" Oh I thought mag be- breakfast ka?" ani Slater na kakagaling lamang sa paliligo at naka board shorts na kulay itim na pinaresan naman nito ng white plain shirt, napaka presko nitong tingnan. 

" Mamaya na lang, tulog pa sila eh." tukoy nya sa mga kasama. Para syang nainggit dito at napag pasyahang maligo na muna. Tinungo nya ang kanyang trolly at kumuha ng damit doon, isang floral na kulay orange na halter top long dress ang nakuha nya at under garments na rin.

" Sabay na tayo mag breakfast, gusto mo?." tanong ni Slater sa kanya, tila pinag isipan muna nya bago sya sumagot dito.

" Hmm.. okay wait, ligo lang ako." aniya at tinalikuran na ito at nagtungo na sa banyo. Pumayag lamang sya makisalo rito sa breakfast para may kasama sya, ayaw nya kasing kumakain mag isa at nawawalan sya ng gana. 

" Segi labas lang ako, doon na lamang ako mag aantay." wika naman nito at lumabas na nga ng Cabin. Inabot ng halos 30 minutes ang kanyang paliligo, nagbihis at nag ayos na sya ng sarili sa loob ng banyo. Sinuklay nya lamang ang mahaba nyang buhok at hinayaan itong nakalugay. Paag labas nya ng Cabin ay naabutan nya ang kanyang mga kaibigan kasama si Slater.

" Tara, breakfast na tayo! Buti naman at gising na kayo." aniyang bungad sa mga kaibigan.

" Ang tagal mong maligo ha." ana man ni Collete.

" Eh kasi.. ganun naman talaga ako maligo." aniyang pagrarason sa mga ito.

" Wala ka sa bahay nyo." pambabara naman ni Slater, napaka seryoso nito at mukhang nainip.

" Sorry ha..!" sarcastic na sabi nya rito at humalukipkip.

" Ayan nanaman kayong dalawa, oh! Ganda ng araw... oh pero kayo nag aaway pa rin. Tara na nga!.." si Georgy at nagpatiuna na habang hila hila si Collete at iniwan sila.

" Tara na, o baka naman tatayo ka pa diyan ng ilang minuto uli?." pang aasar ni Slater sinimangutan nya lang ito at nagpatiuna na. Iniwan nya ito ng walang lingon likod. "Kita mo to, sya na ang inintay sya pa may ganang mang iwan." rinig nya pag sabi ni Slater pero di na nya nilingon ito, sumunod na sya sa mga kaibigan na ngayon ay nakapila na para umorder ng pagkain. Sumunod naman ang binata sa kanila. 

" Ano sayo?.." tanong nya kay Slater, nagulat naman itong napatingin sa kanya.

" Hmm.. coffee with cream, tapsilog and pancakes." sagot naman nito sa kanya. 

" Okay, hanap ka na lang ng upuan for us." aniya rito at sya na ang nag order para dito samantalang nauna na nag order ang dalawa nilang kasama, samantalang si Slater ay naghanap naman ng mauupuan. Ilang saglit pa ay nakuha na nya ang mga order nila at nagtungo kung saan nakakita si Slater ng kanilang pwesto. Inasikaso nya ito, binigay nya lahat ng orders nito hindi nya namalayan ang mga ginagawa basta ginawa nya lang iyon pinagsilbihan niya ito kahit di naman kelangan. Napapatingin na lamang ang tatlo sa kanya.

" What?.." takang tanong nya sa mga ito.

" Ahh.. nothing!.." sagot naman ni Georgy at nagbungisngisan ang mga ito na parang kinikilig. Nagtataka naman sya sa mga ito, she did nothing wrong for them to giggle like that. Pinagkibit balikat na lamang nya iyon habang si Slater ay nakasunod lamang sa bawat kilos nya. " Oh kain ka na.." aniya rito saka lamang ito tuminag, at walang imik na kumain na ito. Habang sya ay pancakes at hot chocolate lamang ang in-order.

" Yan lang kakainin mo?." tanong sa kanya ni Slater, tumango lamang sya. " Malayo pa ang biyahe, kumain ka ng marami." dagdag pa nito na may concern sa tono.

" Babawi na lang ako sa lunch." aniya at inumpisahan na ang pagkain. 

Napapangiti ng lihim si Slater sa ginawi ni Tin kani kanina lamang. Bago sa kanya ang mga iyon, Jessica was never like that. Lagi na lamang sya ang nag aalaga rito, never syang pinagsilbihan nito. At nakakapag taka pa iyon dahil madalas ay mag kaaway sila ni Tin. " Kinikilig ba ang mga lalaki?.. ang weird, para akong teenager." aniyang kausap sa sarili. Pinag patuloy nya na ang pagkain at nagkunwaring wala lang sa kanya. Pagkatapos kumain ay nag aya ang mga ito na mag ikot ikot sa barko. Sinamahan naman nya ang mga ito pampalipas oras na din.

" Georgy di ba dala mo camera mo?.." tanong ni Collete napalingon naman sila rito.

" Ay oo nga nuh, teka picture picture tayo.. kaso nas Cabin, halika samahan mo muna ko Collete, diyan muna kayo ha huwag kayong mag away." bilin naman ng mga ito sa kanila, sabay lamang silang tumango at naiwan na nga sila doon. Nasa may railing sila ng barko at pinapanood ang alon ng dagat. Hanggang makabalik ang dalawa ay wala silang imik.

" Buti hindi kayo naging bato diyan!.." pang gugulat ni Georgy sa kanila mula sa likuran. Sabay silang napalingon rito. Sila agad ang kinunan ng litrato nito. " Picture perfect! Bagay oh.." ani Georgy habang ngiting ngiti sa resulta ng litrato, polaroid instant digi- camera ang gamit nito. Inagaw nya ang litrato rito.

" Patingin.." aniya at kinuha ang litrato rito.

" Uyy titingnan kung bagay sila.." panunudyo pa nito, napatingin tuloy sya kay Slater kung ano reaction nito. Blanko ang reaction nito, nakatingin lamang ito sa litrato at napatingin sa kanya saka lamang sya nag iwas ng tingin dito. 

" Bakit black and white?.. " aniyang tanong maiba lang ang usapan.

" Na i-set ko sa black and white eh.. maganda naman ah snap shot, very candid." anito. " Ilalagay ko sa Collection ko, malapit na exhibit ko at isasama ko to." dagdag pa nito hindi na nya ito kinontra pa.

" Mag picture taking na kayo, ako na kukuha. Pano ba yan?.." si Slater at pag presenta nito.

" Ay segi gusto namin yan, kunan mo kami." si Georgy at ituro kay Slater kung pano gamitin ang camera. 

" Bawal ang tatlo, ano ka ba." pag sita ni Collete sa huli. 

" Ah bawal ba, eh halika na dito Slater kuha na lang tayo ng tao na mag take ng pictures natin." ani Georgy at kinuha kay Slater ang camera at nakiusap sa mga dumaraan na kuhanan sila ng pictures, at saka nito hinila si Slater patabi sa kanya. Binuhos nila ang natitira pang oras sa pag kwe-kwentuhan at pagkukulitan kahit papano ay naging okay ang pakikitungo nila ni Slater sa isa't isa, nakikisalo ito sa usapan nila may mga instances pa nga na natitigilan sila pareho at tatawa na lamang. Hanggang sa dumaong ang barko na kinalululanan nila sa daungan nito. Kinuha nya ang mga gamit at lalabas na sana ng Cabin ng mag presenta ito na ito na ang magbi-bitbit ng mga iyon.

" Ako na.." si Slater habang kinukuha nito ang mga gamit nyang hawak. Hindi naman sya tumanggi at binigay na ang mga iyon dito.

" Salamat." binigyan nya ito ng tipid na ngiti at hinayaan na lamang ito. Nauna na ito lumabas sa kanya. Naka salubong nila ang mga kasama na handa na rin bumaba ng barko.

" Uyy ang sweet.." si Georgy na tinukso tukso pa sila. 

" Heh! magtigil ka." pabulong na sabi nya rito at kinurot ito sa tagiliran, umangal naman ito. Hanggang sa ianunsyo na, na pwede na silang bumaba. Di naman nag lipas saglit ay nakababa na ang lahat ng pasahero, sinalubong sila ng driver ng mga ito na ipinadala ng mga Tita Lucy nya upang sunduin sila. Dalawa ang bahay ng mga ito sa Cebu ang isa ay Ancestral House na minana pa ng mga magulang nito sa Lolo at Lola ni Slater at ang isa ay kung saan sila tutungo ngayon sa private resort ng mga ito na malapit sa tabi ng dagat. Medyo may kalayuan ang lugar na pupuntahan nila malayo sa City proper iyon.. mga isang oras din mula sa pier hanggang sa kinaroroonan ng lugar. 

" Magandang gabi bossing." bati ng driver na sumalubong sa kanila.

" Magandang gabi din naman po Manong." ganting bati ni Slater. " Ah sila nga po pala mga kasama ko, si Tin po anak ni Tita Anna yung bisita na naroon sa bahay ngayon." paliwanag ni Slater.

" Ay ka gwapa man kaayo Bossing sa imong mga bisita. Magandang gabi po Senyorita Tin." magiliw na bati sa kanya ng tauhan nina Slater.

" Tin na lang po, ito naman po si Georgy at Collete kaibigan ko." mabining bati niya rito. Gumanti naman ang mga ito ng bati sa isa't isa.

" Oh siya tara na po Bossing, Senyorita.. at ng makapag pahinga na po kayo. Inaantay na rin po kayo kanina pa nina Senyora." anang driver. Sumakay sila sa isang Starex van na kulay puti na naroon. Nang maikarga ang mga dala at makasakay sila ay ipinaharurot na nito ang sasakyan.

SOMEONE LIKE YOUOnde as histórias ganham vida. Descobre agora