PART 64

25.8K 372 88
                                    

JHOANA POV

This is it, Finally! the Day that we have been all waiting for. Iilang sandali nalang at matatali na ako sa taong pinaka mamahal ko, magiging ganap na maybahay na ako at soon magiging mommy na rin sa mga anak ko.


Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ang init ng dugo ko at naiinis ako sa kanya, hindi ko inakala na sa kanya iikot ang mundo ko at ipaparamdam sa akin ang tunay na pagmamahal, tapos ngayon ikakasal na ako sa taong yun. Expect the unexpected nga talaga, dahil hindi mo alam kung sino talaga ang taong para sayo.


Hindi mo talaga masasabi kong sino ang nakalaan sayo, kahit pa ayaw mo sa kanya pero pag ang tadhana na ang gumawa ng paraan para sa inyong dalawa, pilit mo mang itanggi sa sarili mo na wala lang pero hindi mo maloloko ang sarili mo na mahalaga sya sayo at hindi mo kakayanin pag nawala ito.


Sa mga pinagdaan namin before, isa na yung two months break up namin sa nagbigay lesson sa relasyon namin. Pilit man kaming sinubok ng tadhana pero ang pagmamahal namin sa isat isa ang nagdala sa amin upang maayos ang lahat ng pagkakamaling nagawa at piniling kalimutan nalang lahat para magsimula ng panibagong memories.


Dumating din yung mga taong involve sa nakaraan namin at sinubok na naman ni tadhana ang tiwala namin sa isat isa, pero hindi ito nanaig dahil mas piniling pakinggan at pagkatiwalaan ang bawat isa sa amin para walang maling desisyon na magagawa for the second time.


Tapos na akong make upan at nakagown na rin ako dahil pinuntahan ako dito kanina ng videographer at ng photographer para picturan ako ng kung ano mang pose ang pinagawa nila sa akin for our wedding album.


Tanging signal na lang ng wedding coordinator ang hinihintay ko para bumaba na, nandito pa ako ngayon sa hotel room kung saan ako inayusan, nakatanaw at inalala lahat ng mga nangyari sa buhay kasama ang Beatriz ko na mamaya lang ay magiging asawa ko na.


Nabalik naman ako sa realidad ng biglang nagsalita ang bestfriend ko na kasama ko dito sa kwarto.


"Bess . . . Ang ganda ng ayos mo pati na ng gown mo, lahat as in lahat. . .grabe hindi ko aakalain na gagastos ng 5.7 million si Beatriz sa kasalang ito." sabi ni Maki.

"Ito na yun Bes, ito na ang pinakahinihintay nyong mangyari sa buhay nyo, wala ng atrasan ito, masaya ako para sayo Jhoana." sabi nya ulit at niyakap ako at niyakap ko rin sya pabalik.


"Thank you Bes, walang atrasan to dahil wala din yun sa plano ko." sabi ko at ngumiti lang sya sa akin.



"Nakita ko sa kabilang kwarto ang bestman at grooms men, ang popogi nila. Syempre magaganda din kaming mga girls noh." natatawa nyang sabi.

"Nakita ko rin ang Baby mo, Nako! Jhoana Louisse sinasabi ko sayo, para maexcite ka shut up muna ako." sabi nya at inayos ayos ang buhok ko.


"Kinakabahan ako Bes." sabi ko kay Maki.


"Natural lang yan, pag nakita mo na ang mapapangasawa mo mamaya, worth it ang kaba mo. Promise. Teka ilan ba lahat ang bisita nyo?" tanong sa akin ni Maki.


"Estimated friends ko at friends ni Beatriz plus mga businessman and businesswoman and their families, I think almost 600 visitors ang expected namin." sabi ko at napanganga naman si Maki kaya nailing nalang ako.


"Grabe. . " bulong nya.


Mayamaya lang ay pumasok na ang coordinator para pababain na ako, magkaiba kami ni Maki kaya nauna na sya sa baba.



"ahmm. . Miss Jhoana, ready na po?" tanong nya at tumango ako bilang tugon.


Inalalayan nila ako at ang gown ko papasok sa elevator hanggang sa makarating ako sa lobby and walking with poise papunta sa bridal car.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon