PART 50

35.4K 423 106
                                    

JHOANA POV

Sa mga pinagsasabi sa akin ni Beatriz ngayon, hindi ko alam kung anong nangyayari, masyadong seryoso ang Baby ko.

Sa pagkakaalam ko nagbreakfast naman kami at sweet pa to sa akin, pero bigla nalang naging ganito ka seryoso at sinasabi ang mga bagay na parang may gustong iparating.


Nakikinig lang ako at diretso ang tingin ko sa mga mata nya, yung mga chinitang mata na tila nagniningning sa saya. Hinawakan nya ang kamay ko habang patuloy parin sa pagsasalita.

"pero ang mas pinangarap ko ay ang makita ka wearing a White Wedding Dress walking down the aisle, at ako naman naka Nice Tuxedo at naghihintay sayo at the end."

Binitawan nya ang mga kamay ko at may dinukot sya mula sa bulsa ng Furry Lining edge jacket nya at nilabas ang maliit na box.

Lumuhod sya sa harap ko at binuksan nya ang maliit na box na ang laman pala ay Diamond Ring.


Oh my God! A wedding proposal from my Love.


"Baby Jhoana Louisse ko, Will you marry me?" sabi nya habang nakaluhod pa hawak hawak ang maliit na box na may lamang Diamond Ring.

Hindi agad ako nakareact dahil napatakip nalang ako sa bibig ko dahil hindi ko ito inaasahan na mangyari ng ganito kabilis at dito pa mismo sa pinangarap kong lugar na kasama sya.

Gusto akong pakasalan ng taong mahal ko at napaka swerte ko dahil sobrang mahal nya din ako, Mahal na mahal. Pinangarap na magkaroon ng pamilya na ako ang kasama, at ang pinaka masarap sa pakiramdam is yung ako ang pinangarap na makasama hanggang sa pagtanda.



Dahan dahan akong tumango sa kanya, kahit may  luha na sa mga mata ko sa sobrang tuwa. As in unexpected ang pangyayaring to. Ito ba ang sinasabi nya na Special event? At ito rin ba ang dahilan kung bakit nya laging sinasabi na kinakabahan sya?



Well worth it ang kaba nya. . .



"it will always be a Yes Baby. . . yes. . " sabi ko habang tinitingnan sya na nakatingala sa akin habang inaantay ang sagot ko.


Di ko na napigilan at tumulo na ang luha ko sa sobrang saya, a memorable one indeed.


"Woaah! Yes! yes! Woaaah. ." sigaw nya at sumuntok suntok pa sa ere naparang nanalo sa lotto, at wala man lang pakialam sa mga tao na nakapaligid at nakatingin sa amin ngayon.



"Beatriz ko, ano ba. Tumigil ka na." natatawa kahit naluluha kong sabi.



"Yes! Thank you Baby, thank you. . . I love you so much My Precious Jhoana." sabi nya at niyakap ako, niyakap ko din sya pabalik.



Ramdam na ramdam ko ang sobrang sincerity at love nya sa akin ngayon, kung araw araw sya nag sasabi ng "I love you so much" sa akin, pero ngayon iba, parang naka capslock lahat sa sobrang intense na pati laman loob ko nagwala sa sobrang kilig at saya.



"Finally, hindi lang kita girlfriend, Fiance na kita." sabi nya sa akin ng humiwalay na sa yakapan namin.



Alam ko marami ang nakatingin sa amin, dahil kanina noong nag Yes ako sumigaw nga ang Beatriz ko sa sobrang tuwa nya kaya napatingin sila sa amin, alam kong hindi na bago sa kanila ang mga ganito dahil hindi lang naman ang Bea ko ang unang nag propose dito sa harap ng famous tower.



"Before I forgot Baby, I should give and wear this to you." sabi nya at sinuot sa akin ang engagement ring.



"Thank you Baby, at ako ang napili mong mahalin, alagaan, makasama at pakasalan. I love you so much." sabi ko at niyakap ulit sya.


 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon