Chapter 45: Good and Bad

94.4K 1.5K 57
                                    

Chapter 45

Isang araw gumising si Amara na masama ang pakiramdam. Aktong lalabas na siya ng kwarto nang biglang bumaliktad ang kanyang sikmura.

Mabilis siyang tumakbo at sumuka sa banyo.

Nang mahimasmasan naghilamos ang dalaga at hinang-hinang umupo sa kama.

"Ano ba 'to, ilang araw nang masama ang pakiramdam ko." anito sa hangin.

Dumiretso siya sa kusina at nagluto ng agahan. Habang kumakain muling sumama ang kanyang sikmura, kaya't dali-dali siyang tumakbo sa lababo para roon sumuka.

"Crap! Ano ba 'tong nararamdaman ko, parang may hinahanap ang aking sikmura na hindi ko malaman kung ano." sambit ng dalaga sa kanyang sarili.

Naghanap siya ng makakain sa fridge at nagningning ang kanyang mga mata ng makita ang pakay.

"Yes!" masiglang turan nito saka mabilis na kinuha ito sa fridge.

Dali-dali s'yang umupo sa kitchen counter at nilantakan ang saging, ngunit hindi natuwa ang dalaga habang kinakain niya ito.

"Parang may kulang." maktol ni Amara.

Nang mapadako ang kanyang paningin sa mga condiments, kinuha n'ya agad ang isang bagay at isinawsaw ang saging doon.

"Hmmm... Ang sarap pala isawsaw ng saging sa ketchup. Heaven!" masiglang saad ni Amara at mabilis naubos ang dalawang saging.

Habang kumakain ay bigla s'yang napatigil nang may naalala.

"Shoot!" sabi niya at nagmadaling kalikutin ang kalendaryo sa kanyang telepono.

"One month na 'kong delayed, 'di kaya..." biglang napatuptop ng bibig ang dalaga at napatingin sa weird na kinakain niya.

"Sh*t!"

Nagmadali s'yang naligo at nagbihis para pumunta sa clinic. Habang nagda-drive biglang tumawag sa kanya si Tyron.

"Hello babe." bungad niya rito.

"Babe where are you, bakit 'di ka pumasok?" tanong nito dahil hindi siya nasundo ng binata dahil may nilakad ito.

"H-huh? Ano kasi babe..." hindi niya alam kung tama bang sabihin niya rito ang bagay na kanyang natuklasan.

"You're stuttering, are you okay, babe?" nahimigan naan niya ang pag-aalala sa boses nito.

"Yeah babe I'm fine, baka third subject na ko makapasok. I'll text you kapag papunta na'ko."

"Are you sure babe? Baka may problema ka, tell me."

"Wala po baby, sige na po I'm driving, I will text you later okay? I love you, babe." pamamaalam ni Amara rito.

"Fine, just drive safely okay? I love you more, baby." after that she immediately cut off the line.

Nakarating na si Amara sa clinic at naghihintay ng appoinment sa ob-gyne.

"Miss Gomez doktora is ready to see you, tayo na po sa loob." magalang na wika ng nurse.

Tumango naman siya rito at pumasok sa loob ng clinic.

"So Ms. Gomez, kamusta pakiramdam mo?" ani Dra. Marquez sa dalaga.

"Uhmmm... Doc, lately po palagi akong nahihilo, lagi rin po ako nasusuka. Kahit 'yung mga pagkain na paborito ko parang ayaw ko na po ngayon." paliwanag ni Amara sa kanyang doctor at nakita niya na ngumiti lang ito sa kanyang mga sinabi.

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon