PART 33

24.9K 412 132
                                    

BEA POV

Its been a month since I decided to broke up with Jhoana, hindi naman ako ganon ka manhid para hindi ko maramdaman ang dulot na sakit ko sa kanya, lalo na yung gabi mismo na diretso ko syang hiniwalayan.

Masakit din sa akin na makita syang ganon na nagmamakaawa sa harap ko na bawiin ang sinabi ko, pero hindi eh, nilamon ako ng galit kaya ganon nalang ako sa pagdesisyon ng mga bagay na hindi ko man lang inisip.

Kahit ako nasasaktan ako na mawalay sa kanya. 💔 kasi sobrang mahal ko sya, as in sya na ang naging mundo ko.

Niloko nya ako at yun ang pinaka ayaw ko ang mga taong manloloko kaya dapat lang alisin sila sa buhay natin, dahil habang buhay lang kayong lolokohin nyan, though hindi ko narinig ang side nya at ayaw ko na din pakinggan mas lalo lang ako masaktan.

These past few days, last weeks pa to be exact simula noong magkahiwalay kami sobrang maiinitin na din ang ulo ko, na halos lahat ng tao dito sa opisina napagbuntungan ko ng init ng ulo ko at galit.

Lagi naman akong tinetext ni Jhoana araw araw yun walang palya, pero iba ang number na gamit nya para daw makipag usap sa akin, nagpalit pa talaga sya ng number ha para lang makausap ako.

At tuwing dadaan ako sa cubicle nya tinatawag nya parin ako ng baby ko pero para sa akin hangin lang sya.

Sa katunayan nga last week inabangan ako ni Jhoana sa parking lot, sinusuyo nya parin ako para makipag usap sa akin.

Flashback

Kalalabas ko lang ng elevator at papunta na sana kung saan naka park ang kotse ko, natanaw ko na si Jho na nakaupo sa gutter ng parking malapit kung saan naka park ang kotse ko. Naka tungo lang sya.

Palapit na ako sa kotse ko at timing din na nag angat sya ng tingin nya kaya nakita nya ako.

Makikita ko sa kanya na sobrang maga na ng mga mata nya siguro kakaiyak nya, at lumalim pa ito gawa ng wala sigurong tulog.

Gusto ko syang yakapin at halikan dahil sobrang miss na miss ko na sya, pero naalala ko manloloko ang babaeng to, kaya even if I really want to do it pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

Bigla nya akong niyakap ng mahigpit at siniksik ang mukha nya sa leeg ko, basa na ng luha ang leeg ko dahil dulot ng pag iyak nito.

"Baby ko . . . pansinin mo naman ako, mag usap tayo please...pakinggan mo muna ako, di ko na kaya ang sakit eh, mababaliw na ako. . Please... " sabi nya sa pagitan ng paghikbi nya, nagpaka manhid ako kahit gustong gusto ko na syang yakapin.

Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang din syang yakapin ako kahit hindi ko sya niyakap pabalik. Kahit papano namiss ko rin ang mga ganito nya, yung amoy nya, lalong lalo na sya.

Pinigilan ko lang talaga na hindi tutulo ang luha ko kahit alam kong namumuo na ito.

"Baby please, nagmamakaawa ako. . Pag usapan natin to, sobrang sakit na kasi. . Alam mong hindi ko magagawa sayo yun.." sabi nya na umiiyak pa din, masakit sa akin na shes begging for my love again, pero masakit din kasi sa akin ang ginawa nya.

"hindi mo magagawa? Pero nagawa mo." nagpakalamig ako, para hindi nya maramdaman na konti nalang ay bibigay na ako, bibigay na ang luha ko dahil din sa sakit. Sakit na dulot na may kahalikan syang iba.

"Beatriz hindi ko ginusto yun. ." sabi nya at humarap sa akin.

"hindi ginusto? Pero naki paghalikan ka sa lalaking yun, eyes closed parang sarap na sarap ka pa eh." sabi ko at tumaas na naman ang boses ko.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon