Part 19

38.4K 430 31
                                    

BEA POV

Its been three months na nanliligaw ako kay Jhoana, sa three months na yan hindi maiiwasan na may tampohan talaga, isali mo na doon ang selos.


Sa loob ng three months mas naging clingy kami sa isat isa. Pag naiisip ko nga yung nangyari nung pumunta kami sa kanila, mapapangiti nalang ako dahil akala ko hindi ako matatanggap ng family nya, kasi syempre never pang nagka relasyon si Jhoana and never pa nagdala ng ibang tao maliban sa mga friends nito na taga doon din sa kanila at kay Maki.

Flashback :

Were on our way to Batangas na, and almost 2 hours of drive papunta doon. Pero ang baby ko? Nakatulog while hawak hawak pa ang lalagyan ng stick-o. Kaya hinayaan ko lang.

"Baby ko? I dont know na kung saan papunta sa inyo." sabi ko sabay haplos sa mukha nya para magising sya, dahan dahan naman syang nag mulat at umupo ng maayos.

"Sorry nakatulog ako." sabi nya at tinuro ang way kung saan may kanto na papasok sa bahay nila.

"its okey, para may energy ka mamaya pag kausap mo sila." sabi ko while patuloy pa din sa pag dadrive.

Bigla naman syang nag hug sa akin sideways kaya lumingon ako sa kanya.

"Thank you Baby Boss for driving me in my real home, na appreciate ko sobra." sabi nya

"anything for my princess" sabi ko at hinalikan sya sa buhok.

After ilang minutes nakarating na kami sa harap ng bahay nila, hindi muna kami bumaba at may nakikita akong dalagita din na nagtataka kung bakit kami huminto sa harap ng gate nila na hindi man lang bumaba ang sakay nito.

Ito kasing Jhoana ko, ang lakas ng trip tingnan daw muna nya ang reaksyon ng kapatid nya.

"Baby hindi ka pa ba baba?" natatawa kong sabi. Kasi kanina pa sya tawa ng tawa habang tinitingnan ang kapatid nya. Yun yata ang Jamel? Jinel? Ano ba yun.

"Jajing! Ang pangit mo pa rin!" sigaw ni Jho ng bumaba na sya. Kaya natawa nalang ako.

"Ate ikaw din, mas pumangit ka. Grabe naka work ka lang ng Manila may car kana. Iba ka, how to be you po?" sabi nung jajing at yumakap kay Jho, ang cute nilang tingnan.

"tangek! Hindi sa akin yan, kay Bea yan." sabi ni Jho. Well hindi pa nya siguro ako napansin.

"sinong Bea?" tanong nong isa.

"yung Ba-..ahm yung Boss ko." sabi ni Jho at nilingon ako, actually nasa likod lang nila ako di nila ako napansin dahil sa sobrang miss nila sa isat isa.

"boss mo yan ate? Gandang gwapo nya, crush ko na ata sya" sabi ni Jajing, kaya nakatikim ng batok galing sa baby ko, selosa din pala tong baby jhoana ko.

"mahiya ka nga, wag kang maharot taken na yan. .  sila mama?" sabi ni jho sabay tingin sa akin. Kaya nag wink ako sa kanya.

"Mama! Papa! Yung anak nyong chaka nag balik na." sigaw ni jajing, babatukan sana ni jho pero naka takbo na sabay belat  sa kanya.

Kaya natawa nalang ako sa kanilang dalawa. Tapos may biglang lumabas na babae na may edad  na nasa mga 45 na siguro.

"Mama! Namiss ko po kayo." sabi ni Jho tapos biglang yumakap sa Mama nya. Seeing my princess this happy, happy na din ako.

"Namiss din kita anak, oh! Sino yang kasama mo?" sabi ng mama nya.

"Mama si Bea po. . . ahm." sabi ni Jho sabay tingin sa akin.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon