Part 20

39.9K 429 28
                                    

JHOANA POV

Nagdadrive na si Bea papunta sa Condo nya, actually po twice or thrice a week na ako pag natulog doon, so friday naman ngayon kaya doon ako.

Si Maki naman naki birthday kasama si Ate ells, kaya kami lang dalawa ng baby ko.

Pero kanina pa po sya di nagsasalita. . 😔

"By?" tawag ko sa kanya. Nililingon nya lang ako pero di parin sya nagsasalita.

"may problema ba? Okey naman tayo kanina ah." sabi ko at hinawakan ang kamay nya, hindi naman nya binawi kaya pinag intertwined ko yun.

"By magsalita ka please, ano ba problema? Tungkol ba doon sa flowers at chocolates?" tanong ko kaya lumingon sya sa akin at sakto naman na Red light.

"wala." maiksi at cold nyang sagot.

"nakikipag friend lang naman yung tao, wag ka na magalit." sabi ko at hinimas himas ang kamay nya.

"hindi naman ako galit." sabi nya.

"Eh ano lang?" hindi nya ako sinagot at binawi ang kamay nya, kaya umayos nalang ako ng upo at tumingin nalang sa labas.

Medyo beastmode ang Bae ko.

Nakarating kami ng condo na walang nagsasalita, pinagbuksan pa rin naman ako ng pinto yun nga lang di po sya nagsasalita.

Magagamit ko talaga ang Lambing ala Jhoana.

Nang makapasok na kami sa loob ng unit nya, sisimulan ko na para di na aabot sa pagtatalo to.

"By kausapin mo na ako please." paglalambing ko. Kinuha ko ang kamay nya at inakbay sa akin at tiningnan sya.

"Ano ba Jhoana, mamaya na nga mangulit" naiinis na sabi nya, kaya kumawala ako sa kanya. Tinignan ko lang, ang hard to get naman this Boss.

"okay. Aalis nalang muna ako sa harap mo" sagot ko nalang kunyari in sad tone.

Tumayo ako at pupunta sana kwarto nya, palilipasin ko muna ang init ng ulo ni Boss, pero bago ako maka alis nagsalita sya.

"baby stay." akala nya siguro aalis ako, kasi yung kwarto nya medyo malapit lang din sa main door.

"diba ayaw mo muna na mangungulit ako, kaya alis nalang muna ako." sabi ko at humarap sa kanya.

Lumapit naman sya sa akin at nagsalita.

"Sinabi ko lang wag kang makulit, di ko sinabi na umalis ka" sabi nya.

"ehh ganon din yun." sabi ko tumungo, sana naman umepekto kana noh, hirap kasing suyuin ng may topak na Bae.

Iniangat nya naman ang chin ko para matingnan ako.

"kasi naman baby, nakakasama lang ng loob na nandito naman ako pero nakaka receive ka pa ng mga gifts mula kay Kian, tapos parang gusto mo pa ang gifts nya, hindi mo ba gusto ang mga gifts ko sayo? Paano kung magustohan mo na sya, paano na si Baby Boss mo?" mahaba nyang sabi medyo in tampo tone parin.

Ayuun umamin din. Kinilig talaga ako Fam pag ganito sya, akalain nyo sa opisina sya ang boss lahat nasusunod pero pag dating sa akin, nagiging puppy sya.

Hinawakan ko ang mga monay cheeks nya bago ko sinagot yung mga kadramahan nya.

"Baby Boss ko?" lambing ko sa kanya, habang nakahawak parin ako sa pisngi nya.

"hmmm."

"Oo nga nakaka receive ako ng gifts sa kanya, pero hindi ibig sabihin na mas gusto ko gifts nya kaysa mga gift mo, kasi. . ." pagputol ko muna sa sinasabi ko.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon