Part 25

36.6K 482 41
                                    

JHOANA POV

Habang nagluluto kasi si Bea ng dinner namin, tinext ko si Maki at ate Ells na pumunta dito sa condo ni Baby ko kasi may importante akong sasabihin.

Gusto ko nang ipaalam sa kanila ang tungkol sa amin ni Beatriz, habang inaantay ko sila nanood muna akong tv, habang ang isa busy padin.

Ding Dong!

Baka sila na yan, tumayo na ako at inayos muna ang sarili ko.

"Baby sino yan? I dont have expected visitors tonight" sigaw ng Baby ko mula sa kitchen, di ko na sya sinagot at pumunta na sa main door.

Ding

Dong!

"wait lang." sigaw ko, paulit ulit ng doorbell eh, walang doorbell sa inyo teyh? Kahiinis.

Pagkarating ko sa harap na mismo ng doorknob parang bigla akong kinabahan, bakit ganon eh si Ate ells lang naman at si Maki ang bisita namin mamaya.

Huminga muna akong malalim at binuksan ko ang pinto, laking gulat ko at hindi pala sila ate ells ang nag dodoorbell.

Lalaki? Kaya napatanong ako at nagtaka kung bakit parang ngiti ngiti pa sya.

"Sino po sila?" tanong ko sa lalaki, na nakangiti at may dalang flowers, stuff toys at chocolates.

"Siguro bago kang kasama ni Beatriz dito sa condo nya noh? Kaya hindi mo ako kilala. Kaw ba ang pumalit kay Ate Esperanza na katulong nya dati?" napapanganga ako sa sinabi ng lalaki, mukha ba akong katulong? Leche ka. 

"Excuse me? Anong sabi mo?" tanong ko ulit baka kasi nabingi lang ako.

"Ang sabi ko Ikaw ba ang puma--" hindi natuloy ang kanya sinabi kasi biglang dumating si Beatriz mula sa kitchen.

"Jhoana ko sino yang kausa---, what are you doing here!?" hindi rin natuloy ng Baby ko ang sasabihin nya kasi pati sya nagulat rin.

So? Magkakilala sila matagal na kasi napagkamalan pa akong katulog eh. Tss

"Im here to visit you Beatriz, of course I missed you. I will still continue to court you even if you dont want me, but I want to" sabi nung lalaki kaya lumingon ako kay Bea at tinignan sya ng "Ano-to-look" at siguro na gets nya yung tingin ko at binigyan nya din ako ng "ako-bahala-dito-look."

Kaya tumalikod na ako sa lalaking yun kasi bigla akong naiinis at uminit ang ulo ko, bago man ako makalagpas sa kinatatayuan ni Bea nahawakan nya ako sa waist ko at pinalapit sa kanya.

"Stay with me" bulong nya.

"Can I come in?" tanong nong lalaki, kaya tumango nalang ako.

Pinaupo sya ni Bea sa sofa at mukhang formal naman kaya sumunod ito at umupo sa tabi ng Baby ko, Kuya utang na labas wag kang makadikit dikit jan kung ayaw mong masira yang naka gel mong buhok.

Pero itong Baby ko umusog sa akin sabay lagay ng right hand nya sa lap ko kaya medyo kami ang dikit, napatingin naman ang lalaki sa amin lalo na sa kamay ni Bea na nakapatong sa lap ko. Wakamingpakesayo.

"By the way Isaac this is Jhoana Maraguinot, Jho this Isaac Go ahhmm." pagpuputol nya.

" long time suitor ko." sabi ni Bea sabay tingin sa akin at kamot kilay. Kaya tumingin din ako sa lalaki na Isaac daw, long time suitor pala.

"Nice to meet you Jho." sabi ni Isaac sabay lahad ng kamay nya. Di naman ako ganon ka maldita kaya inabot ko yung kamay nya para mag hand shake kami.

"Ano palang ginagawa mo dito? May sadya ka ba?" tanong ni Bea doon kay Isaac.

Ayoko namang marinig  yung mga sweet words nya para sa pag-aari ko, at mas lalong ayokong makita ang sweet gestures nya para sa mahal ko, kaya tumayo  nalang ako kaya lang napatingin silang dalawa sa akin.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Where stories live. Discover now