Part 14

29.6K 437 61
                                    

JHOANA POV

Nagulat ako ng biglang yumakap ang babae kay Bea, hindi ko sya kilala Pero nakakainis ang aura nya. Ang bastos lang. Hindi ba nya nakikita na may kasama si Beatriz at magka holding hands kami?

Oo naburaot ako kasi may nararamdaman na din ako dito sa kahawak ko na nabitawan ako dahil sa lintang to. Bweesit. Kaya ayokong mag admit sa feelings ko eh, baka kasi hindi pala nya ako gusto at nag assume lang ako. Na siguro sweet lang talaga si Bea sa mga friends nya like Rene diba?

"Hi sweetheart di ka man lang nag confirm sa akin na aattend ka pala ng Gala para sana ako nalang ang date mo." sabi ng babae kay Bea, bastos ba sya? Hello? Alam kung maitim ako at medyo dem ang lights dito sa loob, pero honestly hindi nya talaga ako nakita?

Hinawakan naman ulit ni Bea ang kamay ko ng matauhan sya sa yumakap sa kanya at lumingon sa akin.

"Excuse me lang Miss Cobb? Cant you see I have a beautiful date right beside me?" pigil inis na sabi ni Bea.

"Oh you have kasama pala? Hindi ko kasi nakita. Sobrang tan kasi. Hahaha" aba bastos ang bunganga ng babaeng to, nagpipigil lang talaga ako ng inis ko at pinipigilang hindi maluha. Ganito pa naman ako pag naiinis tapos hindi ko talaga mailabas. Idadaan ko nalang sa iyak.

Oo. Maganda sya, maputi, mayaman pero sana naman walang laitan ng kulay. Lumaklak kalang ng gluta kasi afford mo, e ako maintain lang ng Safeguard mawala lang ang dumi sa katawan.

"Michelle Cobb!? Can you please stop? I already told you before na ayoko sayo. Di paba sapat sayo yun?" sabi ni Bea na naiinis na talaga. Lord please ayokong mag eskandalo sila dito, naisip isip ko na parang maiiyak na talaga.

Hindi ko pa nga na memeet yung parents nya tapos nasira na ang gabi ko ng dahil sa flirt na to?

"Bei mag usap muna kayo, wag muna mainit ang ulo please?" sabi ko kay Bea pero hinigpitan lang nya ang pagkahawak sa kamay ko. Hindi naman siguro kami mapapansin kasi maingay din dito.

"No. Stay with me baby." sabi ni Bea. Baby? Baby nya ako? Or tinawag lang nya ako dahil kaharap namin ang Babaeng to.

"Oh so shes one of  your  collection Beatriz?" sabi nung Cobb. Putek! Anong collection? Doll lang? Para paglaruan ganon?

"can you please shut up Mich!" at tuluyan na nga akong binitawan at hinawakan yung babae sa braso.

"Ouch Beatriz! Nasasaktan ako." daing nung babae.

"Sige na Bea mag usap muna kayo, balik lang ako sa table natin." sabi ko kay Bea at umalis na hindi ko na sya hinayaang magsalita kasi parang bibigay na yata ang luha ko pag nagtagal pa ako doon sa kanila.

Collection? Ganon ba talaga ka babaero si Beatriz de Leon? Aminin ko nasaktan ako kahit hindi naman dapat, nasaktan ako dahil inisip ko kaagad na baka pinaikot lang talaga ako, at pagnahulog ako ng todo todo iiwan din ako sa ere tapos yun nga isa na ako sa magiging "Collection" kuno.

Nakarating ako sa table namin at umupo, dem lights naman at wala na rin ang mga ka table namin, hinayaan ko nalang na tumulo ang luha ko na kanina ko pang pinipigilan. Kinuha ko ang wine glass at ininom yun ng diretso.

Hinanap ko ang slingbag na dala ko tonight at hinanap ang handkerchief ko, pero wala. Or wala talaga akong dala. Ewan. Masyado ng na occupy si Brain ng eksena kanina.

Hinanap hanap ko pa din pero wa--

"Here use my hanky kasi sa tingin ko kailangan mo to." sabi ng tao na hindi ko naman kilala. Walang dalawang isip na tinanggap ko iyon.

"Salamat" sabi ko at pilit na ngumiti. Punas muna akong luha baka matanggal make up ko. Samopan?

Binalik ko sa kanya ang panyo nya at tinanggap nya ulit yon.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon