Becca, "Kuya! Nandyan ka na pala, kanina pa ako naghihintay dito!" maarteng maktol nito sa binata.

Tinanaw na lang ni Tyron ang babaeng papalabas na ng mall at nagkibit balikat s'yang pumasok sa restaurant.


*****

Nagustuhan niyo ba ang Bagong Yugto ng buhay nila Tyron at Amara, iplus mo pa si baby Reese. See you next chapter mga labs ! ❤️ Babush!

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon