"Ay! Hindi po ako..." hindi natapos ni Mia ang sasabihin nang biglang tumunog ang kanyang telepono.

Dali-dali n'ya itong kinuha sa kanyang bulsa saka sinagot ang tawag.

"Hello Ate."

"Nahanap mo na ba si Reese?" nag-aalalang bungad nito sa kabilang linya.

"Opo Ate, sige po babalik na po kami d'yan." mabulis ng tugon ni Mia bago ibinaba ang telepono.

"Ahhh sige po sir una na po kame, hinahanap na po kame ng kasama namin." magalang na bati ni Mia saka yumukod.

"Okay no problem," sabay lumuhod si Tyron para magpantay sila ni Reese. "Baby girl take care always okay? Don't leave your Naynay's side para hindi ka mawala ulit okay?" sabay pisil sa ilong ni Reese.

"Okay po, thank you for helping me." sabay halik sa pisngi ng binata.

Napangiti naman si Tyron sa paghalik na iyon ni Reese.

"Babye po Tito Tyron pogi!" sigaw ni Reese palayo kasama si Mia.

Napailing na lang si Tyron sa kasweet-an ng bata, nang bigla n'yang naalala si Amara sa batang ito. Malambing din ito at makulit, medyo hawig din ang dalawa kaya nanumbalik sa isipan ni Tyron ang mga alaala ni Amara.

"Haaaaay... Hanggang ngayon hindi ka pa rin maalis-alis sa isip ko Amara." usal ng binata sa kanyang sarili.

Nasa ganoong pag-iisip ang binata nang biglang tumunoh ang kanyang cellphone.

"Hello..." sagot n'ya sa telepono.

"Where are you na ba? Kanina pa ko naghihintay dito sa restaurant, talagang nauna pa ko sayo dumating." may himig na tampong sambit ng babae sa kabilang linya.

"Hayst! I'm on my way baby girl, nandito na rin naman ako sa mall. Sige na I have to end this, bye." at saka ibinaba ni Tyron ang tawag.

Sa kabilang dako naman:

"Ate Amara pasensya na po." yukong wika ni Mia nang bumungad ito kay Amara.

"Salamat dumating na kayo." alalang sambit nito sa kanyang anak.

"Eh Ate, si Reese po kasi ang sabi magbabanyo lang bigla po akong tinakbuhan."

"Reese what did I told you about leaving Mia's side huh?" maawtoridad na anas ni Amara sa kanyang anak.

"Naynay I told Yaya Mia if we can go to the toys section, she didn't listen to me cause she kept on texting po." katwiran ng batang si Reese.

"Kahit na anak, you should obey Mia cause she's an adult. She knew what to do kaya dapat nakikinig ka sa kanya."

"Pasensya na po Ate, kasalanan ko po." hinging tawad ni Mia sa dalaga.

"It's okay Mia, but next time please do extra careful when we're out lalo na sa mga malls, alam mo naman malikot 'tong si Reese." pangaral ni Amara rito.

"Pasensya na po talaga Ate."

"It's fine Mia, how about you little girl? What can you say about your wrong-doing?" ani Amara nang balingan nito ang kanyang Anak.

Crush at First Sight ✔️ (Published) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें