PART 5

35.7K 623 30
                                    

JHOANA POV

Sobrang tuwa namin ni Maki dahil naka pasa kami sa interview, and guess what? Mag sisimula na daw kami next week. Kaya sa sobrang excited naming dalawa pumunta kami ng mall at mamimili ng kailangan na damit at mga gamit pang opisina, Halerr?

One of the most finest company in the Philippines tong papasokan namin kaya gusto namin impressive din yung dating namin noh, kaysa mag mukha kaming dugyot baka pagkamalan pa kami na taong grasa na naka business attire.

Nag decide kami na magpapa facial para naman bongga ang unang araw namin kaharap ang mga bagong workmates at ang Boss namin.

Speaking of Boss, mabait naman pala si Bea, kaso panay pacute, tss. Trabaho muna bago landi ang motto ko mga Bai.

Nasa mall na kami ni Maki at pumasok sa isang boutique ng mga damit, pumili kami ng babagay din pang opisina na parang casual lang tignan. Pili. Sukat. Pili. Sukat uli. At nag bayad na, konti lang muna pinamili ko wala pa akong budget no, saka na pag may bonus na ako. Hihi, nagutom ako kakalakad mga Bai kaya nagyaya na ako kumain.

"Bes kain muna tayo, nagugutom na ako eh." yaya ko sa kasama ko. Tumango nalang sya at pumunta na kami sa Jollibee, umorder at kumain. Pagkatapos namin sa lahat ng kailangan sa mall, umuwi na kami at nagpanghinga. We are ready for next week.

⏩ SOBRANG FAST FORWARD
(The next week)

Hay ngayon na ang first day namin as associate employee sa isa sa kilalang company ng pilipinas, kinakabahan ako na na eexcite kasi sa first job ko sa pinaka magandang company agad ako naka pasok, edi shing.

Pagka rating namin sa OffLions Group building, pumunta na agad kami sa floor kung saan dederitso kami for our designated area and department. Sabi kasi sa tawag sakin last week after nang interview sa 15th floor padin ang meeting place for new employees at doon antayin si Ate Ella na magdadala samin sa assign department namin, pati na rin sa cubicle namin.

Hinihintay nalang namin na tawagin kami para dalhin kung saan man kami dito sa building nato. Haha. After 15 minutes of waiting lumabas si Ate Ella mula sa office ni Miss Bea para ma briefing na kami.

"Ah Good Morning sa inyo ulit noh? Nagkikita ulit tayo ngayon at hopefully araw araw nyo na akong makikita , at wala na kayong choice. Hehehe" sabi ni ate ella, ang kulit nya kaya nagtawanan naman kami sa sinabi nya. Isa isa nya kaming tinawag at dinala nya kami sa assign cubicle.

"Therese Gaston?" nag raise naman ng right hand si therese.

"Rafael Verano?" nag raise din sya at sumagot ng "Raffy nalang ate ella" kaya tumango nalng si ate ella.

"Maxine Santos?" nag raise din si bes at sumagot din, hay nako alam nyo na kung ano yun, "Call me Maki nalang ate ella"
Kaya ngumisi sa kanya si ate ella, feeling ko magkakasundo tong dalawa puro loko eh.

"Anton Asistio?" nag raise din sya ng kamay nya, ang tahimik naman nito. Pero infairness huh Pogi at Maporma, yan yung mga type ko eh chinito, pogi, maporma at matangkad . . ay ano ba tong pinag iisip ko. #TrabahoBagoLandi nga motto ko diba?

"Jhoana Louisse Maraguinot?" tinaas ko din right hand ko, at syempre dakilang taong di papatalo sumagot din ako kagaya nang sagot nila bes, "Jho nalang te ella, masyadong mahaba ang jhoana eh."

"oo kasing haba ng hair mo, joke. Hehe, tawagin nyo nalang akong ate ells, total bagets pa din naman ako di lang sa height pati sa age na rin." natatawa nyang sabi.
Pero di ko gets yung sinabi nyang "haba ng hair mo." Ano kaya yun? Medyo loading ako don.

Kaya nagsimula na kaming mag ayos ng gamit namin sa kanya kanya naming cubicle ng magsalita tong katabi ko.

"Hi, Im Anton you are Jho right." sabay lahad ng kamay nya.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Where stories live. Discover now