PART 54

27K 413 114
                                    

BEA POV

"Am I hearing it correctly? That Isabel is already engaged?" tanong ng kung sino man kaya pareho kaming napalingon.


Hindi ko inaasahan na ang kababata kong si Bang Pineda ang taong nagsalita, kaya napatayo agad ako at nabitawan ko ang kamay ng Jhoana ko para yakapin sya, she is our princess back then, at kaming tatlo nila Kian at EJ ang mga princes nya.

Nag migrate kasi sa London ang buong pamilya nya kaya wala kaming magawa at nalungkot nalang sa pag alis nya, kaya kaming tatlo nalang ang laging magkasama habang naglalaro doon sa clubhouse.



"Bangnita! Namiss kita ng sobra" sabi ko at niyakap sya, naramdaman ko din na niyakap nya ako pabalik habang natatawa.



"Namiss din kitang unggoy ka, miss ko na din sila Kian at EJ." sabi nya ng humiwalay na kami sa yakapan.



"Bang, buti naman at dumating ka na. Sakto din dahil nandito sila Isabel at ang girlfriend nya." sabi naman ni Mommy at lumapit kay Bang for a hug.

Niyaya ko sya sa table para makaupo na at makakain na din.


"Nice to see you again Bulingit." bati sa kanya ni Dad.



"Si Tito talaga tinatawag parin ako ng ganyan." sabi ni Bang at nagpout, pumunta naman sya kay Dad at nag hug kahit nakaupo ito.



"Bang, I want you to meet Jhoana, Isabel's girlfriend." pakilala ni Dad. Shit! Nakalimutan ko ang Baby Jhoana ko.



"Hi Jhoana, Im Bang . . . Isabel's childhood sweetheart, sobrang lucky mo." sabi ni Bang at nilahad ang kamay para makapg handshake. Tinanggap naman yun ng Baby ko at ngumiti sa kanya.

Napansin ko naman na biglang nagbago ang aura nya na parang nawala sa mood pero pilit lang ngumingiti, hinawakan ko naman ang kamay nya sa ilalim ng mesa pero binawi nya ito. Anyare?

Hayaan ko nalang muna. Kakausapin ko nalang mamaya.



Nagsimula na kaming kumain at kaming tatlo ni Mom at Bang ang nag uusap samantalang si Dad naman at si Jhoana ang nag kwekwentuhan.



Kinumusta namin sya at tinanong kung kailan ito dumating last week pa pala pero nagpahinga muna sya para may lakas daw na gumala kasama ang tatlong unggoy which is kaming tatlo yun.




Natapos kaming kumain at nandito kami sa living room, while si Dad naman at ang Jhoana ko nasa dining padin at panay ang kwentuhan at tawahan, napapaisip tuloy ako kung ano ang pinagusapan nila.




Ano nga ba ang reaction nila Mom and Dad noong sinabi ko na engaged na kami ng Jhoana ko? Di ko tuloy napansin, Aish! Sumulpot kasi tong si Bang Bulingit eh. Mamaya ko nalang sabihin ulit.



While nag kwekwentuhan kaming tatlo, parang catching up na din namin ni Bang, napalingon nalang kami ng biglang malakas na tawa ni Dad at Jhoana mula sa kitchen.



"Talaga? Gwapo naman pala manliligaw mo bakit di mo sinagot?" rinig kong tanong ni Dad habang natatawa.



"Eh naglaho nga po eh, sayang nga." natatawang sagot naman ng Jhoana ko. Sayang? Napakunot naman ang noo ko sa narinig ko.



"Balikan mo ah, ayiiiee." tukso ni Dad kay Jho. Seriously Dad? Tinotolerate mo? Engage na kami nyan. Tss.



"Tito talaga, yoko nga ng ano diba mas gusto ko yung. . ." sabi ni Jho at nagtawanan silang dalawa.



 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon