PART 17

37.4K 464 50
                                    

BEA POV

"Sino daw?" kunot noo kong tanong.

"Kian Dy daw sabi ni Manong eh." sagot ni Maki kaya mas lalong kumonot ang noo ko, parang bigla akong nawala sa mood.

Hinawakan naman ni Jho ang waist ko at pinisil yun, siguro to signal me. Kaya tumingin ako sa kanya at parang nag alalang tingin lang din ang binigay nya sa akin.

"ikaw bes ha, may manliligaw kana pala di mo shinishare sakin, nakakatampo." sabi ni Maki sabay bangga ng shoulder nya kay Jho.

"manliligaw agad? Diba pwedeng friends lang dinalaw lang ako." sabi ni Jho, alam kong alam nya na wala na ako sa mood kaya hinawakan nya ang kamay ko at pinag intertwined yun.

"kaw na talaga bes ang Jhosa, how to be you po?" tanong ni Maki at natatawa pa

Tahimik lang ako napapaisip, paano pag popormahan din ni Kian tong si Jho mas lalo kaming magkakainitan. Wag nya lang talagang agawin sakin si Jho, kundi . .

*Ting

Bumukas bigla ang elevator at dito kami bumaba sa lobby, bakit hindi basement napindot ko kanina para sana hindi na sila magkita.

Nauna ng maglakad si Maki sa amin kaya may sinabi ako kay Jho.

"Pinapunta mo pala si Kian dito? Bat di ko alam?" tanong ko kay Jho na blanko lang ang expression ko.

"Bei di ko alam na pupunta sya, alam nya na dito ako nagtatrabaho kasi nagkausap kami sa Gala diba?" sagot ni Jho.

"Bat mo naman sinabi na dito ka nagtatrabaho?" tanong ko.

"Beatriz mamaya na natin pag usapan to, wag dito, at ano ba ang pinapalabas mo?" medyo na iirita na sabi ni Jho. Nagsisimula na kaming magtalo.

"Wala akong sinasabi, kung gusto mo puntahan mo si Kian. Siguro nga mamaya na natin pag usapan." sabi ko kay Jho, sa selos ko nag walk out ako, ginamit ang hagdan para makapuntang basement. 

"Beatriz!" tawag ni Jho, hindi ko parin sya nililingon at dirediretso lang lakad.

Alam kong sinusundan nya ako, hindi ko parin sya nililingon.

"Beatriz ano ba, masakit na ang paa ko tumingil ka nga, wag naman ganito." sabi ni Jho na parang naiiyak na. This time nakarating na ako sa tapat ng Car ko.

"May bisita ka diba? Puntahan mo. Nakakahiya naman sa kanya kanina pa nag aantay sayo." sabi ko at humarap sa kanya.

"Hindi ko nga alam na pupunta sya, wala akong contact nya at higit sa lahat hindi ko binigay digits ko kasi alam kung magagalit ka kahit noong hindi ko pa alam na mapapa amin ka ng wala sa oras. Ano ba?" sabi ni Jho na nanggilid na ang luha. Pinigilan ko ang sarili ko, nagmatigas parin ako dahil sa letcheng selos nato.

"Nandoon na sya, mag kwentuhan ulit kayo sayang naman effort nya." sabi ko at sumakay na sa kotse. Letcheng selos to. Pamura isa lang.

Putangina!

"Baby please wag ganito." katok ni Jho sa pinto ko, narinig ko pa kasi hindi ko pa totally nasarado ang window.

Pinaandar ko na ang Benz ko at dahan dahan na umarangkada pero nag eecho pa ang plead ni Jho sa isip ko.

Baby please wag ganito . . .

Baby please wag ganito. . .

Baby please wag ganito . . .

Kaya hindi pa masyado malayo mula sa kinatatayuan ni Jho tiningnan ko sya sa side mirror ko at yun. . .

Nakita kong nagpunas na ng luha ang Baby ko. Shit lang Beatriz! Hindi ka marunong umintindi, nag explain na nga na hindi alam. Taena umiyak ang Baby ko dahil sakin.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon