PART 62

24.5K 377 88
                                    

JHOANA POV

Narinig ko lahat ng mga pinagsasabi ni Bang sa harap ng Bea ko tungkol sa akin habang pasigaw ito na sumagot sa Mahal ko. Tiningnan ko si Beatriz at nanatili lang itong kalmado. Lumingon ako sa swivel chair at doon ko nakita si Kian na lasing din na nakapikit, hindi ko alam kung tulog ba talaga o nagtutulog tulogan sya o ano.





We decided na pumasok ng dahan dahan para hindi nila kami mapansin kasama ko si EJ at Celine, pero parang pinagsisihan ko ang magpasok at paghatid ng coffee dito dahil nahusgahan ako ng hindi ko inaasahan.





Sa dinamidaming hiningi ni Bang sa Beatriz ko ay ang pagmamahal pa, pagmamahal na hindi dapat hinihingi kundi kusang binibigay.





"Bang, itigil mo na nga yang kahibangan mo alam mong ikakasal na si Isabel pero pinipilit mo parin ang gusto mo." sabat ni EJ sa kanila kaya napalingon sila sa gawi namin.





Lumingon naman ako kay Celine at sinabihan na ipainom ang isa sa coffee na dala namin kay Kian, kaya ginawa nya naman agad iyon.




"Bakit ko ititigil EJ? E hindi ko pa nakukuha ang gusto ko." sagot ni Bang. Putcha!




Ano ba ang tingin nya sa Beatriz ko? Doll pag nagustuhan nya pipilitin lahat makuha lang ito? Sya ang dapat tinatawag na obssessed.




Imbes na makinig ito ay mas lalo lang itong nagalit at worst pinagsalitaan ako ng hindi kaaya ayang pakinggan. Naramdaman ko na uminit na din ang ulo ng Beatriz ko kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan sya sa braso. Hinawi nya naman ako at hinalikan sa noo ng maramdaman nya ako sa tabi nya.





"Baby, hayaan mo muna lasing sya, hindi nya alam ang mga pinagsasabi nya." bulong ko sa kanya at nginitian sya.




Humarap ulit kami kay Bang at doon kitang kita ko ang galit sa mga mata nya, na tila umaalab ang mga ito, na kahit anong pilit nya sa Beatriz ko sa akin parin ito lumilingon at ngumiti ng tunay.





"Ano bang meron sa babaeng yan na wala sa akin?! Ha?! Beatriz?!" sigaw ni Bang sabay duro sa akin.




Grabe pala sya pag nagmahal gagawin lahat makuha lang ang gusto nya. Pero sa lahat ng ginusto nya ang Mahal ko pa. Ano bang nagawa ko sa kanya at ganon nalang sya kagalit sa akin, Minahal ko lang naman ang Mahal nya na Mahal din ako na hindi sya Mahal.




"Ang layo ng pagkakaiba nyo bang, kaya tumigil ka na." seryosong sabi sa kanya ni Bea.





"Malayong malayo dahil hind kami magka level, na ako ang dapat para sayo dahil pareho tayo ng estado sa buhay at hindi sya na isang ordinaryong empleyado mo lang. Mukhang pera ang babaeng yan, siguro pinaiikot ka lang sa palad nya at ngayon na hulog na hulog ka sa kanya madali nyang makuha lahat ng gusto nya, or maybe nagpapatira sya sayo kapalit ang mga luho na gusto nya galing sayo." sabi ni Bang.





Hindi ako umimik at tanging namumuong luha sa gilid ng mata ko ang lumabas galing sa kaluluwa ko na syang nagpatunay na hindi ako manhid para hindi maramdaman ang mga panghuhusga nya sa akin, to be honest na offend ako, nasaktan ako sa mga pinagsasabi nya. Ganon ba talaga ang tingin nya sa akin? Mukhang pera at Nagpapatira para lang makuha ang gusto?




Bakit ganon? Kung may partner ka boyfriend/girlfriend na mayaman at ikaw isang ordinaryong tao na simple lang ang pamumuhay iisipin agad ng mga tao na pera lang ang habol at walang pagmamahal sa relasyon ninyo. Bakit ganon nalang kadali sa mga tao sa panahon ngayon ang manghusga, hobby na ba ang panghuhusga ngayon? Or sadyang uso na talaga at sumabay lahat ng tao sa pausong ito?





 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon